Chappy 4 - Swimming

5.1K 122 0
                                    

Brunner University

ISO Certified ang school na ito at isa ito sa pinaka magandang school sa Bansa. Tumatanggap din ito ng mga exchange foreign students. Karamihan ay mga Nigerian at may mga instructor din na mga Foreigners kaya sikat din ang school na ito internationally

May isa pang Campus ang School na ito for Marine students at meron ditong swimming pool at Soccer field. High class din ang mga Equipments sa HRM building. Di rin mag papatalo ang Building for Medical students and other courses. Siyempre di mawawala ang IT Building. Mga bagong computers ang pinapagamit sa students.



Zymonn POV

Badtrip na sasakyan to, tumirik ba naman, ayan tuloy pagod na pagod kami ni Baby Girl.

Naramdaman ko na kasi ito kanina nung inistart ko yung car ko sa bahay namin, e bigla naman umandar kaya di ko nalang pinansin.

Ipapadala ko nalang sa pagawaan sa Sat kasi may pasok pa kami e.

Hay buti nalang at di kami na late pero kawawa naman si Baby girl pawis na pawis hehe pero cute pa rin naman

Nick POV

Muntik na kami malate ni Chicboy sa first subject namin dahil sa nasiraan kami ng papunta na kaming school. Tumirik yung sasakyan niya sa may gilid ng daan buti nalang at nasa gilid kundi mag tutulak kami ng wala sa oras.

Pinahila nalang ni Chicboy ang Montero Sport niya at pina deretso sa pagawaan.

Dali dali naman kaming sumakay ng taxi dahil sa malapit na kaming ma late kapag di namin binilisan.

Patakbo na kami papunta sa classroom namin , parang malalaglag ang puso ko dito grabe.

"Wow ang aga niyo mag jogging ah" bati sa amin ni Tina

"Pahamak *hah* kasi itong *hah* si *hah* Chicboy" hingal na sabi ko, kapagod tumakbo buti pa tong si Chicboy ok lang kasi grabe ang training nila sa basketball

"Basang basa kayo ng pawis oh, umupo ka nga muna at etong tubig oh uminom ka" sabi ni Tina habang pinupunasan ang pawis ko at binigay sakin ang tubig, agad naman ako naupo sa tabi nito

"Wow ha, ang aga aga ng sweetness na yan baby girl ha" asar ni Zy kay Nick habang pangisi ngisi

Tiningnan ko lang si Zy ng masama, sweet agad hindi ba pwedeng concern lang dahil pagod ako

"Aray" sambit ni Zy, kasi pinalo siya ni Hannah, ahaha

"ikaw Mr. Tolentino, pinag papawisan ka din dyan pa tawa tawa ka pa" sabi ni hannah na naka crossed arms pa

"Princess naman eh, eto na nga po oh mag pupunas na, oh dali punasan mo na ako" sabi ni Zy adik talaga, dumadamoves kay hannah hehe

"akin na nga yan" pataray na sabi ni hannah sabay hablot sa face towel ni Zy

"nga pala anu nangyre bakit tumakbo kayo?" tanong ni Tina sa akin

"eh kasi yung sasakyan ni Chicboy nasiraan kaya ayun dali dali kami baka malate eh" sabi ko, sabay napansin kong parang nag momoment yung dalawa ahaha staring contest ata sila haha

"Ayiie, Tina tingnan mo yung lovers oh ang sweet sweet haha" panunukso ko sa dalawa

"oo nga, best dumadamoves ka diyan ha" sabi ni tina habang tumatawa kaming dalawa

Untamed Heart (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon