Where do broken hearts go...DAVAO

302 8 0
                                        

Part 5
Erin

We arrived at 8:00 P.M sa condo ni Theresa, not really hers but sa Daddy niya so basically sa kanya na din.

May mga binili pa kasi sina Theresa sa mall. Yun tuloy pagod na pagod kami ngayon.

Hindi pa rin talaga ako makaget-over sa ginawa ko kanina. Gosh. That was embarrassing.

Iniisip ko palang yun nang tinapon sakin ni Theresa ang towel na pinabili ko sa kanya.

"Rin, okay lang yan. Ang cute naman ng nakatabi mo eh.Pero laughtrip pa rin talaga sa ginawa mo." sabi niya sakin habang nilalagay ang mga damit niya sa cabinet.

"Geh banggitin mo pa sakin. Malilintikan ka na sa akin Theresa ha." Sumalampak ako sa kama at in-on ang TV. Ay nako. Ako naman talaga may kasalanan. Kung hindi ko na sana binuksan ang account niya. Tsk.

"Mag-move on ka na daw kasi sabi ni cute guy. Haha. Uy, natanong mo ba ang name? Nakita mo ba ang dimples niya? Ang cute diba? Omg" dagdag naman ni Sab na hayok na hayok sa lalaki pati na rin sa pagkain.

"Oo nga. Sana tinanong mo. Sayang."sabi naman ni Sophie na kagaya ko ay nakahilata din sa kama niya.

I told them the whole story kaya ayun nakatanggap ako ng tag-isang batok sa kanila.

We're staying sa condo ng Daddy ni Theresa. May dalawang room at share kaming tatlo ni Sophie at Sabrina sa isang room. Sa kabila naman ang iba. Maganda ang location. It was well planned. Kita ang view sa labas. City lights. Yung mga sasakyan at lahat. I wanna forget everything. At ibabaon ko sa limot yan dito sa Davao.

"Hoy! Kayong dalawa diyan! Tulungan niyo ako dito! ERIN! Mortal enemy talaga kami ng kusina kaya ikaw na dito!!" sigaw ni Angela na nagpagising sa diwa ko. Sa aming lima, Ako ang in-charge sa pagluluto.

Kung gusto mong makakain ng pagkaing tao, wag na wag mong palalapitin si Sabrina at Theresa dun. NEVER. Na-uh.

I grunted and stood up para maghanda ng dinner namin. Gutom na gutom na rin naman talaga ako. Hinila ko na si Sophie dahil mukhang ayaw pa nitong tumayo eh.

"Ba't tayo na naman Rin? Yoko na. Pagod pa ko. Asmddnchsdghsaksahdhd sila palagi" Daldal ng daldal pa siya habang akay-akay ko siya papuntang kusina.

I told her what to do. And I decided na adobo na lang ang lutuin para madali lang. Mabuti nalang at may stocks ang ref nina Tito.

After 30 mins....

"Hoy mga patay-gutom! Kakain na daw! Bilisan niyo na!"

Nagsalita ang hindi eh noh? Oo. Si Sabrina yan. Makapatay-gutom naman.

Isa-isa silang dumating at umupo na sa table.

And wala pa ngang 5 minutes eh ubos na ang niluto ko.

*Burp*

*Burp*

"The best ka talaga Rin! Ano na lang ang gagawin namin pag wala ka" sabi ni Theresa sakin sabay yakap.

Napatawa lang ako sa sinabi niya.

"Pag wala si Erin dito, tiyak papayat ako". Sabi naman ni Sab na punong-puno pa ang bibig ng buto ng manok. Kadiri talaga to. Kaya walang boypren eh. Haha.

"Pag wala si Rin-rin dito, si Sabrina. Mauuna na yan" dagdag ni Theresa na nagpahagalpak ng tawa namin.

Laughter filled the room. Parang hindi lang professionals eh. Walang pinagbago.

I'm genuinely happy to be friends with them. Nakakalimutan ko ang mga problema ko.

"Okay. Dahil si Sabrina ang pinakamaraming kinain, siya ang maghuhugas ng pinggan. Adios! Matutulog na talaga ako." Sabi ni Sophie sabay tayo at lagay ng pinggan niya sa sink.

Nagsitayuan na rin sila at kami nalang dalawa ang naiwan sa table.

"Oh ikaw? Ano iiwan mo rin ako? Hmp. Ganyan naman talaga kayo eh. Nang-iiwan" pag-eemote niya sa akin. Gaga to oh. Hahahaha. Binato ko siya ng buto ng manok na nasa pinggan ko. Hahahahaha.

"Oy! Oy! Kadiri ka talaga Erin! Yuck! May laway mo pa yun!" Parang manok na binuhusan ng tubig siyang tumayo at pinagtutulak ako samantalang ako ay nasa sahig na sa kakatawa.

"Hahaha. Masyado ka kasing emotera eh. Ako ang iniwan friend. Hindi ikaw. Assumera mo talaga! Haha."

Nagsimula na akong magligpit ng iba pang kalat at dinala ito sa sink.

Bigla siyang tumabi sa akin at kinuha ang isa pang sponge at nagsimula na ring magsabon ng mga pinggan.

Tumahimik ata siya ah. Anyare?

"Alam mo kasi Erin, ikaw yung taong kahit alam mong dehado ka na hindi ka pa rin sumusuko. Ikaw yung taong gagawin ang lahat para sa mahal mo. Forget him Rin."

Kaya pala tumahimik na siya. May seryoso palang sasabihin. Trust me. Sa apat, si Sabrina ang una kung nakilala. High School pa lang eh magkaibigan na kami. Kaya she knows the words I don't wanna hear but I have to.

"Forget about him. You are losing sleep over a guy who is sleeping well, with other girl on his mind. You are sitting or waiting a text or call from him who is probably already on the phone with that other girl. You are crying over that dude but he's making another girl smile right now. If you aren't the girl he's giving he's all, then he shouldn't be the guy you are still dedicated to." Dagdag pa niya habang pinupunasan ang panghuling pinggan at nilagay sa cabinet.

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Tama siya.

She's always right. Kahit noon pa. Sinabi niya na sa akin na wag ko daw sagutin si Damon kasi she thinks he's not the type to stick with a girl like me. Pero hindi ako nakinig. I thought he's not like the other guys.

At doon ako nagkamali. I thought.

Yinakap ako ni Sabrina and I hugged her back while crying.

I can't comprehend why Damon did this to me. Bakit? Yan ang unang pumasok sa isip ko.

I was a loyal girlfriend. I understand him. I supported everything he did. I loved him. No,I still love him.

Through his success and failures, I was there. I witnessed it. I was there when he cried so bad because his beloved grandma died. I was there when her Mom perfected her sushi and fed it to us. So much happiness. I was there when he bought his dream car. When he taught his nephew how to drive a car and they ran over someone's garden. We were laughing our asses out to see the owner let her dog chase us down the street.

I was his crying shoulder. His sunshine. His cheerleader.

Why? I can't understand why.

After all these years, why? And how did he make it look so easy?

I cried harder. Basang-basa na ang balikat ni Sab sa luha ko. Nakakahiya.

"Love isn't like it is in books Erin"

Yan din ang sinabi ni Mama sakin noon.

I never believed her. I was so busy living my life while believing I can be Cinderella that could live happily ever after together with her Prince.

Bullshit.

I managed to stop crying at hinarap ko si Sabrina.

"Alam ko Sab. Alam ko. Thank you"

I hugged her again and tumalikod na para pumunta sa kwarto.

Pagdating ko ay mahimbing na ang tulog ni Sophie.

I immediately embraced my bed, cried AGAIN, and promised myself that I will get over him and start anew.

"Lord, grant me strength please." was the last words I whispered before sleep took me.

A TABLE FOR TWOWhere stories live. Discover now