Hello World

6.3K 116 4
                                    

Hindi niya binalik ang sinabi ko.

“I love you.” ulit ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Magkatabi kami, magkadikit, magkalapit, pero mas malayo pa siya sa buwan. Hindi siya makatingin, para bang isang kasalanan kapag tumama ang mga mata niya sa akin.  Siguro nga.

“Let’s stop pretending that everything’s okay.”

Parang nilubog naman ako sa napakalamig na tubig. Ito na ba yon? Ayoko Lord, ayoko. Gisingin mo na ko tama na. Please lang.

“Alam nating may mali, Vice. We’ve been avoiding this topic for a month now, it’s time we settle it.”

Natawa naman ako nervously at inabot ang kamay niya pero nilayo niya ito. “K...” sabi ko. Wala na akong madugtong, ano bang dapat kong sabihin? Alam ko namang may problema, pero hindi ba pwedeng palipasin nalang namin? Kalimutan nalang? Magpatuloy lang katulad ng dati?

“Nagpatong-patong na lahat since we’ve been together and you’ve always brushed it off. Let’s talk.”

“Karylle, ano pa bang dapat pag-usapan? Maayos naman tayo diba? Kung anuman yung mga mali kong nagawa, yung mga problema natin, mga away natin, tapos na yun. Wala na.”

Bigla siyang tumayo at napahawak nalang sa buhok niya sa sobrang frustration. “I think we need time. Kung ready ka nang pag-usapan, tsaka mo ako tawagan.” at naglakad siya papunta sa pinto.

Ano...? Anong ibig niyang sabihin? Hindi pwede. Hindi. Tumayo ako at hinabol siya at niyakap siya sa likod. “Wag mo naman akong bitawan, hindi ko talaga kaya. Please naman K, ayusin natin ‘to.” pagmamakaawa ko. Yumuko siya at inawakan niya ang mga kamay kong nakayapos sakanya, pilit inaalis, pilit kumakawala.

“I’m sorry.” ang narinig niyang sinabi ko bago siya lumabas ng pinto.

Charot lang po HAHAHA kinabahan ba kayo? :)) Okay balik na tayo sa kwento :)))))

~

Ang lakas ng kabog ng puso ko, para bang gustong tumalon palabas sa dibdib ko at magtago nalang. Kinakabahan ako hindi dahil sa mga possible reactions ng tao, wala naman kasi akong paki dun. Kinakabahan lang akong magkamali, kasi totoo na talaga 'to. Pagkatapos nito, hindi nalang kami on-screen. Exciting, pero nakakatakot dahil baka may magawa akong ika-turn off niya. Anytime pwede niya akong iwan, dahil ang relasyon namin ay hindi na lang dahil sa mga tao, dahil na lang ‘to sa aming dalawa. Natigil naman ang pagmumuni ko nang hinawakan niya ang kamay ko. Ang lamig ng mga kamay niya.

All This Time | ViceRylleWhere stories live. Discover now