IX

284 8 2
                                    

LAISA

bakit wala si sir jeonghan ngayon? Pati din secretary nya na si miss shanice.

Nakakapanibago. Sana okay lang sya.

"Nagresign na daw sila." Narinig ko yung kaopisina ko nagchichikahan.

"Talaga?! Ano kaya nangyari? Baka mag aasawa na sila!" Sabay hagikgik nila.

Totoo kaya?

Biglang kumirot dibdib ko sa ideya na yon.

Ay teka bakit kumirot?? Mali mali!

"Okay ka lang?" Lumapit si joshua sa cubicle ko. Inirapan ko sya at di sinagot.

"Oo."

"Laisa-"

"Kung pag uusapan natin yung nangyari nakaraan, wag mo na ituloy."

Ayoko na eh! Oo na may girlfriend ka na. Okay na ba joshua?

"Okay fine." At umalis na.

Bakit pakiramdam ko nasa puntod ni ate si sir? Baka may pinagdadaanan lang talaga sya? Gusto ko talaga itanong!

Inilabas ko ang phone ko para itext man lang si sir. Eh kung wala sya sino papalit sa kanya?

Itinext ko si sir jeonghan pero di nasagot. Tawagan ko kaya? Kaso baka maabala ko pa.

Tatawagan ko na kesa naman sa buong araw ako mag isip diba.

Dinial ko agad ang number ni sir at sinagot naman agad nya ito.

"sir asan ka-"

"dont call me sir anymore. Di mo na ako boss."

"okay jeonghan. Asan ka ngayon? Everyone is looking for you."

Narinig ko sya nagbuntong hininga.

"i-i'm doing something. Just always remember do not trust seungcheol no matter what." at pinatay ang tawag.

Luh weird. Magkaaway ba sila?

Feeling ko nasa puntod sya ni ate eh. Mapuntahan nga. Sakto lunch ko na.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko bago magbook ng grab at bumaba na. Concern talaga ako kay sir yoon. Malaking issue to lalo na kasama din nawala si miss shanice.

Tyaka ano ba sasabihin sa akin ni sir choi?

After 1 hr nakarating na kami sa sementeryo. Nagpababa na lang ako sa entrance at naglakad na.

Sa di kalayuan nakita ko agad si sir yoon na pinapabungkal ang puntod ni ate.

Teka ano ba nangyayari??

Agad ako lumapit at hinawakan ang balikat nya. Andito rin pala si miss shanice.

"sir! Este, jeonghan! Ano nangyayari? Ano ginagawa nyo?" gulat syang tumingin sa akin.

" basta laisa! Marami ako dapat ipaliwanag pero ito lang ang masasabi ko sa ngayon. Di si Cassandra yan. Kailangan natin maibalik sa tunay nyang pamilya at bigyan ng maayos na libing under her name. "

Para ako nabuhusan ng malamig na tubig. Kung ganon, nasaan ang kapatid ko? Bakit ibang tao yan?

" h-ha? Ano sinasabi mo sir-"

"laisa promise sasabihin ko sayo lahat ng nalalaman ko." nanahimik na lang ako sa isang sulok at di na lang sya tinanong pa.

Ano ba kasi talaga ang nangyayari?

Kung buhay talaga si ate, matatanggap nya kaya ako?

Bumalik ako sa office kasi di naman ako pinapansin ni sir yoon kaasar. Pinakilala na rin samin ang pumalit kay sir yoon,yung asawa ni sir choi.

"laisa pinapatawag ka sa taas." kay sir choi?

"ha bakit?" di na sumagot kaopisina ko at tumuloy na sa taas.

Pagkakita sakin ng receptionist ni sir choi pinatuloy na agad ako sa loob. Nakita ko syang nakatayo sa harap ng bintana at tinatanaw ang buong syudad.

"sir choi pinapatawag nyo daw po ako." humarap sya sa akin ang ngumiti.

"please take a seat miss chua." umupo naman agad ako at ganun din sya.

"i dont know where should i start. If i should tell you ex din ako ng ate mo..or dun sa part na sasabihin kong may pag asa pang makita mo ate mo ng buo?"

Naalala ko sinabi ni sir yoon na wag makinig sa kanya.

"mag simula na lang kayo sa kung ano  nauna nangyari." sagot ko.

Tumawa sya ng kaunti at tumikhim. Basta susundin ko payo ni sir yoon kasi mas may tiwala ako sa kanya. Di sya mamahalin ni ate kung di sya nagtitiwala dito.

"alam ko naman na may pagtingin si jeonghan kay cassandra nung highschool kami eh. Crush ko kasi si cassandra noon pa man. Gusto ko lang kunin ang dapat na akin. Naging kami naman pero sa masaklap na pagkakataon nakapag asawa ako sa babaeng di ko gusto. At di ko gugustuhin... Kailanpaman. "

Si mrs. Choi ba sinasabi nya? Ganitong klaseng lalaki pala sya.

" kaya nagkaroon ako ng pagkakataon mabawi ang akin. Maniwala ka laisa, hindi inalagaan ng maayos ni jeonghan ang ate mo kaya naaksidente sya, namatay pa nanay ni cassandra at ang magiging anak nila ni jeonghan. Kaya dapat lang na itinago ko sya kay jeonghan. Naiitindihan mo ba kung bakit kailangan ko ilayo sya kay jeonghan? Ikaw, coincidence ka lang."

Bakit nya ba to sinasabi? Para ba hindi sumama loob ko,o para kampihan sya? Di ko gets.

Pero hindi tama na pinaniwala nya kaming wala na ate ko. Maling mali sya dun.

" una sa lahat sir, wala ka karapatan ipagdamot ang ate ko sakin, sa tatay namin, at lalo na sa lalaking dapat na nasa tabi nya ngayon. At hindi ikaw iyon. Wala na ho ako pake kung matanggal ako ngayon na sa trabaho pero gusto ko lang sabihin na pangalawa, makapal ho mukha nyo."

" sabi ko na nga ba hindi mo maiitindihan-"

" all this time ang sisi kay sir yoon. Pero ikaw pala talaga ang may mali dito, kasi unang una ka naglagay ng sisi sa kanya hanggang sa lahat ay sinisi na sya."

Saglit kaming nanahimik, bago sya tumayo at humarap sa bintana.

" makakaalis ka na. "

Tumayo na ako at lumabas na. Nanalo ako sa sagutan namin? Yehey naman pala kung ganon.

Pero i do have a point. Wala syang karapatan. All he did was for his own satisfaction.

Bumalik ako sa cubicle pero lahat ng gamit ko ay kinukuha na ng guard. Nakatingin lahat ng officemates ko sakin na may halong pagtataka.

Pag kinalaban si sir choi, mapapatalsik ako.

Ganun ba ang meaning ng sinabi nyang makakaalis na ako? As in alis ako dito?

Ayan laisa, panindigan mo sinabi mong wala ka pake kung masesante ka. Magaling ka eh tapang mo.

"laisa ano ginawa mo?" tanong sakin ng isa sa officemates ko.

"di.. Ko alam."

"mr. Choi said makakaalis ka na. Pinaparating nya ding fired ka na." nasa likod ko receptionist ni sir choi.

"paki sabi okay. At pakihatid ang mensaheng babagsak din sya."

Hay. So paano na ako ngayon?

1004Where stories live. Discover now