Chappy 19 - Breakeven

3.7K 97 7
                                    

"How can I move on, when im still in love with you" haha napakanta lang ^_^

####################################################

Cristina POV

"Tara MOO pasok ka,doon tayo sa kwarto ko" sabi ni Nick sakin, well andito ako ngayon kila MOO, kasi gagawin namin yung pina project ni Mrs. Magnaye, okay naman tong tinitirhan nila MOO, Maliit ng konte pero sakto lang sa mga nakatira dito, Malinis naman at Maaliwalas sa mata.

"Okay MOO" sabi ko, tapos hila hila niya ako sa kamay papasok na kami sa loob, May babaeng nakaupo sa sofa

"Tita Norms, gagawa lang po kami ni Cristina sa kwarto ko" sabi naman ni Nick, pero parang nanlaki ata ang mata nung tita niya sa sinabi niya, nag paprocess pa din ang utak ko kung anong nakakagulat sa sinabi niya... 30%... 50%... 75% ting* 100%... shocks gagawa lang ang nasabi ni MOO

"Gagawa po kami ng project namin, its not what you think po" habol na sabi ko, at napangiti naman siya, grabe kasi to si Nick

"Ikaw talagang bata ka akala ko kung anong gagawin niyo, Kumain na ba kayo Nick anak?" tanong nung tita niya,

"Eh sorry po tita,mamaya nalang po kami kakain, ah nga pala tita siya na po pala si Cristina, Girlfriend ko" sabi naman ni MOO, ang sarap pala pakinggan kapag pinapakilala ka na GF ka ng taong mahal mo

"Ang ganda mo namang dalaga Cristina, ang swerte ni Nick sayo" sabi nung Tita niya, kakahiya naman, di naman po masyado haha

"Salamat po" sabi ko naman,

"Tita pupunta na po kami sa kwarto ko, medyo madami po kasi kaming tatapusin" sabi naman ni Nick

"O sige, dadalhan ko nalang kayo mamaya ng memeriendahin niyo" sabi naman ng tita niya

Dumiretso na din kami sa loob ng room ni Nick, color blue ang kulay ng room niya, tapos blue din ang bed sheet niya at mga punda, di naman niya favorite yung blue noh, Ang linis dito at may CR din sa loob ng kwarto niya. Amoy ni Nick ang buong kwarto niya, ang bango bango naman.

Naupo naman ako sa kama niya tapos ni lock niya yung door, tapos hinalikan niya ako ,tapos pinatungan niya ako tapos, joke lang hahaha,

Pag katapos niyang I lock yung pinto Inayos na niya yung Laptop at mga computers niya malapit sa study table niya. Oo mga computers grabe ang dami namang monitors nito at 2 din yung CPU niya. Tapos mukhang mga mamahalin yung mga gadgets na yun, parang ngayon ko nga lang nakita yun e.

"MOO, ang dami mo naman monitors, saka parang mamahalin pa" tanong ko kay MOO habang papalapit ako sa inaayos niya,nakakamangha e,

"MOO regalo lang sakin to" sabi niya na nakangiti pa, binuhay naman niya yung Laptop at Computer niya, di ko talaga maintindihan yung mga gamit niya sa Computer niya parang secret agent ang dating hihi, may color blue sa isang monitor sa kabila naman Command prompt ang itsura yung black and white lang ang color, tapos yung main niya yun yung desktop niya. Ang astig lang kasi kung saan saan siya tumitingin, Binuksan na din niya yung laptop niya at ngayon ko lang din ito nakita, color orange siya at may logo na ENVY na malaki

"MOO, ang ganda naman nitong laptop mo, Ngayon ko lang to nakita, saka ang bilis naman nito, kakabuhay mo palang ilang seconds lang pwede na gamitin, anong brand nito?" sabi ko kay MOO, ang ganda saka ang bilis,

"Voodoo Envy H171 MOO, regalo lang din yan" sabi ni MOO, ang dami naman nag reregalo kay MOO, pero kelangan na talaga namin gawin yung project namin. Ako ang gumagamit ng laptop at siya naman sa PC niya.

Untamed Heart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now