Confession

6.2K 157 36
                                    

Ang swabe ng byahe, ang lapit ko na sa condo niya. Pero ngayon ko lang naalala, ni hindi ko alam kung nandito nga ba siya o nasa bahay nila. O baka hindi pa umuuwi. Ewan ko, bahala na. Kung wala siya dun, edi pupunta ako kahit nasaan pa man siya ngayon. Basta wala nang atrasan ‘to. 10:21 na. Sana pwede pa ang mga bisita.

“Magandang gabi po ser!” bati sakin ng guard at lumapit para harangin ako at hindi magdire-diretso sa loob ng building.

“Kuya, wag kang maingay ha.” sabay baba ko ng hood at shades para makilala niya kung sino ako at binalik ito ulit.

Nagulat naman siya at napanganga. “Vice Ganda?!”

Napalingon naman ako sa paligid. Buti naman walang nakarinig kay manong! Nakakaloka. Ayaw ko namang ma-dyaryo ako agad-agad bukas. “Ito naman si manong sabi ko nga wag maingay eh.”

Napakamot naman ng ulo si manong guard at natawa. “Ay sorry, nagulat lang po. Hehe. Ano nga palang sadya niyo, ser?”

“Sa unit ni Karylle Tatlonghari, kuya.”

“Ah sige ser, tatawagan ko lang po si Ma’am Karel.” hahablutin na sana ni manong guard ang telepono nang bigla kong hinawakan ang braso niya.

“Ay manong, Karylle po hinahanap ko ha hindi Karel. Haha joke lang manong. Pero wag, surprise kasi dapat ‘to eh. Hindi niya alam na nandito ako.”

“Eh sorry ser, bawal po yun eh-“

“Dali na manong, kilala naman niya ako. Tsaka kilala mo nga ako eh! Hindi naman ako mamamatay tao kuya. Tsaka kung sakali man, pwede ka naman maging witness at isumbong ako. Eh pero sige na kuya, pwede na yan.” kung anu-ano na naman ‘tong sinasabi ko, kasi naman eh.

“Pasensya na ser, ayun kasi talaga ang policy namin dito. Kailangan muna talaga kasi namin tanungin si Ma’am Karel bago kayo makaakyat eh. Pasensya na po talaga.”

“Manong sige na naman, balato mo na ‘to sakin. O sagot ko na hapunan mo, pati midnight snack din gusto mo? O buong kain mo bukas, o kahit sa buong linggo pa. O Starmobile phone! Sige na o.”

“Nako ser-“

“Sige na please. Importante lang po talaga kuya. Kailangan ko lang talaga siyang makausap.”

~

Matapos ang halos labinlimang minuto rin sigurong pagmamakaawa at panunuhol kay manong guard eh pumayag narin siyang paakyatin ako, kapalit ng isang starmobile phone para daw sana sa anak niya. Sabi ko nga, kahit yung buong pamilya na niya. Sa sobrang excitement eh nayakap ko pa si manong. Kung hindi lang ako natataranta eh baka naikot-ikot ko pa siya. Babalikan ko talaga siya bukas na bukas din.

Hindi na ako mapalagay dito sa elevator! Pudpod na ang mga kuko ko dahil kanina ko pa sila kinakagat. Bakit ba ang bagal bagal nito umakyat?! Konti nalang talaga, pati mga bakal dito sa elevator eh mangangatngat ko na. Nag-stretch naman ako ng dila para makasigurong hindi siya uurong mamaya. Ahh!

Ting!

Matulin akong naglakad papunta sa unit niya at huminga ng sobrang lalim. Pinagpapawisan ako ng sobra. Kumatok naman ako nang kumatok, pinindot nang pinindot ang door bell, sabik na sabik na pagbuksan ng pintuan. Kung pwede ko lang ‘to gibain, gagawin ko na eh. Wala nang makakapigil sakin this time, sasabihin ko na talaga sakanya kung gaano ko siya ka-gustong makasama. Kung matapos man bigla ang mundo ngayon (pero wag naman sana), eh Lord i-delay mo muna, kailangan ko na talaga ‘tong mailabas. Gusto ko nang ilabas. Ang tagal ko nang constipated, gusto ko na nang ginhawa.

All This Time | ViceRylleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang