Part 2
Erin
"You will find someone better, trust me"
Yan ang bungad sa akin ni Sabrina which is one of my best friends pagkapasok nya sa apartment ko.
"Heh, manahimik ka dyan. Alam ko kung ano ang pinunta mo dito Sabrina ha" sagot ko naman sa kanya.
Naupo sya sa couch, binuksan ang TV at binuksan din ang ref ko.
Patay gutom talaga. Tsk."Alam mo naman pala eh. Sumama ka na. Minsan lang to pramis. Mag-enjoy ka naman Erin. Hindi porke't hindi na nagpakita at nakipagbreak sayo sa text yung boypren mo eh magmumukmok ka nalang dito" dagdag pa niya habang kumukuha ng yakult at ng cookies na ginawa ko.
Sumalampak ako sa sofa at hindi sumagot sa kanya.
Nagpaplan kasi sila na pumunta sa Davao this Summer. And they are bribing me that they will take care of all the expenses if sasama ako.
I'm Erin Trinidad. 22 years old.
At oo. Yung boyfriend ko lang namang **** eh nakipagbreak sa akin sa text matapos ng hiatus nya for 2 weeks.
Masyado na daw kaming occupied sa trabaho namin.
Eh di wow.
We've been together for 2 years. Naging boyfriend ko sya nung 4th year college ako. Eh busy kaya ako sa accounting majors ko nun. Talaga ha.At ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang company bilang Accountant at sya naman ay isang Financial Consultant sa isang bangko.
Pero ayun. Nanlamig bigla. Hindi sya nagparamdam ng 2 weeks tapos nagulat nalang ako ng bigla siyang magtext at sinabi na break na kami. Because he found another. A singer. Heh.
Aba matindi. I was crushed bhe.
Mahal ko ang ****** yun. Correction. Minahal pala. Past tense.
I dont wanna cuss because that's bad. Please forgive me. Hoho.
Bumangon ako at pinatay ang TV.
"Napakasupportive mo talaga ever friend" sagot ko naman sa kanya.
"Walang hiya ka. Ba't mo pinatay? Magkikiss na si Bella at Edward eh"
Ako pa talaga ang walang hiya?
"Magbebreak pa rin naman sila. Tumahimik ka. Ano ba talaga ang pinunta mo dito? Ang makikain at manood ng TV o ang iconvince ako na sumama sa inyo" Nako talaga. Kaibigang tunay. Note the sarcasm here.
"Syempre. BOTH. Hihi" sabi niya sabay peace sign.
Hay nako. 23 years old na ba talaga to? Pakiexplain nga tita.
5 kaming magbabarkada.
Ako, si Sabrina, Angela, Theresa, and Sophie.
Si Sabrina at Sophie ay isang engineer. Si Angela ay isa ring accountant tulad ko.
At si Theresa naman ay isang scriptwriter sa isang TV Station."Oo na. Sasama na, kelan ba ang alis?" Hindi ako pwedeng magmukmok nalang dito sa apartment ko. Ayokong mabulok dito. Leche. Sayang ang lahi.
"BUKAS"
What? Bukas na? So ako nalang pala talaga ang hinihintay nila. Langhiya.
"Ay bwisit. Hindi pa ako bumili ng dadalhin" Ni hindi pa nga ako nakapagpaalam kay Mama eh. Naku naman.
"8:00 tayo aalis. Sa baba ka na maghintay bukas ha. Adios mi amiga! sabi nya sabay tayo at flying kiss sa akin. Okay?
Trust me. Its both a blessing and a curse to be friends with these psychos.
Whatever will be, will be.

YOU ARE READING
A TABLE FOR TWO
RomanceYou're gonna go broken-hearted looking for that happy ending.