Anmeron?!

8.3K 136 8
                                    

[A/N: Happy 17th monthsary ViceRylle! Kanina pa talaga ako naghihintay na babatiin nila ang isa't isa eh, o kahit isa man lang sakanila! Kaso waley eh haha. Di bale, di pa naman tapos ang araw. Anyway, kaya inspired akong mag-ud dahil nag-trend tayo! Clap clap sa atin! Okay tama na ang daldal ko na. :))]

Sunday! Fresh na fresh ako ngayon, feeling ko bagong panganak ako. Chos! Ang haba kasi ng borlog ko! Mga 8pm palang kagabi knockout na ko. Ang sarap ng 15 hours na tulog at peace of mind! 

Pagkatapos kong mag-hilamos at mag-toothbrush, bumaba na ako para makakain. Mukhang magdamagang panonood lang ng tv ang peg ng mga beks ngayong araw ah. Mabuti nalang din dahil ayoko namang magamit na naman agad yung inipon kong tulog.

“Bakla! Sarap ng tulog mo ha, hindi mo na naabutan ang umaga. Nandyan na yung pagkain mo.” sabi ni Budi.

“Sana binati niyo man lang muna ako ng good afternoon diba?! Anong pinapanood niyo dyan?”

“Waley, kung anek anek lang. Inaabangan namin ang ASAP! May prod daw si Paulo Avelino eh!” sabi ni Donna.

Natawa naman ako. Oo nga pala, crush na crush talaga nila si Paulo. “Ang haharot!” sabay tawa ko.

“Tse! Bakit ikaw, wala ka bang inaabangan sa ASAP every time na nanonood ka? Wag mo kaming ineechos dyan ha!” sagot naman ni Buern.

Napaisip ako. Meron ba?  “Heh! Lalaps na nga lang muna ako.” at pumunta na ako sa kusina.

Habang kumakain, nagcheck ako ng messages at ng twitter. Dahil naintriga ako, gusto ko sanang tingnan ang twitter ng ASAP para makita kung sinong mga magpeperform ngayon nang biglang sumigaw ang mga beks mula sa sala.

“Teh! Start na ang ASAP! Punta ka na dito karakaraka!”

“Bakit ba kayo excited na excited?!” sabi ko.

Pagdating ko sa sala, may kanya-kanya na silang pwesto at tutok na tutok sila sa panonood habang kinikilig-kilig. “Yung totoo, wala pa nga si Paulo eh!” sabi ko.

“SHHH!” sabay-sabay nilang sabi sakin. Nakakaloka! Nanood nalang din ako at nanahimik.

Nang biglang lumabas sina Nikki, Iya, at K galing sa malaking bulaklak na props sa likod at sumayaw ng medyo slow and sexy fierce dance. Napalunok ako. Ang ganda ni Kurba, kahit ano pang look niya eh bagay talaga sakanya. Hindi ko naman napansing napanganga na pala ako at tinitingnan na ako ng mga beks.

“Totoo ba yung nakita ko teh?” sabay tapik ni Donna kay Buern.

“Hoy! Naiinggit lang kasi ako sa kurba ni Karylle! Yun lang yun!” sagot ko.

Tiningnan naman nila ako suspiciously. “Ahh.. so si K pala ang tinunaw mo sa tingin.” sabi ni Budi.

“Ang OA ha! Ano ako welder? Sexy naman kasi talaga siya diba? Mamatay na ang kokontra!”

“EH BAKIT KA DEFENSIVE?!” asar nilang lahat at tumawa ng malakas. Bwisit!

Buti nalang ay to the rescue si Paulo Avelino! “Hoy mag-concentrate na nga lang kayo dyan kay Paulo!” sabay turo ko sa tv.

At biglaan naman silang nag-lingunan pabalik sa tv at tumahimik nalang habang paminsan-minsan ay naghahampasan dahil sa kilig. Ngayon ko lang nagustuhan ang feeling na maging invisible muna sa mga kasama mo. Susmaryosep natense ako dun ah!

~

Ang init na ng pwet ko! Wala talagang tayuan dito maliban nalang kung turn mo nang irefill ang food and drinks at kung tinatawag ka ng kalikasan. Tutok na tutok sila sa tv, para tuloy kaming magkakagalit ngayon.

“Pwedeng mag-usap usap tayo?” sabi ko.

Lumingon naman silang lahat sa akin. “Pag nag-usap ba tayo, sasabihin mo sa amin kung anong jumujulo dyan sa jutak mo?” sabi ni Donna.

“Eh kung alam ko lang kung ano edi sana shinare ko na sainyo no! Nababaliw na nga ako dito eh.”

Nagtinginan naman sila na parang may tinatagong secret.

“Uy uy uy ano yan? Bakit para kayong mga batang nahihiya dahil nakatae sa panty dyan?”

“May hula kasi kami teh kung anong problema mo.” sabi ni Buern.

Buti pa sila alam nila kung anong problema ko, samantalang ako walang kamuwang-muwang. “Eneyen?”

“Naiinlove ka na kay Karylle no?” seryosong tanong ni Buern.

Nawindang naman ang mundo ko dun. “Ha?! Lakas din ng trip niyo no?” sabay tawa ko ng malakas.

Pero hindi sila tumawa. Nakatingin lang sila sakin ng diretso, parang mga pulis na nag-iimbestiga ng kriminal. “Seryoso kami teh.”

“Pinapaalala ko lang ha, baka nakalimutan niyo eh. Bakla kaya ako.”

“O eh ano naman?! Pwede ka namang umamin sa amin no, we’re your friends.” sabi ni Budi.

Hinampas ko naman siya sa braso. “Huy! Kaloka kayo. Mamatay man, hindi talaga!”

“Uhrk!” sabi ni Donna at biglang humiga sa sahig na parang walang malay. Tawanan naman silang lahat.

“Gaga!” sabay bato ko ng unan sakanya. “Pero bakit niyo naman kasi naisip yan?! Anmeron?!”

“Halata ka kaya girl! Naiilang ka na sakanya, eh dati hindi naman. Yung iwas drama mo kahapon sa backstage? Akala mo di ko nakita yun no?” sabi ni Buern.

“Umiwas lang, may gusto na agad? Malisyosa! O sige simula bukas tignan niyo back to normal na ulit! Hinahamon niyo ko ha.” sabi ko.

“Go!” sabi nilang lahat at nagpalakpakan pa.

Bakit pa ba kasi ako nag-inarte kanina at ginustong makipag-usap? Ayan tuloy naluto ako ng mga baklang ‘to! Pero swear, papatunayan kong mali sila no. Hindi ako in love kay Karylle!

~

Monday na naman! Excited akong pumasok ng Showtime dahil fresh na fresh parin ang feeling ko ngayon. Parang mga loka loka naman itong mga beks na titingin sakin at saka mapapangiti dahil sa deal namin kahapon. Hindi talaga ako magpapatalo sa mga ‘to, wala nga naman kasing meron!

“Nakabantay kami teh.” sabi ni Buern habang inaayusan ako.

“Pajulit-julit?” sabi ko.

“In denial ka pa kasi dyan!”

Sakto ay may kumatok nang staff ng Showtime at malapit na raw kaming magsimula. Haaaaaa! Makikita ng mga beks na ‘to, hindi naman kasi talaga ako affected samin ni K.

Opening spiels. Hyper ang lahat, ang ganda ng aura. Syempre Monday eh! As usual, katabi ko siya. Nako watch me beks, mali talaga kayo nang iniisip.

Lumapit ako sakanya at bineso siya. “Hi K! Kamusta weekend?”

“Okay lang! Nakapag-rest ako and bonded with fam. Ikaw?”

“Bumawi ako ng borlog! Mga 15 hours ata akong natulog. Ang sarap!” sabi ko. Natawa naman siya.

“Good for you. Don’t push yourself too much okay?” sabi niya. Ang sweet talaga nito ni Kurba.

Pero in fair ha.. namiss ko siya, yung ganito. Ang dami ko kasing arte nung Sabado eh! Para naman macover up nalang yung nangyaring awkwardness nun at hindi na niya isipin o usisain pa, kukulitin ko nalang siya nang kukulitin na palagi ko namang ginagawa dati.

“Ang ganda ganda mo today.” sabi ko sakanya sabay hatak sa bewang niya. Totoo naman talaga, parang ang fresh fresh niya ngayon.

Napangiti naman siya dito, at.. bakit parang kumakaripas na kabayo ang peg ng heartbeat ko bigla?! “Thank you!” sabi niya.

Kalma, Vice! Yan kasi kape nang kape!

All This Time | ViceRylleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant