"Do you really think you can do that?"
AVERY
Dumiretso si Zirrius sa bayan. Tumahimik na ako dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkainis niya sa 'kin. Nag-iisip din siya ng paraan kung paano kakausapin si Liana sa muli nilang pagkikita. Gusto ko siyang tawanan dahil gulong-gulo na siya sa nangyayari sa kanya. Ni hindi na niya pinapansin ang mga taong nakapaligid sa kanya. Iniisip din niya kung paano niya ako mapapaalis sa katawan niya. Sa totoo lang, may paraan naman upang mapaalis ako pero hindi ko sasabihin sa kanya. I need his body. Hahayaan ko muna siyang maguluhan. Lilituhin ko muna siya.
Zirrius Radcliffe was his full name when I saw his name on some of the announcements. He's already 21 years old. I'm right. Maraming tao ang nagbibigay-galang sa tuwing dadaan siya. Maraming magagandang kababaihan ang bumabati sa kanya at halatang natutuwang makita siya. May ilang mga karwaheng dumadaan sa kalsada. Maraming nagtitinda ng mga sandata at pagkain sa maliliit na stalls.
May ilang guwardiya na naglilibot sa paligid na alam kong pasimpleng nagmamatyag sa mga kahina-hinalang tao. There are too many houses made of bricks and I'm sure the owners are nobles. Maganda ang mga tahanan na malapit sa kaharian. Narinig ko rin ang masasayang tugtugan na nanggagaling mula sa isang napakalaki at magarbong tanghalan. The whole town was lively on this part. Nasa mataas na lugar ang kaharian at ang bayan na ito kaya natanaw ko sa 'di kalayuan ang iba pang mga baryo at bayan na malayo sa kaharian.
May mga tao akong natatanaw pero hindi sila ganu'n kasigla. Hindi rin magaganda ang mga tahanan ng mga ito. Mahihirap sila at nagtatanim ng mga halaman, palay at gulay sa mga lupain na tiyak hindi nila pag-aari. Sa kabilang dako naman ng kaharian, ilan sa mga tao ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang amo. Ang ilan ay nagpapanday ng mga armas at espada. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagod at ang tahimik nilang paghihinagpis sa sinapit nila. Tila wala na silang buhay. Napansin ko ang maliliit at gusgusing mga bata na naglalaro sa putikan. May ilang matatanda at magulang na napapangiti kapag nakikita nila ang mga anak nila na tila walang pinoproblema. Sa tingin ko, ang mga anak na lang nila ang dahilan kung bakit sila nagpapatuloy sa buhay. Ano na lang ang mangyayari sa mga bata kung wala na sila. Sa kabilang bahagi naman ay may mga babaeng bayaran na napipilitang magtrabaho para sa ikabubuhay nila. Ibang-iba ito sa Elfania. I could feel the grief of every people on this kingdom. Maybe this is what they call the real world. It's cruel and unforgiving.
Napansin ko si Zirrius na nakatingin din sa malayo. He was worried for his people. Alam niyang hindi patas ang nangyayari sa kaharian niya. Alam niyang mali. Alam niyang dapat siyang gumawa ng paraan pero wala siyang kapangyarihan. He wanted to save his people. Dumiretso siya pababa upang puntahan ang ibang baryo. Maraming mga tao ang nagbigay-galang sa kanya at bahagyang yumukod maging ang mga alipin at mabababang tao.
"Kamusta na po kayo rito?" magalang na tanong ni Zirrius sa kanila. Medyo nawala sa isip niya si Liana dahil sa mga taong nasa harap niya ngayon.

YOU ARE READING
Soulbound
FantasyAvery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire and other Elven Kingdoms. Upang makatakas, isinailalim niya ang sarili sa isang mahika. Iniwan ng kaluluwa niya ang katawan niya at naglakba...