Chappy 12 - Just a dream

4.1K 119 9
                                    



Czarina POV

Sa 4 days na nakasama ko ang mga anak ko sobrang saya namin. Parang naramdaman ko nanaman na isa akong nanay. Tapos isama mo pa ang cute na si Nick napaka sweet na bata araw araw siyang pumupunta sa bahay at laging may dalang cake. Nag papa good shot ata sa akin hehe, at pansin na pansin ko ang closeness nila Tina parang kambal na di pwedeng pag hiwalayin.

Naisipan kong mamalengke ngayong hapon, mag isa lang ako kasi tulog si Yuan at may ginagawa si Tina kaya sabi ko ako nalang. Ng may marinig akong tumatawag sakin.

"Tita Rina! Saan po kayo pupunta?" sabi ni Nick habang papalapit sakin, napa cute talaga ng batang eto, nakakadag dag appeal yung mga hikaw niyang pag ka dami dami

"Mamamalengke lang ako Nick para sa dinner mamaya" sabi ko kay nick

"Ah Tita samahan ko na po kayo" sabi niya sabay kuha yung basket na dala ko, aba napaka gentlewoman talaga nito,

"Okay tara na"sabi ko at humawak nalang ako sa braso nito, parang mag jowa lang ahaha, yaan niyo na minsan lang naman, ngumiti lang naman ito sa akin kaya nag lakad na kami, medyo malapit lang din naman sa bahay ang palengke.

"Nick alam kong gusto mo si Tina, at gusto ka din ni Tina, anong plano mo?" tanong ko kay nick, at parang nagulat ata siya sa tanong ko. Hehe ang cute lang niya

"ahm di ko pa po alam Tita e"sabi niya habang napakamot siya sa batok niya, tigilan mo yan nick, baka magalit ang asawa ko sakin haha ang landi lang nuh

"Basta Nick ikaw na bahala sa anak ko ha, please lang wag mo siyang sasaktan at papaiyakin kundi isusumbong kita sa daddy niya" sabi ko habang nakangiti sa kanya

"Di ko po mapapangako yan Tita, kasi ngayon lang ako na inlove ng ganito at hindi ko po alam kung panong gagawin para hindi ko siya mapaiyak at masaktan pero sigurado po akong papasayahin ko siya lagi sa abot aking makakaya" sabi ni Nick na parang kinukuha na niya ang kamay ng anak ko para pakasalan haha, kinikilig lang ang lola niyo

"Okay Nick may tiwala naman ako sayo e, basta ibabalita mo sakin kapag kayo na ha" sabi ko

"Opo Tita asahan niyo po, pero Tita ahm matatanggap din po kaya ako ng daddy ni Tina?" sabi ni Nick na seryosong nakatingin sa akin

"Alam mo Nick, kung Ok ka sa akin malamang sa alamang ganun din ang asawa ko, e halos parehong pareho kayo e" sabi ko naman na natatawa

"Thanks po talaga Tita sa pag tanggap sa akin, lalo pong lumakas ang loob ko sa mga sinabi niyo" sabi niya at niyakap ako ng batang ito, napaka sweet talaga at ang bango bango pa eh, haha

Natapos din ang date este ang pamamalengke namin ni Nick, sa konteng oras na nakasama ko siya ang daming babaeng gustong Iflirt itong si nick, grabe lang, mukhang palaging sasakit ang ulo ng anak ko sa mga babaeng malalandi hehe, pero si nick buti nalang snob sa iba at cold ang trato sa mga alam niyang nag fiflirt sa kanya, kelangan talaga ng mataas na bakod ang gawin ni Tina kung ayaw niya maagaw si Nick haha

Sa bahay na din nag dinner si Nick at katulad ng dati kawawa lagi si Tina sa pang aasar namin ni Yuan, pero aba pinag tatanggol na ngayon ni Nick haha ang sweet lang nuh.

####################################################

Nickie POV

Grabe ang saya talaga kasama ang pamilya ni Tina, at tanggap ako ni Tita Rina, woooh sarap mag tatalon sa tuwa hehe, they made my day.

Untamed Heart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now