Stress

7.4K 135 5
                                    

Lumipas naman ang dalawang linggo ng sobrang saya kahit nakakapagod. Naging busy ako sa Girl Boy Bakla Tomboy taping kaya hindi narin ako masyadong nakakagala, at busy din naman si K sa Cinderella kaya hindi ko rin naman siya mayayang gumala kahit may time ako. As usual, pair kami sa Sine Mo To pero naging okay lang ang lahat, walang awkward moments kahit pa nagiging sobrang sweet ang dinedemand ng istorya. Ewan ko, naging masyado na kasi kaming comfortable sa isa’t isa lalo na pagkatapos nung breakfast namin together. Buti nalang.

Si Anne naman ay pinaninindigan ang pagiging pusher ng ViceRylle, at literal talagang pinagpupush ang mga ulo namin ni K pag akto kaming mag-kikiss. Nakakaloka! Hindi rin naman niya ako tinantanan sa pagpipilit na ligawan ko na si Kurba. Lagi ko naman sinasabing wag madaliin ang lahat at one step at a time lang. Basta masaya ako sa kung ano kami ngayon, kaya keri na muna ‘to.

Sabado na, syempre masaya kaming lahat dahil nakatapos na naman kami ng isang linggo at medyo makakapag-pahinga rin bukas. Habang nasa lounge at commercial gap, napansin ko naman na parang sobrang drained si K sa gilid at mag-isa lang. Nakakapanibago, eh kasi hindi naman nga siya ganyan. Nilapitan ko naman siya agad at tinusok sa tagiliran. Nagulat naman siya at natawa pero sumeryoso ulit.

“Ang tahimik mo ah. May problema ba?” sabi ko at tinabihan siya. Hindi talaga ako sanay na nakikita siyang ganito eh.

Nginitian naman niya ako. “Hmm? Okay lang ako, just a bit tired and stressed maybe. Haha.”

“Dahil ba ‘to sa Cinderella?”

“Yup. A lot are excited, and I don’t wanna disappoint them. So medyo napepressure ako..” at napa-frown siya ulit.

“Ano ka ba, you’ll do great. Wag ka nga mag-alala dyan.” sabi ko para ma-reassure siya. Nginitian naman niya ako at nagpasalamat. Nakaisip naman ako ng bright idea. “Uy, gusto mo mag-unwind later? Dali, hindi maganda yang subsob ka lang sa trabaho. Baka mabaliw ka.” sabi ko excitedly.

“I’m not in the mood to party eh. Sorry.”

“Ay hindi tayo magpaparty. Movie marathon, in my place sana.” sabi ko at nginitian siya.

Nag-light up naman ang mukha niya sa narinig. “Game! Gosh, I’m so excited! Ang tagal ko nang hindi nakakapag-movies eh.”

Natuwa naman ako. “Kaya wag ka nang sumimangot dyan.” at kinurot siya sa pisngi.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na pinapanood kami nina Anne at Vhong habang kilig na kilig. Hindi ko namang maiwasang mapangiti nalang sa sarili ko. Good job, Vice!

Nag-resume narin kami sa airing. Kinukulit naman ako ni Anne tuwing nadidikit siya sakin at inaasar ako. Parang mga bata lang eh no? Hanggang matapos naman ang show naman ay sobrang hyper kaming dalawa dahil sa saya at excitement para mamaya. Pagkatapos naming mag-pack up ay dumiretso narin kami agad sa bahay para makarami ng papanoorin.

~

Sa kwarto kami nanood at naglatag lang ng kutson sa sahig para malapit lang sa TV.

“Horror muna panoorin natin!” sabi ko. Ewan ko ba, enjoy na enjoy ako sa mga horror lately. At sakto pa kasi umuulan ng malakas, mas nakakatakot dahil may kulog kulog epek pa.

“Okay.” sabi niya.

Dahil nga umuulan at malamig, hot choco nalang ang pinili naming drinks at syempre popcorn ang chibog. Sinalang ko naman ang DVD ng Sinister at tumabi na sakanya.

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon