I Shall Return

6.1K 109 5
                                    

Dalawang buwan. Kung iisipin, akala mo sobrang iksing panahon lang. 60 days, 1440 hours, 86400 minutes, 5184000 seconds (salamat sa calculator ng phone ko bwahaha). Ang daming pwedeng mangyari, ang daming pwedeng maisip, ang daming pwedeng matutunan, ang daming pwedeng maintindihan, ang daming pwedeng magbago. Humahaba ang kuko, ang buhok, nadadagdagan ang wrinkles, eyebags, o pimples. Ang daming pinanganak, ang dami ring umalis sa mundo. Sabi nga nila, the only thing that is constant in this world is change.

Ladies and gentlemen, it is now 9:20 in the morning and we have just landed at the Ninoy Aquino International Airport. Hawaiian Airlines welcomes you to Manila.

Siguro sa halos dalawang buwan kong stay sa Hawaii, iisa lang ang hindi nagbago.

Ganun parin ang nararamdaman ko.

Mahal na mahal ko parin siya. No less, and maybe even more.

“Itetext ko na ang mga beks ha! Grabe nakakamiss din pala yung mga yun.” sabi ni Buern. Halatang kating-kati na siyang bumaba ng eroplano. Kung pwede nga lang siguro siyang tumalon na sa bintana o dumaan sa pakpak ng eroplano eh ginawa na niya.

“Sus. Namiss mo lang pumarty eh.”

“Eh kasi naman nagkulong ka sa hotel! Ayoko namang umaura mag-isa. Kabisado ko na nga ata ang buong Hawaii dahil sa kakalibot ko dun.”

Natawa naman ako. Oo nga, walang-wala ako sa mood mag-clubbing noon sa Hawaii. Nung unang buwan namin dun, lagi lang akong nanonood ng tv. HBO, Star Movies, kahit nga cooking channel pinag-tiyagaan ko. Siguro mga tatlong recipe ang natutunan kong lutuin dahil dun, sinubukan ko ngang lutuin nang lutuin dun sa hotel hanggang naperfect ko rin. Minsan naman lumalabas ako para manood ng sine, mag-swimming, magpa-spa, mag-kape, pero madalas talaga nasa kwarto lang ako buong araw, natutulog o nagbabasa. Occasionally lang din akong nagttweet para naman hindi mag-alala ang mga taong sumusuporta sakin sa Pinas, pero never kong binisita ang profile niya. Nung pangalawang buwan lang ako nagkaroon ng gana rumampa, at hanggang sa mga amusement parks lang at famous tourist attractions doon. Wholesome fun kumbaga. Wala ata kaming museum na pinalampas dito sa Honolulu, at kahit yung Stairway to  Heaven at Coconut Island eh pinuntahan namin dahil wala na talaga kaming magawa. At si Buern nga ang naging tour guide ko. Paano ba naman, walang araw na hindi siya umaalis at naglilibot.

“Nag-enjoy ka naman keri lang yan! Oo nga pala, pakisabihan naman sila na wag ipagkalat na nakabalik na tayo. Ako na bahala.” sagot ko.

Napataas naman ng kilay si Buern. “At bakit?”

“Eh Basta! O tara na.” tumayo na kami at kinuha ang mga gamit sa overhead compartment at bumaba na ng eroplano.

Hello Manila. Hello GGV. Hello Showtime. Hello K. Isa sa mga araw na ‘to, hindi na ako matatakot sa nararamdaman ko para sayo. Hindi na ako matatakot na makasama ka. Hindi na ako matatakot na mahalin ka.

~

“Baklaaaaaa! Parang tumaba ka?” sabi ni Budi sakin at kinurot kurot ang braso ko. Gumaya naman ang ibang beks at nag-agree sa sinabi niya.

“Eh paano, walang ginawa yan kung hindi magluto at humilata sa hotel.” sabad ni Buern.

“Ikaw naman nasunog.” puna ni Archie kay Buern.

“Daig pa niya si Dora kung makagala dun eh.” sabi ko.

“Sawang-sawa na nga ako sa Hawaii.” sabi niya.

“O ano na teh, mission accomplished ba?” panunukso nila sakin habang tumatawa-tawa pa. Sabi na eh, darating at darating din ang tanong na ‘to.

All This Time | ViceRylleWhere stories live. Discover now