Cinderella

6.4K 110 12
                                    

[A/N: Dahil medyo matagal bago ako nakapag-UD, ito pambawi. Dalawang chapters. :)) Pakinggan niyo yung nasa media section, medyo sakto kasi siya dito. And may ginagawa kasi akong OPM publicity project, so hanggang kaya susubukan kong maglagay ng fit na OPM songs sa chapters ko. Ayun lang, thank you sa pagbabasa! >:D<]

THIRD PERSON POV

Kinabukasan after ng Showtime, nagkaroon na naman ng meeting sina Vhong at Anne na tradisyon na nila tuwing may misyon sila kay Vice at K.

“Ay, ay, Anne, may pickup line ako sayo. Kung tulay nga ako, gusto kong maging London Bridge. Para pag nahulog na ako, ikaw ang first lady ko.” bungad ni Vhong.

Kinilig naman si Anne at hinampas si Vhong sa braso playfully. “Ay bet ko yan.”

“Haha. O sige back to business na nga. Akala mo life and death situation lang itong pag-uusapan natin eh no. O anong mga sinabi ni Vice sayo?”

Nag-pout naman si Anne bago nagsalita. “Kaya daw siya umiiwas kay K kasi nga naguguluhan pa daw siya, gusto niya daw ma-confirm yung feelings. Pero inadmit narin niya kahapon, alam naman na niya talagang mahal niya si K.”

“Sinabi mo bang aminin na niya?”

“Hay nako ayaw niya. Natatakot kasi siya, masyado daw risky. Whatever.”

Napakamot naman ng ulo si Vhong. “Tatampalin ko na ‘tong si Vice eh.”

“O ano naman sabi ni K sayo?”

“Ayun, nababaliw na. Naguguluhan na siya sa paiba-ibang treatment ni Vice sakanya. Sweet, tapos dededmahin siya bigla. Ayaw naman niyang kausapin, baka daw kasi assuming lang siya.”

Napabuntong hininga naman si Anne. “Ang sarap pag-untugin! Nako, kung hindi ko lang kaibigan ‘tong dalawang ‘to eh.”

“Nakakaewan lang na pati tayo namomroblema sakanilang dalawa. Ang simple lang naman kasi sana, sila lang nagpapahirap ng sitwasyon eh.”

~

Monday na naman.

Nagpatuloy ang experiment ko kahit alam kong hindi na kailangan. Siguro iba na ang aim, baka gusto ko na talagang makalimot. Ewan ko ba. Mabuti naman at hinayaan ako ni Anne sa gusto kong gawin at hindi muna ako kinulit. Yun pala kasi may balak ang gaga ngayong araw.

Pagkatapos ng Showtime, nagyaya si Anne na kumain kaming lahat sa labas at treat daw niya dahil.. ewan, trip lang niya? Wala naman akong commitment ngayon kaya keri lang at pumayag ako. Nakakamiss narin kasi yung mga get-togs namin, lately kasi busy ang lahat sa kanya-kanyang mga arte sa buhay. Pumayag din naman ang iba except kay..

“K, ikaw? Free ka ba?” tanong ni Anne.

“Sorry Anne, may Cinderella rehearsals kasi later. Ayoko namang ma-late dun.”

“Ihahatid ka ni Vice! Diba girl?” sabay siko sakin ni Anne at pinandilatan ako ng mata. Gaga talaga ‘to! Alam na nga niya kung anong derilyo itong pinagdadaanan ko ngayon eh!

“Ah.. oo nga Kurba, ihahatid nalang kita sa Resorts World mamaya. Alis nalang tayo ng maaga dito.”

Napakunot naman ang noo ni K. “Sure ka? Okay lang naman sakin kahit pass muna ako-“

“Eh sa akin hindi okay!” sabi ko.

Nagulat naman for a minute ang mga kasama namin sa naging tono ko. Good job Vice, ibuking pa ang sarili ha.

All This Time | ViceRylleNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ