VII.

280 9 10
                                    

"Jeonghan picturan mo naman ako dito!" Turo nya sa statue. Kinuha ko na lang sa kanya yung selpon sa kamay nya at nagposing na sya. Bakit ko nga ba to ginagawa?

"Ayan okay na" abot ko sa kanya ng selpon nya.

"Waaah! Ang galing mo naman kumuha!" Puri nya sa akin.

Agad ko kinuha ang cellphone ko at inakbayan sya.

"Memories" sagot ko na lang sa kanya dahil tinignan nya ako na para bang kinukwestyon ang ginagawa ko.

Ngumiti na lang sya pagkatapo ko umanggulo.

"Perfect" sagot ko sa kanya.

"Bluetooth mo naman sakin!" Sabi nya pa.

"Hoy, iphone to akala mo sakin?" Tinignan ko yung samsung na phone nya saka sya sumimangot.

Madami pa kami dinaanan pero nakauwi naman na kami ng maaga para magligpit ng pinamili.

Sumalampak sya sa sofa at bumuntong hininga.

"Ayoko pa bumalik sa maynila." Sabi nya pa sabay tingin sa akin.

Yang matang yan. Dyan ako nahulog sayo cassandra. Sa mata na ganyan.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanyanat dumiretcho sa kwarto ko pero iniwan kong bukas yon.

"Ayoko sya makita o makausap. Parang ang hirap mag move on sa taong akala mo okay na kayo pero darating talaga sa point na isasampal sayo na hindi. "

Ah tangina. Ayan. Ayan din ang sinabi ko noon. Buti kanya buhay eh, may chance.

Eh akin?

" kailangan natin bumalik, hindi lang naman sa kanya dapat umiikot mundo mo." Binalik ko ang tingin ko sa maleta ko.

"Tama ka. Hindi dapat sa kanya.. anyway, patawag na ba ako ng room service?" Tumayo sya sa sofa at pumunta sa telepono.

"Yeah. Para makapagpahinga na tayo."

Kinabukasan, pag dating namin sa maynila, ako na naghatid sa kanya. ang balak nya pa ibaba ko sya sa terminal and i'll be on my way. Shempre di ako pumayag, isa pa, i want to see their dad.

I want to know why i haven't seen him simula nung bumalik si tita, which is cass' mom.

Even cass' grave i haven't seeb him once.

"Jeonghan. May galit ka ba kay papa? Ako na lang magsosorry para sa kanya-"

"It's not necessary laisa. Hindi ako galit sa papa nyo, i am just curious na hindi ko sya nakita sa libing ni cass" sabi ko habang nagdadrive.

"Nandun sya jeonghan. Naalala ko 15 years old pa lang ako nun at nandun kami sa malayo. Nakatanaw kay ate, at sayo na nakatingin sa kabaong habang unti unting binababa yon."

Tangina. Naalala ko na naman ang sakit.

"Hindi mo na sana dinetalye. Masakit eh." At natahimik kaming dalawa.

Pagkarating namin sa bahay nila, it's not what i expected it to be. It's a normal house.

Bumaba agad si laisa na hindi ako inaantay at tumakbo papalapit sa isang babaeng nakatalikod.

Pinatay ko na din ang makina ng sasakyan at bumaba na.

"Mama!" Sigaw ni laisa.

I guess they just share the same father.

"Laisa! Ikaw talagang bata ka! Nagdidilig ako!" Palo ng mama nya sa braso nya.

"Aray! Asan si papa? May gusto kumausap sa kanya." Napalingon silang dalawa sa gawi ko at nagbow ako.

"Magandang umaga po! Ako po si jeonghan, asan mo si mr. Chua?" Pinatay ng mama ni laisa ang gripo.

"Hoy lai, ito ba ay manliligaw sayo?" Umiling ng napakabilis si laisa.

"Ma, boss ko yan." Hinila nya ang mama nya at bumulong ito. Malamang sinabi nya na ako ang dating boyfriend ng kapatid nya.

"Ay, tuloy ka tuloy ka!" Pinapasok nila ako sa munting bahay nila, at sa sala pa lang, nakita ko na ang taong hinahanap ko.

Tama nga ako, sya ang kamukha ni cassandra.

"Magandang umaga ho, mr. Chua." Itinulak ni laisa ang mama nya sa malayo para di na makialam pa sa amin.

"Maupo ka." Sabi nya habang tinutupi ang dyaryo.

"Pasensya ka na sa nangyari sa mag ina ko." Panimula nya.

"Hindi na maibabalik yon. Nawalan din ako ng anak. Gusto ko lang malaman bakit hindi ka na bumalik, at bakit di ka naglakas loob pumunta sa lamay, kahit man lang sa ospital?" Napahinga sya ng malalim.

"Dala na din ng pagkahiya ko sa anak ko. Nahihiya ako ipakita ang mukha ko sa kanya, tatay nya may lihim sa kanyang kasalanan. Masyado ako naging mahigpit sa kanya iho. Ayoko sa huling sandali nya mabigat loob nya."

Bigla syang napaluha.

"Nang makita ni mariela ang mag ina ko na si esme at si laisa, sobra syang nasaktan. Sino ba ang hindi? Nailihim ko sa kanya at kay cassandra ng halos 15 years, hindi na din kinaya ng konsensya ko. Kaya pinalayas nya ako sa bahay at sya na lang ang bumalik dun kay cassandra na sya ring ikinamatay."

Naiitindihan ko na.

Tumayo ako at niyakap si mr chua. Sana mapanatag ang loob nya.

"Hindi ako galit sa inyo. Wala akong karapatan magalit."

Pinag istay pa ako ni laisa para sa tanghalian pero tumanggi na ako at umuwi na. Nakakahiya na no.

Pagdating ko sa condo ko na halos di ko na uwian, tumawag yung magilagid.

"Tsk. Ano kailangan mo?"

"Pumunta ka ngayon dito sa bahay." Sabi nya ng medyo seryoso.

Anong meron?

"Bakit? Wag ka na ngang mantrip seungcheol nakakagigil ha. Pagod na ako." reklamo ko.

"Tungkol to kay cassandra. Hindi si cassandra yung nakalibing."

'"Ano pinagsasasabi mo? Wag mo ako biruin ng ganyan seungcheol ha. Kitang kita ng dalawang mata ko kung sino yung nawalan ng malay sa kamang yon, at kung sino yung unting unti binababa sa lupa." Sabi ko na may pang gigigil na.

"How sure are you? Di nga nila binuksan yung casket for us to see who's there! It's just close until ibaon yon sa lupa!"

Whatever. Binaba ko na lang yung tawag nya. Ayoko makinig sa bullshit na to. Patay na si cassandra. I even saw her on my dreams! She even freaking made a video and i saw her spirit! Anong hindi patay?

Hindi pwedeng di ako naghahallucinate.

Pero patay na sya! She gave up on living!

Tawag pa ng tawag si seungcheol pero di ko na pinansin.

How i wish na totoo sinasabi ni seungcheol. Pero kita ko eh. That's enough evidence for me.

1004Where stories live. Discover now