Tanungan, Tulayan

8.6K 155 10
                                    

[A/N: Hi! Ayan, medyo pinaaga ko na yung UD. Dapat kasi this weekend kaso start na ng exams ko next week so yeah. Pero try ko parin makapag-UD next week. Haaaa school. -__- Anyway, enjoy! And hi sa VhongAnne fans na nagbabasa nito (kung meron haha!) *wink wink*]

2 weeks later...

Lumipas naman ang dalawang linggo nang masaya at normal. Medyo convinced naman na ang mga beki na hindi ko nga gusto si K pero nang-aasar parin sila. Ewan ko sa mga yun kung saan nila nahuhugot yan! Parang mga bata lang eh no? Pero dapat pala nakipag-pustahan ako sakanila, panalo sana ako! Nako sayang. Sabi ko naman kasi, kabaliwan lang yung iniisip nila. Ako, magkakagusto kay Karylle?! Nakakaloka. Parang incest naman yun.

Anyway, Lunes na naman. Pagkagising ko, tinignan ko ang phone ko for messages. Nakita ko naman na may text si ngangabu.

From: Anne Curtis

Girl! Good morning! Fancy meeting me at Starbucks before Showtime? 11 am. See you!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nito ni Anne at biglang nagyaya lumabas. Kung ano man ‘tong sasabihin niya sakin, mukhang seryoso at secret nga kaya hindi niya masabi sakin sa dressing room. Naiintriga tuloy ako. Nireplyan ko naman siya ng okay at bumangon narin ako para makapag-prepare.

“Aalis tayo ng maaga ngayon, pupunta ako ng ABS ng 11 am.” sabi ko sa mga beks.

“Bakit teh? May early bird award na ba sa Showtime ngayon?” sabi ni Buern.

“Edi hindi rin ako qualified kung sakali, kabayo ako eh!”

“Pero may bird ka parin naman.” sagot naman ni Budi.

Nagtawanan naman kaming lahat. “Gaga! Magkikita muna kasi kami ni ngangabu. Kaya gora ayos-ayos na.” sabi ko.

~

Sakto namang pagdating ko ang pagdating din ni Anne. Umorder muna kami at pumunta sa usual spot namin dito sa café.

“O dali, spill it out. Ano ba yung sasabihin mo?” sabi ko pagkaupo palang namin.

“Atat na atat ha! Hintayin muna natin yung coffee.”

“Ito naman pa-suspense pa! Sasabihin mo rin naman sa akin mamaya bakit hindi pa ngayon?”

Tinawag narin naman agad ang mga pangalan namin sa counter.

“O game na.”

“Naaalala mo pa last last week nung tinanong mo ko kung bakit kita tinitingnan?” sabi ni Anne.

Oo nga pala no, nawala yun sa isip ko ah. “Ah oo. So naconfirm mo na yung kung ano mang echos yun kaya sasabihin mo na sa akin kung bakit?”

“Well, partly.” inayos ni Anne ang upuan niya at inusog papalapit sa table namin at nag-lean siya sa akin habang tinitingnan ako nang masinsinan. “Umamin ka nga sakin girl. Gusto mo na talaga si K no?”

Nagulat naman ako sa sinabi niya at natawa. Seryoso ba ‘to?! “Ha?! So ito yung reason?!”

“Answer the question girl!”

Wait lang ha, I’m so confused! “Paano mo naman nasabi yan? Kaloka ka. Anmeron?!”

“Eh kung makalambing at makadikit ka naman kasi! Para kang gigil na gigil sakanya kahit everyday mo naman siyang nakikita.” sagot niya sakin at nag-cross arms.

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon