Chappy 30 - PISTAKASAN

1.2K 46 7
                                    

Hello guys... kamusta kayo jan :) para po sa inyo mwah...

Nickie's POV

Hindi parin mawala sa isip ko ang pag mumukha ni Ivan, ano ang pinaplano niya. hayaan na nga lang sasakit nanaman ang ulo ko.

dumaan ang ilang araw medyo naging busy ang school namin dahil sa parating na pista ng palakasan o "PISTAKASAN" kung tawagin, mag ko-compete ang ibat-ibang kurso para tanghaling kampeon. Iba't ibang paligsahan katulad ng sports, sayawan, kantahan, pagandahan at kung anu ano pa.

hindi ko alam bakit nasali sa student council etong si Ivan ng ganoon ka bilis, samantalang kaka transfer lang ulit niya dito sa school namin. Dumadalas na din ang pag sasama nila MOO dahil tumutulong siya sa pag oorganize ng event at nakakairita yun sa part ko.

"hey MOO! nakasimangot ka nanaman jan!" si Tina habang tinutusok tusok niya yung pisngi ko,

"eh wala ka na kasing time sa akin, sobrang busy mo sa Student Council works " patampo kong sagot, araw araw nalang maaga niya ako pinapauwi, sabi niya sasabay nalang daw siya sa mga kasama niya

"Wag na po mag tampo, babawi ako sayo promise" sabay halik sa tungki ng ilong ko. Parang bulang nawala lahat ng tampo ko sa kanya dahil sa ginawa niyang yun, her sweet gestures alone can make me happy, mahal ko talaga siya.

"hoy mga lovers, ang aga-aga nag pi-pda kayo diyan, tara na mag libot sa mga booth's, sayang yung time na magkakasama tayo" bati samin ni Zy na nakasuot pa ng Jersey shorts nila at Naka black shirt sa pantaas, kasama niya si Abby

Nag libot kami sa lahat ng booth sa school, masaya kahait papaano nakasama ko si MOO, ang sa class namin computerized tattoo, may gadget kami na gamit pang print sa katawan ng costumers namin, ang inambag ko sa booth ay sound system, nag remix ako ng mga kanta.

Most ng booth na napuntahan namin ay puro lamon lang kami ni Zy, masaya kasi napakain din yung dalawang ka date namin.

"Hey tina, tara may aasikasuhin pa daw tayo sa student council, sinusundo na kita" ngiting abot tenga ni Ivan sabay lahad ng kamay niya kay tina.

"Teka, 1 1/2hour palang ang break niya , may thirty minutes pa, wag naman kayo mag madali" tapik ko sa kamay niya, at nakipag labanan ako ng titigan sa kanya

"Nick, tama na yan, sasama na ako sa kanya, medyo busy talaga kami ngayon, pasalamat nalang tayo nabigyan pa kami ng break" paghihiwalay samin ni tina habang nakahawak siya sa tiyan ko. Hindi naka ligtas ang pag smirk sakin nung Ivan, "Paano ako?" Pag lalambing ko sa kanya, tawagin niyo na akong parang bata pero gusto kong aluin niya ako ."ikaw talaga ang cute cute mo, sabay nalang tayong umuwi mamayang hapon,wag kana mag tampo jan, di bagay sayong mag ala bata" sabay kiss sa gilid ng lips ko, inayos niya pa yung buhok ko pababa sa patilya. "Promise mo yan ha" sigaw ko ng medyo malayo na siya sakin, ngumiti naman siya pabalik

Medyo maaga pa naman kaya nag lakad lakad pa ako sa school grounds, may nabangga akong isang cute na batang babae, kaedad-dan ata ni Yuan.

"What's your name baby girl?" Lumuhod ako at hinawakan ko siya sa balikat , imbis mag respond siya niyakap naman niya ako ng mahigpit, naalala ko tuloy si kath, ganitong ganito siya nung bata pa lang siya.

Naisip ko nalang na dalhin sa guard yung bata mahigpit yung yapos niya sa akin ayaw bumitaw, habang nag lalakad kami napansin niya yung malaking stuffed toy na teddy sa isang booth, agad niyang itinuro iyon, "gusto mo ba yan baby?" Tango lang ang tugon niya, agad ko naman pinuntahan yung nagbabantay sa booth

Untamed Heart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now