Chappy 21 - Koala

3.2K 81 9
                                    

*Tina POV*

"Anong nagaganap dito"

"Mom" sabi ko, tama umuwi siya, complete kami nakakatuwa

"Nickie baby, andito ka pala, tara may pasalubong ako , kain tayo doon sa dining, ipag hahanda kita, namiss kita" sabi ni Mom, grabe na talaga, si MOO talaga ang pinansin kesa sa tunay niyang anak, yakapin ba

"Mom, parang hangin lang ako?" pang aasar ko

"Ay, anjan ka pala anak, joke, siyempre nakita ko ang little princess ko" sabi ni mom at hug sakin, nilalambing nanaman ako ng Mom ko

"Tita Rina goodeve po pala, di niyo po sinabing uuwi kayo sana po nag pasundo nalang kayo sa akin" wow pa good shot si MOO

"Oo nga Nick, next time nalang gusto ko din kasi Isurprise ang asawa ko, teka asan si Jinn?" tanong ni Mom, haha di ko na naisip si dad e

"Nag tatakbo ata sa kwarto Mom, bababa din yun" sabi ko na natatawa

"Oh sya tara Nickie baby , may pasalubong ako na favorite mong cassava cake" sabi ni Mom sabay hila kay Nick papunta sa Dining, tiningnan lang ako ni MOO na inaaya na din ako kumain

Wow di ko alam paborito pala ni MOO yang cassava cake, ang takaw haha, kelan pa nag ka vitamilk sa ref namin? ~_~

"Inistock-an ko na ng mga paborito ni Nick yung ref natin" sabi ni Jinn

Galing ah nakakabasa ng isip, bumaba na din siya sa kwarto, ang laking bakulaw na duwag, grabe,

"Mahal ko, namiss kita, asan na ang kiss ko?" sabi naman ni Mom kay Jinn, mag momoment pa e andito pa kami

"Ehem,we're still here Mom" saway ko

"MOO, it's okay, namiss siguro nila ang isa't isa" sabi ni Nick

"Eto talagang si Tina panira ng moment natin Mommy, buti pa tong si Nick napaka understanding na bata" sabi ni Jinn, bwisit siya,inirapan ko nalang siya

"kaya nga daddy e" Mom

"tapos lagi pa akong binubully ng anak mo Mommy" Jinn

"Oh kawawa naman ang daddy ko" Mom, di ako na susweetan, nandidiri ako haha, ewan ko ba, pag si Jinn talaga nakakasuka

"Mom, nakakahiya kayo, feeling teenager lang Mom?" pang aasar ko sa kanila

"Tina naman parang kanina lang di niyo ginagawa ito ni Nick , if I know sa sofa pa niyo pa balak mag ano" natatawang sabi ni Mom,

"MOM!" saway ko, kakahiya kaya, nag iinit na tuloy ang mukha ko at tong si nick patawa tawa lang

"Hep! Nick may pag asa ka pa, Iwan mo na tong anak ko hanggat di ka pa natatali, ayokong maranasan mo yung nararanasan ko ngayon na ginagawa niya sa akin, Ikaw din!" sabi ni Jinn at may pa akbay akbay pa, kala mo ganda ng payo, payuhan ba naman na iwan ako,

"JINN!" sigaw ko sa kanya at pinag kukurot ko siya

"Aray wag ka mangurot, tamo tinatakot mo na si Nick" sabay turo ni Jinn kay Nick

"Tama na yan MOO, di kita iiwan promise, kahit pa araw araw mo ako saktan" sabi ni MOO at nag smile sakin

"Di kita sasaktan MOO, mahal kaya kita, basta wag kang mang bababae MOO ha" sabi ko habang pinipisil pisil ko yung pisngi ni Nick, ang lambot

"Mahal, nakakatakot parin si Tina kahit mag lambing ano? Haha" sabi Jinn sabay takbo na sa taas ng kwarto nila

"Jinn, lagot ka sakin bukas" sigaw ko sa kanya

"Tina ikaw na bahala dito kay Nick at pabaunan mo si Nick ng cassava cake madami naman ako binili, sige aakyat na ako, medyo napagod ako sa byahe, ingat sa paguwi Nickie baby" sabi ni Mom, sabay kiss sa cheek ni MOO, kainis dumadamoves tong nanay ko,

Untamed Heart (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon