Lover Boy

7.1K 141 12
                                    

Parang lumulutang parin ako sa langit dahil sa saya, hindi maalis-alis itong ngiti ko at ganun din siya. Mas lalo pang lumalaki at tumatamis ang mga smile namin kapag nagkakatinginan kami. Eeeeehhh! Mangingisay na ata ako sa kilig dito!

“Ako na ata ang pinakamasayang tao ngayon sa buong universe.” sabi ko habang nakangisi parin.

Napangiti naman siya lalo at yumuko. “May gusto talaga akong tanungin. Was it.. because of me kaya ka umalis?”

Oo nga, kailangan ko nang mag-explain. Hindi ibig sabihin na nagkaaminan na kami eh burado’t limot narin ang mga kabaliwang ginawa ko noon. Marami pang kailangang ayusin, pero masarap isipin na kasama ko na siyang mag-aayos at mag-tatama ng lahat ng mga gulo ko sa buhay. Ang sarap isipin na may kakampi ka, na may lagi kang babalikan, na may nagmamahal sayo sa paraan na kahit kailan eh hindi mo inakala. “Naging duwag kasi ako eh, akala ko pag lumayo ako sayo mawawala rin ‘tong nararamdaman ko. Kaso kahit saan ako magpunta, lagi ka namang nandun, hindi ka nawala eh. So kailangan kong bumalik. Kailangan kitang balikan kasi sigurado na akong ayaw na kitang mawala.”

Tumango naman siya at tumingin na sakin. “I thought I was the only one missing you. Two months.. akala ko enough narin yun to get over you. Apparently not. It’s such an impossible, frustrating task.”

“Sorry. Masyado akong naging insensitive, na hindi ko na inisip kung ano kayang nararamdaman mo nung times na iniiwasan kita. Ang gulo-gulo ko. Pasensya ka na.”

Nag-chuckle naman siya. “Ano ka ba, what’s done is done. I didn’t know you were hurting as much as I was, anyway. Pero ang sarap mo talagang batuhin ng stilettos sa mukha nun eh.”

Natawa rin tuloy ako. Susmaryosep, may mukha pa kaya ako pagkatapos nun?! Buti nalang pala kumakalma ‘tong si Kurba. “Babawi ako sayo, promise yan. Pero ang importante naman diba, ito na tayo ngayon. There’s always a silver lining after the storm, sabi mo nga. Aayusin ko na lahat this time.” sabi ko.

Napahinga siya ng malalim at pumikit sandali. “But.. Are we really gonna do this? Risk our friendship for this romance that can fall apart anytime?”

Inabot ko naman ang kamay niya na nakapatong sa mesa at pinisil-pisil ito para maassure siya. “Karylle, hinding-hindi ko hahayaang mag-fall apart ang kung anumang sisimulan natin. O kung masira man, bubuuin ko ulit. Hindi ako titigil, hindi ako susuko. Maraming risks yes, but I hope you’d take this leap of faith with me. I love you so much to let you go.”

Nagtaka naman ako kung bakit siya natawa bigla. Hindi naman ako nag-joke ah?! “Basang-basa yung kamay mo ah.” sabi niya.

Nahiya naman ako bigla at binawi ang kamay ko at pinunas-punas sa damit ko. “Eh kabang-kaba naman kasi ako kanina! Pati nga kilikili ko basa na sa sobrang nerbyos.” sinilip-silip ko ang damit ko para icheck kung basa na nga ba. Buti nalang hindi naman. Haha!

Natawa siya ulit at nagpalumbaba at tumingin lang sakin habang nakangiti. Nagseryoso naman ako at inabot ulit ang kamay niya at nilagay sa pisngi ko. “I’ve never been so sure on anything in my entire life. Alam kong tama ‘to, K. Kahit gaano pa kahirap, kalabo, o kagulo lahat ng ‘to, siguradong sigurado ako sayo.”

“I’m taking this risk, because I know you’re worth it.” sagot niya. Nawala na ang lahat ng worries ko sa buhay sa isang iglap lang. Parang hindi magkamayaw sa katatumbling itong puso ko sa saya. Ngiting tagumpay. Ito na talaga, siya na nga talaga ang buhay ko. Hinalikan ko ang kamay niya at natawa nalang kami nang magkatinginan ulit.

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon