Para-paraan

7.9K 144 13
                                    

[A/N: Ang tagal nito sorry. Busy-busyhan sa school eh. -___- At kasi naman, nauna pa akong magka-idea para sa latter parts ng story. Ang labo ko lang. :)) Anyway, sana makabawi naman ako sa UD na ito. :D]

THIRD PERSON POV

10:51 PM. Anne Curtis calling.

Napalingon si Vhong sa phone niyang walang tigil ang pag-vibrate na nakapatong sa mesa. Nakita naman niya kung sino ang tumatawag kaya agad-agad niyang binitawan ang controller ng playstation at sinagot ang phone niya.

“O nandito ka na pala!” bungad ni Vhong.

“Dad yung laro natin!” sabi ni Yce.

Tinakpan naman niya ang mic ng phone niya at kinausap ang anak. “Pause mo muna, saglit lang ‘to!” at naglakad na papunta sa kusina.

“Hello Vhong? Sorry, is this a bad time? Busy ka ba?” sabi ni Anne na parang may hesitation.

“Hindi naman, okay lang. Bakit ka pala napatawag? Namiss mo ko no?”

“Slight. Haha! Hey, I have good news! Positive nga. He’s in love with K.”

Napa-smirk naman si Vhong sa narinig. “Sabi na eh.”

“Exactly! Pero ayaw niyang sundin yung pustahan namin. Okay lang naman, baka kasi maging awkward sakanya lalo eh. Alam mo naman yun. Anyway, what should we do next?”

“Bakit tayo? Ano bang plano ni Vice?”

“Yun nga eh, he doesn’t have any. So we have to help him out, of course without him actually knowing.”

“What? Nako ‘tong si Vice. Ang galing galing pakiligin si K on cam pero pag totohanan na, wala nang magawa.”

Natawa naman si Anne sa kabilang linya. “Oo nga eh. Well naisip kong pagselosin siya. Still remember that guy K met during a marathon? Tingin mo it would be effective?”

“Ay tama! Tinetext parin niya occasionally si K eh. At crush ata yun ni K. Haha knowing Vice, seloso yun eh. Okay game ako dyan.”

“Ayaaaan. Sige, thank you Vhongskie! Good night!”

“Good night Anne.”

~

Commercial break. As usual, nakatambay lang kami sa lounge at nagchichikahan ang iba, habang ako naman ay busy sa paglalaro sa phone ko. Nawala naman ang focus ko sa game nang marinig ko ang sinasabi ni Anne.

“K, naalala ko lang bigla. How’s that guy you met last month? What’s his name again?” tanong niya.

Nag-pantig naman agad ang tenga ko. Ano daw? Sino yun?! Hindi naman ako nagpahalatang nakikinig ako sa usapan nila. Dahan-dahan kong tinago ang phone ko at nagpalumbaba at tinignan sila sa gilid ng mata ko. Napakunot naman ang noo ni K na parang clueless sa sinasabi ni Anne.

“The guy you met at the fun run?” follow  up ni ngangabu.

Napapitik naman si Kurba. “Ohh! Si Brent.” sagot niya. Tunog sosyal ang pangalan ha.

“Tinetext siya lagi nun. Nirereplyan naman din niya.” sabad naman ni Vhong at ngumiti ng nakakaloko.

Kinilig naman si Anne. “Gwapo yun ah. Did you go out for a date na?”

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon