Chappy 5 - lil kitty

4.8K 130 7
                                    



Nick POV

Di ko inaasahan na may mga crew ng ABS-CBN dito sa shop ni Tito. Rated K daw nung tinanong ko yung isang waitress.

Dahil medyo ang daming tao sa main door ng shop sa likod nalang ako dumaan. Buti nalang may back door ito at nasalubong ko naman si Tito Rick sa loob.

"Nick kadarating mo palang ba?" Tanong ni tito rick habang abala na nag lilinis ng kusina

"Opo tito, dumiretso na po ako dito kasi walang tao sa bahay, tulungan ko na po kayo jan"sabi ko akmang hahawakan ko na yung basahan ng mag salita si tito

"Hindi na nick anak, ah kung pwede sana nick ikaw muna ang mag serve doon sa labas kasi dalawa lang ang waitress natin tapos may mag interview pa sa amin ng about sa shop" pakiusap ni tito sakin, gusto ko sana tumanggi ngayon pero nakakahiya kay tito rick

"Sige po, mag bibihis napo muna ako" sabi ko

"salamat nick,paki tingnan na din si Kath, nasa Cashier siya ngayon siya muna ang bantay doon" pahabol ni tito rick

"Okay po tito, mag bihis na din po kayo at may interview pa po kayo,kelangan niyo mag pa pogi hehe" sabi ko kay tito rick at tumawa naman ito

Dumiretso na ako sa locker ko para mag palit ng damit, nilalabhan itong sinusuot ko ha, ang galing nga eh libre pa laundry sa mga damit na ginagamit ng crew dito. Nag suot na ako ng polo shirt at apron at inayos ko ng konte ang buhok ko.

Tinanggal ko muna ang mga earrings ko kasi baka kasi makita ako sa tv nakakahiya.

Lumabas na ako para tingnan kung ano ang ginagawa ng aking pinsan. Aba at nag make up siya, light make up bagay na bagay sa kanya. Naka simple dress din color pink.

"Ahem tama ba naman yan,baka mali mali ang pag susukli mo hehe" panunukso ko kay Kath,saka ko siya kiniss sa forehead niya

"Couz Nick naman eh"sabi niya sabay yumakap sakin nag lalambing ata

"oh siya doon na muna ako ha, pag may prob tawagin mo lang ako lil kitty" panunukso ko kay kath

"Couz dito ka muna,namimiss pa kita eh"sabi niya habang yakap yakap niya ako at nag puppy eyes pa itong batang ito

"Sige na nga saglit lang ha, panuodin mo nalang kung pano yung ginagawa dito ha, ako muna mag cashier" sabi ko at tumango tango lang ito habang mahigpit parin ang yakap sakin

Tinuruan ko si Kath sa mga pinipindot dito sa cashier at madali naman ito na kuha ni Kath, ewan ko ba sa batang ito, matalino naman siya at lagi naman niya ako pinapanuod dito dati.

Nagpunta na din ako sa mga display namin na cake, inaayos ko para presentable ang itsura at para mabili agad.

Yung mga limited edition naming cake eh puro gawa ko haha, kasi di naman ako gumagawa ng madami at mga idea ko lang ang cake na ginagawa ko. Parang nag eexperiment ako haha, pero pinapa tikim ko muna kay tito at sasabihin niya kung pwede ibenta.

Naging masyado akong busy dahil sa mga babae dito na ang daming tinuturo na cake. Eh if i know lagi ko siya nakikita dito at lagi ako ang nag seserve ng cakes niya at puro yung limited edition na cake pa ang inoorder. Hinihingi nga minsan ang no. ko sabi ko nalang wala ako CP eh hahaha.

Hindi ko na namalayan na tapos na pala ang interview at pag vivideo ng shop nila tito. Hay sa wakas lumuwag din kahit papano. Bilib din ako kay kath at mukhang di siya nahirapan sa dami ng umorder kanina.

Untamed Heart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now