VI.

363 11 3
                                    

"Hala girl ang gwapo talaga nya"

"Sya yung nasa tv non ha! Yung sikat na presidente and bachelor"

"Hala sino yung kasama nya?"

"Malamang sekretarya nya."

Nakakagigil bakit ba kasi ako nandito ngayon sa shop, more likely, souveneir shop?!

Ah oo nga pala, tong magaling na laisa na to.

"Ano mas magandang design ng tshirt? " tanong nya sa akin.

Aba malay ko! Pare parehong tshirt lang naman sila na nakalagay ang pangalan ng lugar!

Pagkatapos kasi namin kumain, itong lokalokang to nagyaya mag gala. At ito nandito na kami sa shop.

"Ewan ko bilisan mo na dyan chua." Sabi ko sa kanya na may halong pagkabagot.

"Sungit." Bulong nya.

After 100000000 years natapos na sya sa pamimili, sa wakas. Feeling ko tatanda akong binata sa kinatatayuan ko eh.

Naglakad na ulit kami around the beach and nagkwentuhan. I also offered her to swim kasi why not enjoy this vacation?

After all, pagbalik namin sa realidad hindi na kami ganito, more like hindi na ako ganito sa kanya.

"Eh ayoko" arte nya pa.

Kinuha ko ang plastic sa kamay nya at itinulak sya sa dagat. Sinamaan naman nya ako ng tingin habang naghahalakhak ako.

" HAHAHA! ARTE PA KASI!"

I never thought na magiging ganito ako, na mag babago ako from a bad, fuck boy to a freaking snob president, and finally being nice and goofy around her.

I never knew over these years magbabago pa ako.

At the end, pareho kaming basang basa na bumalik sa villa. Nagtatawanan, nagbibiruan.

Cass, im sorry.

But i feel happy around her also.

"Ay si-jeonghan, wait lang." Lumingon ako sa kanya at binigyan nya ako ng keychain..

Dream catcher.

Hindi ako mahilig sa mga ganito pero i feel like i need to treasure this.

Ngumiti ako sa maliit na bagay na nasa kamay ko at agad ko inilagay sa mga keys ko.

"Thanks." Nilagpasan nya lang ako at nagtungo sa kwarto nya.

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si seungcheol.

"Hoy nasa meeting ako!" Bungad agad sa akin ni babalu.

"Wala akong pake. Hoy kasalanan mo to eh. Kasalanan mo talaga to!"

"At ano ang kasalanan ko? At bakit andito agad si hong?"

"Cheol tangina mo di sila magsyota!"

Narinig kong tumawa sya sa kabilang linya. Sabi na eh, nang gogood time si babalu.

"Okay chill, pero great move bro! Masosolo mo si laisa! Babye~"

*toooot*

"Cheol! Aish!" Nakakainis na talaga tong si babalu!

Kinagabihan, nag set ako ng campfire sa harap lang ng villa. Magsmosmores ako mag isa, ayoko yayain si laisa.

Inilagay ko yung wallet ko sa gilid ko na may litrato ni cass, feeling ko kasi andito sya sa tabi ko eh.

"Hala si jeonghan di nagyayaya" sabi ni laisa na umupo sa tabi ko.

"Di ka naman kasi niyaya." Sabi ko sa kanya.

"Andito na ako wala ka na magagawa pa." Tumuhog sya ng marshmallow sa stick at inilagay sa apoy.

"Buti na lang andito pa tayo." Sabi nya sa akin.

"..para naman makalimutan ko yung nangyari kagabi."

Umiling na lang ako. Gusto nya talaga si mr. Hong pero wala naman syang magagawa kasi di naman sya gusto.

"Whatever, pag nakita mo naman na sya ulit babalik lang sayo yung ala ala." Pang aasar ko sa kanya pero di na nya ako sinagot.

Magemo sya dyan, bahala sya dyan.

Pero i cant help myself to be worried for her. She shouldn't feel that way, she shouldn't be hurt, i want her to smile instead.

Smile because of me.

Humarap ako sa kanya at hinila ang magkabilang dulo ng labi nya.

"Ngumiti ka naman....para sakin."

Saglit kaming nagkatinginan sabay sinubuan nya ako ng marshmallow.

"Ano kaya nakain ni pres bakit ganyan sya?" Parinig nya pa.

Tinatanggap ko na ba talaga? Na may lugar ka na sa puso ko laisa?

Cass, i need signs. Signs na pumapayag ka na talaga.

"Sira. Kumain ka na nga lang dyan."

Muli, masaya na naman kaming nagkwentuhan sa tabi ng dagat.

Ngayon lang ako ngumiti ulit, dahil sa kanya, dahil nga ba masaya na ako?

Oo masaya na ako.

"Jeonghan, pasok na tayo nag hahigh tide na." Paalala nya sa akin. Oo nga pala, malapit na kami sa tubig ngayon, ganun na ba kamk katagal nakatambay dito?

"Ah sige, patayin na natin ang apoy" binuhusan na namin ng tubig dagat ang apoy at pumasok na sa villa.

"Bukas jeonghan? Ano gagawin natin?" Tanong sa akin ni laisa habang umiinom ako ng tubig dito sa kusina.

"Ah, siguro magtour naman tayo sa historical places, sulitin na natin ang bakasyon dito" sagot ko sa kanya.

"Aba sige gusto ko yan!" Sabi nya pa na halatang excited sya.

"Mmm.."

Hinawakan nya ang kamay ko kaya naman napaharap naman ako sa kanya.

"B-bakit?"

"Salamat...salamat talaga. Nagenjoy ako, pasasalamatan ko din si ate sa mga dasal ko bago matulog" ngiti nya sa akin.

"Bakit mo naman pasasalamatan si cassandra?"

"Kasi merong isang jeonghan na binigay sakin para maging kaibigan."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya.

"Laisa ano.. wala dibale, sige goodnight na" binitawan ko na sya at umakyat na sya.

What are you thinking jeonghan?! Muntik mo na masabi sa kanya na parang nagugustuhan mo na sya.

Pero diba, bago ka pa magconfess frinendzone ka na. May kalalagyan ka na kahit wala ka pang ginagawa.

Napabuntong hininga ako.

"I won't loose you too. Nawala na sa akin si cass, di ako papayag na pati ikaw, iiwan din ako. Di ko na kakayanin pa"

"You already lost me, jeonghan."

1004Where stories live. Discover now