Soul 13: Letter

36.3K 1.7K 57
                                    

"They will drag you down until you are not able to stand up..."



AVERY



Zirrius was speechless. He wanted to know more but he didn't know what to ask. He can't find the right question to ask. Bumuntong-hininga siya nang malalim. Magulo ang isip niya. By just thinking that I'll be inside his body for months or years, he's already going insane. I grinned on his subconsciousness. Sa susunod na araw, talagang babawian ko siya. Mas lalo kong pasasakitin ang ulo niya. I'll be his nightmare every night and day.



Mariing napahilamos siya sa mukha niya. He felt like this was the end for him. He's doomed.



"Exaggerated ka namang masyado! Tiyak na sa susunod na araw, mas malaki pa rito ang magiging problema mo," natatawang saad ko. Now, I already found my voice. Maganda na ulit mood ko dahil hindi nila kayang alisin ang kaluluwa ko sa katawan ni Zirrius. Hindi ako magiging multo o mamamatay. It's time for a party! Kung pwede lang akong sumayaw at kumanta, ginawa ko na.



Zirrius hissed. Mas lalo siyang nainis sa sitwasyon nang marinig ang boses ko. He sighed heavily to calm himself. Matiim niyang tiningnan ang sulat na hawak niya. Iniisip niya kung ano ang laman nito pero dahil hindi siya marunong gumamit ng mahika, hindi niya ito mabubuksan.



"Gusto mo turuan kita?" pang-aasar ko sa kanya. I even laughed and he sighed heavily again. Tila pagod na pagod siya sa mga nalaman. Gusto niyang ipaghiganti ang ina niya pero hindi niya alam kung sino ang lalabanan. Gusto niya akong alisin sa sistema niya pero walang makapagsasabi sa kanya kung paano. He was running out of options. Tila gusto na niyang sumuko at tanggapin na lang ang sinapit niya pero wala pa rin siyang balak iwanan ang Alveria. Wala siyang balak na sumama sa 'kin sa Elfania kahit ano ang mangyari. I frowned. Kung ganoon ay matatagalan pa talaga ako sa loob ng katawan niya. Huwag naman sana. Hindi ko alam kung paano ko babaguhin ang desisyon niya.



Tumingin si Zirrius kay Lolo Zark na seryoso ring nakatingin sa kanya. "Maraming salamat, Lolo Zark sa impormasyon. Pero naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. I can't possibly accept all of this within just minutes. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng ganu'n kadali. I need time. I need to think. Kung pupunta ako sa Elfania, hindi ako mapapalagay. Marami akong maiiwan," he said with doubt. Tiyak na pati si Liana ay kasama sa mga maiiwan niya. He doesn't want to leave her with Leo, for sure. Then I must let him think. Mabigat na desisyon ito at hindi dapat minamadali. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin namin kapag umalis kami rito.



Lolo Zark nodded with understand. "Kung anuman ang magiging desisyon mo, sana mapanindigan mo. I'll pray that the gods help you," he added. Tumingin naman si Zirrius kay Zach na natahimik lang na nakaupo sa isang bangko malayo sa kanila. He could hear everything from where he is. Seryosong nakatingin si Zach kay Zirrius.



"Ano pala ang sinasabi mong mahika kanina?" Zirrius asked. Muntik ko ng makalimutan ang sinabi kanina ni Zach. Ano nga kaya ang ituturo niya kay Zirrius.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon