Moving On

6.4K 108 1
                                    

“Final answer?” seryosong tanong ni Buern.

Tinitigan ko lang siya ng matagal at nalagpasan na kami ng ibang tao tsaka ako nakapagsalita. “Ikaw wag mo nga akong tinutukso!”

“Kung desidido ka talaga, walang kahit anong makakatukso sayo.” Hindi naman ako nakasagot agad.

“Yan kasi eh hindi mo ‘to pinag-isipan ng maayos kaya nag-aalangan ka dyan. Hindi naman sa pinepressure kita pero ilang minuto nalang lilipad na yung eroplano kaya wag mo lang akong titigan dyan. Wala sakin ang sagot, na sayo.”

“Edi tara na. Sino bang aayaw sa bakasyon, ha?” sabi ko at nag-dirediretso na para sumakay sa eroplano.

~

“O ano hindi ka pa ba magpapakunsulta?” sabi ni Buern habang niyuyugyog ako. Nakakahilo! Tinapik ko naman agad ang kamay niya para patigilin siya sa ginagawa niya.

“Kunsulta?! Doktor ka ba?”

“Ano nga kasi? Ano bang drama mo at bakit tayo nandito sa eroplanong ‘to?”

“Kasi hindi nalalakad ang Hawaii? Utang na loob Buern next time mo na ako intrigahin, matulog nalang muna tayo! Hindi ka ba inaantok ha? Wala pa tayong tulog.” sabi ko habang kinukusot ang mga mata ko. Inaantok na talaga ako kanina pa sa airport eh.

“Eh ayan kasi alam na ngang maaga ang flight natin gusto mo pang pumarty.”

“Sus gusto mo rin naman! Farewell party kasi ano ka ba.”

“Farewell farewell, parang di ka na babalik ah? Uy dali na kasi! Hindi ako makatulog eh. Chika na.”

“Wag mo ko idamay, gusto kong matulog! Yun o chikahin mo yang katabi mo. Mamaya pagbaba natin ng eroplano sakanya ka narin sasama.” sabi ko habang natatawa. Nag-make face naman ang bruha at nagsuot nalang ng earphones at kinuha ang magazine sa harap ng upuan niya at dinedma na ako, sa wakas.

Pumikit narin ako at sinubukang matulog. Ang sarap talaga sa feeling kapag pumikit ka ng matagal pagkatapos na sobrang mapagod ng mga mata mo, para bang nilalagyan ka ng mga bagong mata. Ano ba ‘tong mga naiisip ko?! Antok na antok talaga ako pero hindi ako makatulog. Feeling ko nga forever na akong nakapikit dito pero wa epek. Ewan ko, baka dahil lang sa discomfort dito sa eroplano.

Habang nakapikit parin, nag-imagine nalang ako kung anong mga gagawin namin ni Buern pagdating namin sa Hawaii para makapagrelax. Syempre hindi mawawala ang shopping! Pero ano pa? Jusko dalawang buwan, saan pa ba pwedeng pumunta?

Ah tama! Last time nung nandito kami ng Showtime family, sinabihan kaming wag umalis hanggang hindi nakakapunta sa kahit isang museum man lang dito. Niyaya pa nga ako ni K na pumunta sa Pearl Har-

Ay erase erase! Ayoko na nga lang mag-isip, bahala na dun kung saan kami mapadpad. Gusto kong matulog. Kailangan kong matulog. Ahhh ano ba naman ‘to, talaga bang wala akong kawala sayo Kurba?!

Pero medyo tanga rin kasi ako eh. Sa lahat ng lugar sa mundo na pwede kong puntahan, bakit nga ba sa Hawaii? At talagang nag-expect ako na makakalimutan ko siya pag pumunta ako doon, eh kahit saan ata ako mapapadaan maaalala ko lang yung times na nandun kami, kung saan siguro, siguro, mas lalo akong nahulog sakanya pero ayaw ko lang aminin. Pati utak kong lutang binabalik ako sakanya. Gusto ko siyang takasan, pero binabalik lang ako lagi sakanya.

Lumingon ako sa tabi ko, umaasang si K ang makikita ko. Baliw lang. Ang tumambad sakin ay ang tulog na tulog na si Buern. Kung dito palang si eroplano hindi na niya ako tinatantanan, paano pa kaya sa Hawaii?

All This Time | ViceRylleOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz