Getting weirder....

57 2 1
                                    

Part 29
Erin

"Erin, gumising ka na"

"Hhmmm" Iminulat ko ang mata ko at ipinikit ulit.
Naramdaman ko ang mahinang pagyugyog nya sa akin. 

"Eriiiiin, gising na. Malalate ka"
Ayoko pa. Ang sarap ng tulog ko eh. Akala ko mamamahay ako pero wala eh, pagod yata ako kaya tulog agad.

Hinawi nya ang kurtina at agad na bumungad sa akin ang pasikat na araw.

"Ano ba. Isarado mo Karen!"

Kahit pilitin ko pang matulog ulit, eh wala na.
Umupo ako at hinarap si Kaye na nakatayo sa bintana at nakapameywang.

"Ang dilim pa nga eh!" Pagmamaktol ko sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya at itinali ang kurtina ko.

"May dadaanan pa tayo."
Humarap sya sa bintana at sabay naming pinanood ang pagsikat ng araw at pagliliwanag ng mundo, Joke. ng paligid.

"Saan na naman? Dami mo talagang alam Karen ah!" Naiinis at inaantok kong sabi.

"Ano? Hindi ka pa ba aalis dyan? Kailangan maaga tayo dun kasi ihahatid pa kita pabalik sa work mo"

"Saan ba kasi?" Hinanap ko ang cellphone ko at tiningnan kung  anong oras na. "Alas sinco pa nga lang Karen eh!!"

"Nagpromise kasi ako na ipapakilala kita sa kanila eh" Parang bata na sabi niya. Hindi bagay sa kanya, I swear.
Sa lahat ng fans ng taong to, hindi bagay ang pagpapacute sa porma niya ngayon.

Ang astig niyang tingnan.
Lalaking-lalaki. Tapos eto ngayon, nagtatampu-tampuhan. Such a baby!

I smiled at her.

"Oo na. Osya, umalis ka na at mag-aayos na ako" pagpapaalis ko sa kanya, agad naman siyang lumabas ang sinarado ang pinto.

Hay nako. Kagabi pa to eh. Ang kulit! She wants to formally introduce me to her band mates and Miss Rochelle.

Agad akong lumabas ng nakabihis na ako, I decided not to wear our uniform kasi ang ikli ng skirt namin.
Erin naman, skirt nga eh. Bobo. Hahaha

Maong pants, white v-neck shirt, at coat na navy blue. I wore my heels para naman kagalang-galang parin.

"Naks, mukhang prepared ah" sabi niya sa akin pagkalabas ko.

"Sipain kita diyan eh. Ikaw nga tong excited!"

Parang bata naman itong dumila sakin at kinuha ang cellphone at car key niya.

Dumating kami sa studion nila mga bandang 5:30 ng umaga.

Pakshet. Inaantok pa ako.

I managed to look alive ng dahil sa concealer at white na eyeliner na nilagay ko kanina.

"Okay ka lang?" She asked me.

Tiningnan ko siya ng "Do I look like I'm okay?" face.

"Uh.Okay. Fine. Sabi ko nga. Sorry na"  pagsusumamo niya at inakbayan ako papuntang elevator.
Agad naman akong umiwas at, tinuro ang hagdanan.

"Hahawakan naman kita eh" sabi niya sa akin sabay hila papunta sa elevator.

"Baka mahilo ako. " I responsed at kinuha ang kamay ko.

"Seriously? I won't let you fall" seryosong sabi niya.

Hindi ko alam kung may ano sa mata niya at nagpaakay nalang ako.

A TABLE FOR TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon