Chappy 16 - CLUMSY

3.3K 104 3
                                    

Cristina POV

Hindi nga, totoo ba to? Sabi ko sa isip ko

May nakasulat kasi sa whiteboard namin na may exam kami sa susunod na araw, buti nakapagbasa na ako kahit papano pero si MOO kaya naka pag review na? hmp

Nawala sa isip ko yung pina kikinggan ko kanina at pinag uusapan namin nila Joy at Lin. Kakausapin ko pa sana sila ng biglang dumating ang prof namin ayun ginising ko nalang si Nick dahil sarap ng tulog eh, kinusot kusot pa niya ang mata niya bago siya umayos ng upo, para talagang bata, tapos tumingin naman siya sakin at nginitian lang ako, binitawan ko na rin yung mga kamay niya baka makita ng prof namin eh. Nag simula na mag discuss ang prof namin at focus lang ako sa pinag tuturo niya medyo malapit na din mag lunch time

Prof Magnaye: Class humanap kayo ng ka-partner niyo dahil meron akong project para sa inyo, 50% of your total grade ay manggagaling sa scores niyo sa project na ito, gagawa kayo ng isang website, kahit anong topic ang gusto niyo,bahala na kayo kung anong topic niyo at pag igihan niyong mabuti ang pagawa dito, UNDERSTOOD?

All class: YES MA'AM!

RIIIIINNNNNGGGG (LUNCH TIME)

Prof Magnaye: Class dismissed

Grabe ang laki ng effect ng project na yun sa magiging grade namin, kelangan mataas ang makuha namin. Siyempre di ko dapat pabayaan si MOO, para sa future namin ito hihi, future agad haha

"MOO tara lunch na tayo" masiglang sabi ni MOO, aba parang walang pakialam sa project namin at yung lunch pa ang naalala

"MOO may project tayo ha, tayo ang partner kaya umayos ka" sabi ko kay Nick, sabay pisil ko sa pisngi niya, sarap pisilin hehe

"Best tayo na bahala sa dalawang to ha, kasi kung silang dalawa ang mag papartner wala akong tiwala sa gagawin nila" sabi naman ni Best Han sakin

"Oo Best, para matutukan natin sila" sabi ko kay Best Han

"Oh tapos na tara na kumain MOO, gutom na kami ni Zy" sabi ni Nick, gutom na agad buong klase silang walang kibo tapos nakaupo lang.

"Yeah,Princess gutom na din ako, may practice pa ng basketball mamaya, kelangan ko ng lakas" sabi naman ni Zy

"e halos wala nga kayong ginawa kanina e, di naman kayo nag susulat naka tulala lang kayo sa amin,hmp, tara na nga" sabi ni Best Han,

At kinuha ulit nilang dalawa ang mga bag namin, ang cute lang nila tingnan tapos nakahawak pa sila ng kamay sa amin, ang sweet talaga nila.

####################################################

Nickie POV

Sana lang lagi kami ganito ni MOO yung walang prob, ang ganda niya talaga ngumiti, hindi ko talaga akalain na ma iinlove ako. Sa isa pang babae ako na inlove, ganito pala ang pakiramdam ng mahal mo ang isang tao, ^_^

Nasa Cafeteria na din kami at kami na rin yung umorder ni Zy, Siyempre di mawawala ang Vitamilk ko, 2 na inorder ko parang nagustuhan na din ni MOO e, lahat talaga gagawin ko sumaya lang siya.

Tapos na din kami mag order kaya sinerve na namin sa magaganda naming girlfriend ang lunch namin. Di na kami nag subuan haha, masyadong PDA na yun, dadami lang ang titingin sakin ng masama, saka di rin kasi ako sanay na maging sweet.

Untamed Heart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now