Chappy 11 - Get A Room Guys

4.5K 124 5
                                    

Nickie POV

"Anong Kaguluhan ito" nagulat ako sa nag salita

Isang babaeng matangkad, sexy at maganda ang bumungad sa amin. Tila parang galit ang itsura at nakataas ang kilay naka crossed arms pa

"Mommy!" sabay tumakbo si Yuan papalapit sa babae at yumakap ito

Nagbago ang expression ng mukha nito at ngumiti siya ng pag katamis tamis, ang ganda parin. Siya pala ang mommy ni Yuan.

"Ang laki laki mo na Yuan at ang gwapo gwapo mo pa" sabi nito at pinag hahalikan si Yuan

"Mom!" sabi ni Tina at yinakap din niya yung babae, ako nakatingin lang sa kanila

Napatingin naman sakin yung babaeng tinatawag nilang Mom, shocks, Mom? Nanay nila, di ako ready

"He-Hello p-po" utal kong bati, nemen, bakit ako nauutal

"Hi, so sino itong Gwapong babaeng nasa harap ko" sabi niya at nakangiti naman ito sa akin

"Mom, siya nga pala si Nick, classmate ko po" sabi naman ni Tina

"Upo muna tayo ng makapag usap tayo ng ayos" sabi naman ng Mom nila,

Kinuha ni Yuan ang kamay ko at nag punta kami sa Kitchen nila, oo nga pala naalala ko yung cake na dala ko,

Ako na ang nag serve ng cake dahil medyo busy sila nag uusap ni Tina, tinulungan naman ako ni Yuan sa pag dala ng platito.

Nagtimpla na din ako ng Juice para naman meron kaming maiinom, at home lang nuh, haha,parang ako yung may ari ng bahay

Nagulat nalang si Tina na may cake akong dala at sinerve sa kanila.

"Ahm dala ko ito kanina, nilagay ko sa ref" sabi ko naman kay Tina

"Ang sarap kuya Nick" agad na kumain si Yuan, hehe, chocolate flavor ito na nilagyan ko ng twist,na may white chocolate sa loob.

"Aba masarap nga, so Nick pala ang name mo, ikaw ba ang nag bake nito?" tanong ng Mom nila

"Ah opo Mrs. Castro, sa coffee shop po ng tito ko ako nag bake" paliwanag ko

"wow, ah you can call me Tita Rina or Mom" sabi niya habang naka smile sakin.

"ah okay po Tita Rina" sabi ko

"Nick sobrang sarap naman nito, lagi mo nalang akong ginugulat, bukod sa tamad ka mag aral ano pa ba ang hindi mo kayang gawin?" sabi ni Tina, hindi ko alam kung compliment yun o pangungutya grabe ha,

"Aray tina ha, nakakasakit kana sa sinasabi mo ha" sabi ko sabay nag tawanan lang kami,

Ang cool ni Tita Rina , parang mature version lang ni Tina, ang ganda nila pareho,parang mag kapatid lang sila. Maaga pala nabuntis si Tita Rina kaya pala bata pa siya tingnan, nalaman din niya na singer ako at natatawa siya kasi same daw kami ng asawa niya ng line ng work. Hayz meant to be talaga kami ni Tina haha.

Nag pasalamat din siya na lagi ko daw binabantayan sila Tina at Yuan, kasi lagi ako nag pupunta dito, sabi nila dito na daw ako mag dinner mamaya after ko pumunta sa shop. Pumayag naman ako siyempre naman gusto ko pa maka bonding si Tita Rina, kinukwento niya yung mga nangyre sa kanya sa pagiging journalist niya, tapos binubuking niya yung mga childhood memories ni Tina ang cute lang.

Nag paalam na din ako kila Tita Rina, Tina at Yuan,papasok pa kasi ako sa shop, babalik nalang ako mamaya. Niyakap ko si Yuan, kiniss ko naman sa noo si Tina at kiniss naman ako ni Tita sa cheeks ko,sweet lang niya. At dumiretso na ako sa shop, ang saya saya ko talga.

Untamed Heart (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon