II.

487 13 8
                                    

one calm morning, nakatayo ako sa grave mo. Ika-7 death anniv mo na, cass. Tignan mo, may balloons at cake pa ako. Parang birthday mo, tanga ko no?

Nag alay ako ng kaunting dasal pagkatapos ko sindihan ang mga kandila.

"Cassandra, we never celebrated your birthday together.. alam kong every year andami ko pakulong ginagawa hahaha, pero nagugustuhan mo ba?"

Oo jeonghan, sasagot yan eh.

"What if naipanganak mo si baby, ano kaya pangalan nya? Gusto ko sana kung lalaki, casper jake. Kung babae naman, cassie joice. Ganda diba? C and J." Hinaplos ko ang lapida nya.

"Miss na miss na kita at di ako magsasawa sabihin sayo yun araw araw, mahal na mahal kita ngayon at magpakailanman."

"Sir yoon?" Lumingon ako sa likod ko nang may tunawag sakin.

Laisa??

Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko.

"A-ah! Andyan ka pala. Ahehe. Alis na ako, bye cass." Nagmadali ako umalis habang hawak ko ang balloon at cake.

"Teka sir!" Puta hinahabol ako ni laisa!

Humarang sya sa harap ko kaya natigil na din ako ako. Wala ako choice, di ko matulak dahil may hawak ako.

"Bakit kilala nyo si ate cass??"

Should i explain??

"Hay. Fine. Alam kong pinsan ka nya beforehand and wala ako balak sabihin sayo, until you caught me. cass is my soon to be wife. Before." Natahimik si laisa.

"...namatay si cassandra, dahil sakin."

Nakaramdam ako ng palad sa mukha ko. I deserve that. Yan na lang inaantay ko para mapatawad ko sarili ko sa nangyari kay cass.

"Walang hiya ka! Dahil sayo namatay ate ko! Dahil sayo, hindi na kami nagkakilala!"

Ha?

"Teka ano ba sinasabi mo??"

Tumigil sya sa pagwawala at umiyak na lang sa harap ko.

" the reason why di na umuuwi si dad sa kanila is because of me. Buhay ang tatay namin, hindi ako pinsan ni ate cass, kapatid nya ako."

That explains why sobrang magkamukha sila.

"...pero dahil sayo! Dahil lang sayo!"

And with that, di ko na naman naipaliwanag ang side ko.

Pero dibale, at least sa ngayon mapapatawad ko na ang sarili ko.

"mahal na mahal ko si cass, laisa. Walang araw na hindi ko sya inisip. Di ka ba nagtataka single ako? Dahil walang makakapantay kay cassandra."
Tumingin sya sa akin habang naiiyak.

Tangina, kahit mata mo cassandra pag umiiyak kuha nya din eh.

"Wag ka na umiyak, nagiging kamukha mo na si cassandra." Sabi ko sa kanya.

"Talaga namang kamukha ko sya dahil magkapatid kami!" Sabay punas ng luha nya.

Kagaya noon, pinanood ko lang si cassandra magpunas ng sarili nyang luha.

"Halika na nga doon kay ate!" Hinila nya ako kaya naman nagpahila na lang din ako.

Umupo kaming pareho sa grass. Kakaiba din tong babaeng to eh, bipolar ata? Ambilis magbago ng mood.

"Hi ate, ito nga pala yung nirereklamo ko sayong boss ko na utos ng utos sakin.."

Napataas naman ang kilay ko sa kanya. Natural utusan ko sya boss ako eh.

I rule.

"Pakisabi naman wag ako masyado pahirapan. Oo nga pala ate, si papa umookay na, salamat ha tinulungan mo ako kay God!"

Ano meron sa papa nila? Di ko pa nameet ang tatay ni cass, tanging nanay nya lang.

"Pwede magtanong? Ano meron sa tatay nyo?"

"May lung cancer ang papa namin, pero salamat kay ate cass, lumalaban na si papa."

Napag isipan ko na bisitahin ang tatay nila. Pero saka na lang, pag day off ni laisa at day off ko din.

And please cass, hindi ko sya pinopormahan.

"Okay na ako, tapos na ako. Ituloy mo na yung binabalak mo sana kanina." Tumayo na sya at pinagpag ang pantalon nya.

"Teka." Hinawakan ko ang kamay nya kaya naman natigil sya.

"Di ko mauubos yung cake. Samahan mo na ako kumain nito." Umiling na lang sya saka umupo ulit.

"Mr. Yoon-"

"Call me jeonghan."

"Jeonghan, kwento mo naman kung paano kayo nagkakilala ni ate para naman may mapagusapan tayo."

I dont know if i should tell it to her. Baka masampal na naman ako. Anyway, she's aksing for it, so why not.

"Okay, pero don't get mad. Magkapitbahay kami ni cass, mga highschool pa lang kami non at we are flirting buddies, meaning to say, ako lang lumalandi, at sya lang bumibigay. We make out. Every night. Pero nung nakilala ko sya laisa, believe me, in denial ako. Maganda si cass di ko maitatanggi yon, pero may kakaiba sa kanya eh..."

"Hayop ka! Pinaglalaruan mo ata si ate!" Sasaksakin nya na sana ako pero di na nya naituloy.

"Wag ka nga magalit! Nagpapakwento ka dyan eh! Anyway, ayun nga, ang labas nga ay ganun, na pinaglalaruan ko sya because i describe her as my toy. Pero yung nararamdaman ko, it's another way around. Si seungcheol nga naging boyfriend nya pero sobrang nagselos ako nun.."

Di ko alam kung nakikinig pa sya dahil kain lang sya ng kain nang hindi tumitingin sa akin.

Natapos ko na ikwento sa kanya ang lahat, pwera sa ex ko si shanice. Pero nevermind that, di na nya kailangan malaman pa iyon.

I offered her a ride pero sabi nya susunduin sya ng driver nila. Sige bahala sya, tutal wala naman ako pakeelam, nag offer na ako.

I turn on the engine and umalis na sa cementery. I have to go to my mom's house because she said so.

Napansin kong parang makulimlim, hindi naman siguro uulan.

Paano si laisa pag umulan?

Ano ba pake ko? Nag offer na ako sa kanya diba.

Paano pag nagsisinungaling lang si laisa dahil inis sya sa akin?

Edi mainis sya!

Eh bakit ba ako nakikipag away sa sarili ko?! Choice nya yon! Ginawa mo na part mo jeonghan.

Pero dahil mapaglaro talaga ang panahon, biglang umulan, malakas pa.

"Tangina." Nag U-turn ako para mahabol ko pa si laisa. I got to stop thinking about her welfare.

This is going to be the last.

And tama ako, nakikita ko syang naglalakad palabas sa sementeryo. Anong sundo sinasabi nya, sinungaling.

Tumigil ako sa tabi nya at binuksan ko ang pinto. Hinablot ko sya para pasakayin.

"Get in!" Pumasok naman agad sya at pumasok na din ako.

"Sabi mo may sundo ka, yung totoo ms. Chua?"

"Eh nakakahiya naman kasi sayo! Tyaka boss kita kahit ano pang mangyari!"

So dahil lang dun nagkakaganyan sya?

"At ayaw kita agawin kay ate.."
Natahimik na lang kaming dalawa sa sinabi nya.

1004Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon