Stalking her...

143 7 0
                                        

Part 12
Erin

Hindi ko na talaga alam.

Kaye Cal. Kaye Cal.

So siya pala yung dinudumog ng fans nung nasa airport pa lang kami?

At siya rin yung kumanta nung nasa bistro kami.
I recalled the events and I can't believe the coincidence.

I searched for his or her, whatever account online.

I opened her twitter. So basically, I'm a stalker. Hahaha

"I love the way your eyes light up when you tell about the things that you love #Char"

She tweeted that 30 mins ago. Sino naman daw ba yun? Pake ko ba.

I scrolled down and browsed her past tweets.

Oh gods! She tweeted that Erin Move-On pick-up line in the plane.
So embarassing. Parang kiti-kiti na ako dito sa kama ko.

Biglang pumasok si Sab at tinabihan ako.

"Omg. Erin. You're stalking him!" She shrieked at inagaw ang phone ko.

"Its a HER Sab. Her" I corrected her while rolling my eyes

"Hay nako. Whatever. Ano okay ka na? Nakamove-on ka na?" Tanong niya sakin.

"Well duh. May magagawa pa ba ako. Kalimutan na lang natin yun." Sagot ko sa kanya at kinuha ang phone ko.

WTF?

"SABRINA!!! WHAT DID YOU DO?!" sigaw ko sa kanya.

Omgosh! She just followed her and retweeted that Erin Move on tweet!
What the hell?!

"Oops. Napindot ko eh.Hehe. Iunfollow mo nalang ulit?" Sabi niya sakin habang nakapeace sign.

Napasabunot ako sa buhok ko!

"Mapapatay kita Sabrina!! Halika dito!"
Sumigaw lang siya ng sumigaw at ayun naghabulan na kami sa loob ng kwarto.
Lumabas siya at doon namin pinagpatuloy ang habulan namin.

Nang macorner ko sya sa kusina ay lumuhod siya at humawak sa kamay ko.

"Hoooo. Erin! Ang ganda mo talaga ngayon! Tapos ang sexy sexy mo pa. Ang talino mo pa! Grabe! Nasayo na na ang lahat!"

"Alam ko yun Sab. Anong sasabihin mo?" sabi ko sa kanya.
Nagpupumiglas siya ngunit sorry siya kasi mas malakas ako sa kanya.

"Uhm sorry? Wahhhhh! SOPHIEEEE! Tulungan mo ako!" Sigaw niya habang patuloy pa rin na nagpupumiglas.

Mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa kanya. Mwahahaha. Now, who's the one on the floor?

Pumasok si Sophie na may dalang yakult. Yung yakult ko kanina!!!

"Bibitawan mo si Sabrina o hindi ka makakatikim nito?" Pagbabanta niya sakin.

Oh no. Yakult or Revenge?

"Ay madaya! Hindi yan kasama dito! Ba't palagi mo nalang kinakampihan to?" Pagmamaktol ko sa kanya.

Pinanlakihan niya ako ng mata at inaktong itatapon ang yakult sa inidoro.

Hindi ko man gusto na bitawan si Sabrina, mas ayaw ko naman mapunta ang yakult ko sa wala.

Inagaw ko ang yakult ko kay Sophie at tumakbo na si Sab at nagtago sa likod niya.

"Para kayong mga bata! Ano ba ginawa mo Sab? Ginamit ba niya yung suklay mo?" tanong samin ni Theresa na kakapasok lang sa kusina.

Ewan ko sa inyo. Bahala kayo diyan! Umupo ako sa table at sinimulang inumin ang yakult ko!

"Kasi ano ehh, hindi ko naman sinasadya na ifollow yung account eh." Pagdadrama ni Sab kina Sophie.

"Anong hindi?! Gusto mo part two ha?!" Sigaw ko sa kanya. Binelatan niya lang ako.
Susunggaban ko na sana siya ng hinawakan ako ni Angela.

"Sino ba yung finallow mo Sab?" Tanong niya.

Pinandilatan ko siya ng mata na huwag sabihin. Ngunit dahil bruha siya.

"Si Kaye!!" sabi niya at ngumisi sa akin.

Humanda ka talaga Sabrina! May araw ka rin!

Napatingin silang lahat sa akin at nagsmile.

"What?" I asked them

"Wala. Duh Erin. Yan lang naman pala eh. Sa dami ng followers niya, hindi naman niya mahahalata yun eh." Sabi ni Angela at umalis na.

Oo nga naman. Edi mabuti!

"San pupunta yun?" Tanong ko sa kanila. May lakad ba?
"Magmamall po tayo ateng. Pupunta tayo sa Jack Ridge's bukas. Mag'ayos ka naman." Sagot sa akin ni Theresa.

I looked at them confused.
Nasa plano ba to? Ba't di ko alam to ha?

"Hay nako. Maligo ka na! Amoy suka ka pa!" Sabi sakin ni Sab at tumakbo na papuntang C.R.

Bwisit talaga yun sa buhay ko!
Hay nako.
Kung pupunta kami doon bukas? So, magkikita kami?
Oh no. Hindi pwede.

"Hindi ba pwedeng dito na lang ako bukas? Lilinisin ko ang condo." Pag-aalok ko kay Sophie.

Tiningnan niya lang ako ng masama.

"Sasama ka Erin." Yan ang sabi niya

Okay? Edi sasama. Nakakatakot si Sophie eh.

A TABLE FOR TWOWhere stories live. Discover now