Part 18
KayeEyebags. Yan ang pwedeng madescribe sa akin ngayon.
Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa babaeng yun. Pinagalitan ako ni Rochelle at alas dose na ako nakabalik sa hotel.
I was bothered. Baka ulitin niya.
Or baka hindi siya dumiretso sa hotel.
What if hindi nga sya dumiretso sa hotel?
What if nagpakamatay talaga siya?
What if nasa ospital siya ngayon?
What if....?Oh my gosh! Nababaliw na ako.
Bumalik ako sa katinuan ko ng binato ako ng unan ni Kamuy/Kamila."Oy! Para kang baliw! At mukha kang zombie! Ano bang problema mo?" Inis na tanong niya sa akin.
Rest day ngayon kaya wala akong gagawin kundi ang matulog. Tama! Matutulog ako!
"Wala. Hindi no. Ayokong malaman ang tungkol sa kanya" Pagdedepensa ko sa sarili ko.
"Hoy! Hindi ko tinanong kung gusto mong malaman. Tinanong ko lang naman kung anong problema mo. Wala akong sinabing Erin. Aning ka rin eh. Hahaha. Ikaw ha. Napaghahalataan na kita. " sabi niya sakin.
Ha? Hindi niya ba sinabi yun? What?
"Kung gusto mo, puntahan mo" dagdag pa niya.
Hindi. Ayoko.
"Wag na. I don't care" Walang ganang sagot ko sa kanya.
Pwede ba? Ay wag na.
Pero, sisiguraduhin ko lang naman eh.
Binato niya ako ulit ng unan."Aray! Nakakadalawa ka na ah!" May halong pagkapikon na sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.
"Baka mabaliw ka pag hindi mo nakita yun. Umalis ka na. Ako bahala kay Mommy Rochelle" sabi niya sabay kindat sa akin.
"Sigurado ka? Kilala kita Kamila ha. Anong gusto mo?" Nahihimigan ko na may kailangan to eh.
"Cookies and cream at Double Dutch.Hihi" agad na sagot niya.
Sabi ko na nga ba eh. Ice cream lang ang katapat nito.Tumayo ako. Naligo ako at nagbihis.
Nasa bahay lang naman siya siguro diba?Sumakay ako ng taxi papunta sa condo nila.
I wore a cap para hindi naman ako makilala agad ng mga makakasalubong ko.
I saw the same receptionist ng hinatid ko siya dito.I rode the elevator papunta sa unit nila.
Hindi ko na alam. Bakit ba kinakabahan ako? Bahala na nga.Hay. Nagdoorbell ako.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Sab.Nagulat ko ata sila.
"Uh hi?" I mumbled them a greeting while scratching my hair.
Gosh. Bakit ba ako nagkakaganito?"Omg. Kaye?" nakangangang tanong sa akin ni Sab at biglang sinarado ang pintuan.
What? O-kay?
I heard panic noises inside at alam kong ako ang may gawa nun.
I patiently waited and then after 10 years, joke. After 15 mins ay nagbukas uli ang pintuan at nakasmile na si Sab sa akin."Uh hi ulit? Pasok ka muna" Nahihiyang sabi niya.
Ano ba ang dapat na gagawin ko?
Pumasok ako at nakita na nakaupo silang tatlo sa sofa at nakatayo naman si Erin malapit sa kwarto niya at hindi pa nakaligo. I think?
She's wearing her pajamas with doraemon na design. Haha she's cute.Tumaas ang kilay nya sa akin wari'y nagtatanong at naiinis na nakita niya ako. And lalo nadagdagan ang pagkacute niya pag nagsasalubong ang kilay niya.

YOU ARE READING
A TABLE FOR TWO
RomanceYou're gonna go broken-hearted looking for that happy ending.