Chappy 24 - Mental Patient?

3K 75 9
                                    





Cristina POV

"*King ina Nickie boy, putcha ang gwapo mong gagu ka ah" sigaw nung nasa likod namin, kaya napa tingin naman ako, isang babae pala

"Honey!" sigaw ni Nick, habang yinakap niya yung babae, nakakagulat ang ginawa ni Nick, pero mas nakakagulat ang itsura ng babae. Honey? Other woman na ba to? Hindi tina, mag relax ka lang tina sabi ko sa isip ko

Mature siya tingnan, may kagandahan ding taglay pero kapansin pansin ang mga ibat ibang tattoo nito sa katawan at braso, hindi ba siya nasaktan sa mga tattoo'ng ipinalagay niya, eto pa nakaka insecure ang mga dib dib niyang napaka lulusog, napatingin naman ako sa aking sarili, wala akong laban doon nakakainis

Lumapit naman ako sa kanila na patuloy pa rin ang tawanan, nakalimutan na ba agad ako ni nick, hindi ba niya napapansin na kasama niya parin ako

"Ehem" singit ko sa dalawa, busy sila sa pag kukulitan e,pinipiga ba naman niya yung pisngi ni nick gamit ang mag kabilang kamao niya, tatawa tawa pa tong nick na to, nakakairita lang

"Nga pala, Honey si Cristina, GF ko, Tina si Honey" pakilala ni Moo,

"Sh*t ka, nakabingwit ka ng Chics Nick, akalain mo itong gagong uhuging bata dati may GF na maganda, Fvck the world haha" si Honey, hindi ba uso sa kanya ang kabutihang asal, or maayos na pananalita

"Honey wag ka nga ganyan, baka matakot ang GF ko sayo, di ka parin nag babago" sabi naman ni Nick

"ay sorry Tina ha, ganito talaga ako mag salita, nakasanayan na, masanay ka na din sa suot ko, di kasi uso sakin ang magdamit haha, sakin ata nahawa tong si nick, tarantadong to naka bra lang pag natutulog haha" si Honey, sabay akbay sakin, medyo ilang pa din ako sa kanya, kaano ano kaya niya si Nick

"Moo si ate Honey yung tattoo artist ko dati, bata palang ako malapit na siya sakin" si Nick, teka nakakabasa na siya ng isip

"Moo, di ako nakaka read ng mind" si nick, natatawa lang siya

"Hoy pucha ka nick, wag mo ko matawag na ate, tina nababasa ko din, haha, napaka transparent kasi sa mukha mo haha" si Honey,nakakahiya naman, napayuko nalang ako

"ang cute naman ng GF mo nick, nag bablush pa haha" si Honey, ang saya nila huh

"Tara kain muna tayo, libre ni Nick" habol ni Honey , pinag gigitnaan nila akong dalawa at nakaakbay si ate Honey at naka hawak ng kamay sakin si Nick, at nag lakad kami papunta sa isang restaurant,

Ang daldal ni Ate Honey, Jessie Honey pala ang name nia, haha, masaya din siyang kasama, yun nga lang kakaibang bibig, di niya mapigilan magmura

"Naalala ko dati itong tanga'ng si Nick, napaka lampa nung bata, patag pa yung daan nun haha" si Honey, sinamaan naman niya ng tingin si Honey

"eh paanong hindi madadapa, e nakatali yung mga kamay ko tapos hilahila mo habang nakabike ka" pag mamaktol ni nick, nakakatuwa sila

"e kasi nga lalampa lampa ka, Tina alam mo ba mga kinakatakutan nitong mongoloid na to haha" si Honey

"hey Honey!" saway ni nick

"ano yun ate honey" sabi ko,si nick naman naiiling nalang

"takot yan sa mga gagamba haha, kahit yung mga gagambang bahay, natatawa ako nung dali dali tumakbo itong gagong to sa CR, nakahubad ba naman at may sabon pa ang ulo, nag susumbong pa na may gagamba daw at inaabot pa sakin ang walis tambo patayin ko daw haha" si Honey, pinipigil ko ang tawa ko, kinakagat ko nalang ang lower lip ko, nakakunot noo na kasi si Nick

Untamed Heart (GirlxGirl)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt