I.

698 19 3
                                    

"So tell me, mr. Yoon, ano po ang sikreto nyo ni mr. Choi para maging ganito kasuccessful ang kumpanya nyo? Pwede nyo ba ishare sa kapwa nating mga manonood?"

Andito kami ni seungcheol sa isang show at iniinterview kami dahil sa success namin.

"Simple, patience and perserverance. Ayan ang meron kami, more than that ako may inspiration, ang misis ko." Ngiti ni gago.

"How about you mr yoon? Ano ang inspirasyon mo?"

Talagang itatanong mo yan? Really?

"My inspiration is no other than cassandra liu. Only her." Sabi ko. Natahimik na lang si seungcheol.

Kung ano ano pa tinanong ng interviewer sa amin bago matapos ang cue namin.

"Hindi mo na dapat dinagdag inspirasyon mo, pabibo ka eh." Sita ko sa kanya.

"Malay ko bang itatanong din sayo yan."

Kahit kailan seuncheol ang tanga mo. Nakakainis.

Sumakay na kaming dalawa sa company van namin patungo sa opisina.

Days ago, i met her. Ever since that day, lagi ko na pinapatawag si laisa. Ewan ko ko ba, gusto ko sya mautusan lagi. Halata na nga sa kanya na naiinis na sya pero wala sya magagawa.

Pero kahit ganun, di ako nag isip na may potential sya maging si cass. Di ako ganung tao.

Iba si cassandra, iba si laisa.

"Nagrereklamo na sa akin si shanice. Nagsusumbong daw si laisa sa kanya, utos ka daw ng utos jeonghan. May gusto ka ba kay laisa?"

Inirapan ko si seungcheol habang sya naman ay natawa.

"Utang na loob. Hindi ko sya gusto. Hindi sya si cassandra."

"Okay sige sabi mo eh."

Dumating na kami sa kumpanya at agad nagutos si seungcheol sa sekretarya nya na wag na kami bigyan ng broadcasting schedule.

Hindi naman kasi kami mga artista. Artistahin lang.

Shanice is my secretary. So wala akong problema. Sya kasi nag aasikaso sa mga ayaw at gusto ko.

"mr. Han meeting at 2p.m. with mr. Akihiro , di ka talaga tatantanan nito jeonghan, patay na patay sayo anak nito., then 4p.m. sa pacific grand hotel tayo dahil may invite sayo dun sa reception. 6p.m. dinner with laisa."

Nasnatch ko agad ang notebook nya at binura ko yung dinner with laisa. Bakit ba nila sinisiksik sakin yang laisa na yan?

"Shan, i will never look at her like how i look at cass. " at inunahan na sya maglakad. Narinig ko pa syang may sinasabi sa likod ko pero di ko na pinansin iyon.

Pagakyat ko sa office ko nakita ko si laisa na nag aayos ng papel sa lamesa ko.

"Pipirmahan ko ba yan ngayon?" Tanong ko sa kanya na syang kinagulat nya.

"Yes sir kailangan na po eh.."

I grab the nearest chair and drag it beside my chair.

"Umupo ka dito ms. Chua tulungan mo ako" bakas sa mukha nya ang pagkainis.

As i said, wala sya magagawa. Ako ang boss nya.

Sinimulan ko na tignan ang mga papel,tinanong ko pa sa kanya kung para saan at kung ano purpose nun.

I rejected some, dahil useless.

Bigla akong nasamid, di ko din alam kung bakit, pero nasamid ako.

"Sir okay ka lang??" Hinagod ni laisa ang likod ko.

Ganyan. Ganyan na ganyan humaplos si cassandra.

Bigla kong naitaboy ang kamay nya at tumayo.

"Kumuha ka ng tubig!" Sigaw ko habang naubo. Agad naman nyang ginawa ang hiling ko at ininom ko na agad.

"Bakit ba kasi ako nasamid. Anyway, tapos na ako, makakaalis ka na." Pinaalis ko na sya sa office habang bitbit nya ang mfa documents.

All day, cass. All day, inisip ko yung similarities nyo ni laisa. Ikaw na ikaw eh. Doppleganger, ganun.

Pero inisip ko din differences nyo, you are amazing, masungit ka at madalas mo ako tanggihan noon. Madalas mo din ako dramahan dahil sa in denial ako sayo noon.

Oo tama, noon pa lang na nagkakilala tayo gusto na kita. Ayoko lang aminin dahil takot ako.

"Mr. Yoon malalim ata iniisip mo?" Andito pala si shanice.

"Oh, kanina ka pa dyan?" Tanong ko.

"Medyo. Pansin kong hindi ka na umiinom ah, kakaiba." Binigyan nya ako ng mapang asar na ngiti.

"Kung sasabihin mo na ang dahilan ay si laisa, dyan ka nagkakamali."

"Wala ako sinabing pangalan." Tumawa sya ng malakas at napailing na lang ako.

"Hanggang ngayon iniisip ko padin si cassandra, shanice. Paano kung sinabi ko na lang sa kanya noon na nagtatrabaho ako, antayin mo lang ako. Mahal na mahal kita. Paano kaya no? Siguro andito sya sa opisina ko, kasama lagi anak namin."

Narinig kong bumuntong hininga si shanice.

"Well, partially, fault ko din han, wag mo isisi sa sarili mo. Kung di ako dumating dito-"

"-wala akong trabaho para sa kanila. Wala ka naman talaga kasalanan shanice."

Maya maya umuwi na din kami ni shanice. Pareho lang kami ng condo pero magkaiba ng unit, pero di kami nagsasabay pauwi o papasok.

Kahit na ang laki laki ng unit ko, namimiss ko ang bahay namin, katabing bahay nila cassandra na ngayon ay iba na ang nakatira.

I miss waking her up kapag nakakatulog sya sa study table nya. I miss her lips, how we hang out on her balcony.

I sighed, knowing that happy memories can also be sad too.

Pinark ko na ang sasakyan ko at pumunta na sa lift.

In one week, isang beses lang ako uuwi na as in mag damag ako magstestay sa unit ko. Binubugbog ko sarili ko sa trabaho, just to prevent thinking about cassandra.

Pero inaavoid ko na din sa office. Di ko alam pero nabobother ako kay laisa.

Cass wag mo naman ako ipamigay sa iba. Sayo lang ako.



1004Where stories live. Discover now