Oo Na Nga!

8K 150 14
                                    

From: Anne Curtis

Even from the airport I can smell the sweet scent of my victory. Haha see u next week ;)

Ang gandang pambungad sa umaga nitong text ni ngangabu. Natatawa nalang ako kasi naman finally magkikiss na sila ni Vhong on national television! Hahaha naeexcite narin tuloy ako next week. Sobrang GV tuloy ako ngayon!

“Good morniiiiing!” bati ko sa mga beks pagbaba ko ng hagdanan.

“Oh, anmeron teh? Bakit ang hyper mo kaaga-aga?” tanong ni Buern.

“Bawal ba? O sige magluluksa nalang ako. Charot! Wala lang naman! Feeling ko lang magiging sobrang ganda ng araw na 'to.” sabay tawa ko.

~

Sobrang aliwalas ng araw na 'to talaga! Ang saya-saya lang ng lahat at energetic din ang madlang people. Magsisimula narin ang Sine Mo To. Oo nga no, wala si Anne! Hindi ako macoconscious sa treatment ko towards K. Kasi naman! Buti ngayon, natural lang lahat. Kung anong nasa script, edi susundin lang. Keri.

“Sa pagpapatuloy ng ating istorya, bago tuluyang maghiwalay ang dalawa sa barko, tuturuan ni Puknat si Bakbak ng kanyang paboritong kanta para maging palatandaan nilang dalawa kapag nagkita na silang muli.”

“Bakbak, kapag namimiss mo ako, kantahin mo lang ‘to para hindi ka na maging malungkot ha.” sabi ni K at nagsimula na siyang kumanta.

Kalungkutan sa unang pag-ibig

Ang sinapit ng pusong sabik

Ako raw ay walang maiaalay

Kahit kaunting ligaya

Pagkat salat sa yaman

Nasugatan ang aking damdamin

Nanghihinayang ako sa 'yo giliw

Kung sakaling sawi man ang puso

Subalit tunay ang pagsuyo

Kayamanan ko hanggang pumanaw

Ang pag-ibig mong tanglaw sa buhay

Binabanggit kita sa panalangin

Lumigaya ka pagpalain

Ay aking mahal ikaw na lamang

Ang ligaya ko sa kalungkutan

T'wing sasapit ang gabing tahimik

Di kita malimot sa pag-ibig

In fair ha, ang ganda nung kanta. Ngayon ko lang ‘to narinig. Nako LSS ako dito ng buong linggo sigurado.

“Wag ka ring malungkot Puknat ha, magkikita rin naman tayo agad. Tignan mo bukas sa istorya magkikita na tayo. Chos. Magsusulatan naman tayo eh. Wag kang mag-alala.” at hinawakan ko ang kamay niya. I know, wala yun sa script. Di naman masama mag-adlib diba?

“Ibibigay naman ni Puknat kay Bakbak ang isang tsinelas niya bilang remembrance.” sabi ni Vhong.

“Tsinelas talaga? Di ba pwedeng bracelet, ganun?” sabi ko at kinuha ang tsinelas kay Kurba.

“Ang cute naman, parang Cinderella! Nag-iwan ng shoe.” sabi naman ni K. Oo nga no.

“May panglaro na ako ng tumbang preso!” sabi ko at umaktong may babatuhing lata at tumawa. Natawa rin naman si K.

All This Time | ViceRylleWhere stories live. Discover now