Guilt

6.3K 110 5
                                    

[A/N: Dahil kahit ako ay naeexcite na sa mga nangyayari sa kwentong 'to. Haha! Play niyo yung song sa multimedia section. ;)]

Linggo. Huling araw na ng bakasyon grande ko. Kaysa matengga sa bahay at mabaliw, naisipan kong bumalik sa café na pinag-kainan namin ni Kurba nung nag-jogging kami dati. Namiss ko lang kasi yung lugar, at lalo na yung kasama kong nagpunta dun. Gusto kong balikan yung masayang araw na yun, at ulit-ulitin sa utak ko hanggang maging masaya narin ako eventually. Kahit saglit lang.

“Sir Vice! Good morning po!” bati sakin ni Cara.

Ngumiti naman ako sakanya. “Good morning din.”

“Hindi na po kayo nakabalik dito agad ah. Si Ms. K po kamusta na? Ang tagal narin po niyang hindi napupunta dito eh. Namimiss na po namin siya.” napa-frown naman si Cara at ang ibang staff. Close na nga talaga siguro sila kay Kurba. Pero bakit nga ba hindi na siya pumupunta dito? Akala ko ba ito ang secret place niya?

“Ah, okay lang naman siya.” matipid kong sagot. Narealize kong wala naman ako sa lugar para sagutin kung kamusta na nga siya, ni hindi ko naman nga siya nakakausap.

Umupo na ako at umorder ng parehong mga kinain namin noon. Kaso kahit gaano ko subukang i-reenact yung mga nangyari dati, napaka-imposible na dahil ang dami nang nagbago. Malungkot ako, hindi tulad noon. Hindi ko siya kasama ngayon, hindi tulad noon.

Nakita ko namang naka-hang na nga ang picture naming dalawa at nagtaka ako. Tinawag ko si Cara para magtanong.

“Cara, bakit hindi pa pinipirmahan ni K yung picture? Hindi na ba talaga siya bumalik after naming kumain dito?”

“Bumalik po, pero sabi niya po sa amin gusto daw po niya sanang sabay kayo mag-sign nun pag kumain na po kayo ulit dito.”

“Ahh.. sige, thank you.” sabi ko at umalis na siya.

Tiningnan ko ulit ang picture. Ngayon ko lang napansing nakatingin pala siya sakin nung kinunan yun habang nakangiti. Ang saya saya naming dalawa dun, sobrang layo sa kung ano kami ngayon. Naguilty tuloy ako. Naalala ko nung niyaya niya akong mag-jogging pero tumanggi ako dahil nga gusto ko siyang iwasan at kalimutan. Hay. Bakit ang tanga ko? Sana narealize ko noon na sinusubukan din niya. Sana narealize kong special din ako sakanya, kaya nga dinala niya ako sa supposedly secret place niya. Bakit kailangang maging huli na ang lahat bago ako matauhan?

Nagpasalamat naman ako at nagpaalam sa mga staff pagkatapos kong kumain. “Sabay naming pipirmahan yan soon, don’t worry.” sabi ko at tinuro ang portrait na naka-hang bago lumabas sa café.

Kahit ang kotse ko, pilit siyang pinapaalala sakin. Naaalala ko yung time na pasimple ko siyang tinitignan sa side mirror at mapapangiti nalang ako. Yung time na kumakanta kami ng sabay sa mga tugtog sa radyo habang minsan ay nagsusulyapan at nagngingitian. Yung time na nagkekwentuhan kami tungkol sa iba’t ibang bagay, nag-aasaran, nagtatawanan. Yung time na nanggaling siya sa bahay dahil nag-movie marathon kami. Lumingon ako sa tabi, pero wala siya. Wala na siya. Kailan ko kaya siya mahahatid ulit, makakasama? Kailan kaya siya makakabalik dito sa tabi ko?

Gustong-gustong sumabog ng puso ko sa sobrang lungkot at inis. Ano ba ‘tong gulong nagawa ko? Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Nakikisabay talaga sa pag-eemote ko ngayon. Sabi nga niya, pag-eeh-mo. Kapag umuulan talaga pinaka-masakit ang mga alaala.

Pagpasok ko ng kwarto, nagulat nalang ako sa nakita ko. Nakaupo si K sa sahig, nakabalot ng kumot at may hawak na mug ng hot choco.

“A-anong.. anong ginagawa mo dito?”

All This Time | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon