Flashback

146 7 0
                                        

Part 11

Sophie

Well, nasa state ng shock ngayon si Erin na nakasalampak sa kama niya.

Hindi na siya muna namin kinulit kasi baka mabaril kami nun! Hahaha.

Tumayo ako at lumabas sa may veranda.

I clearly remember what happened last night.

Flashback

"Hala. Namatay!"  Ang oa ni sab.
"Oh anong sabi? San daw ba pumunta?" Tanong sa kanya ni Theresa.

Kanina pa kami dumating ngunit walang Erin kaming dinatnan dito. Lights off.
Asan siya?

"Lalaki ang sumagot ng phone niya Soph!! Omg! Baka kung ano na ang nangyari sa kanya!" Paghyhysterical ni Sab.

I held her shoulders.

"Calm down. Ano daw ang sabi?" mahinahon kong tanong  sa kanya.

"He said, magkasama daw sila ni Erin sa lobby ngayon tapos tinanong niya kung anong floor tayo kasi ihahatid niya nalang daw kasi hindi makalakad ng maayos si Erin. HE SAID SHE'S DRUNK." Walang prenong sabi niya samin.

What the hell? Hindi ako mapakali. Ano ba ang ginawa mo Erin Trinidad?

"Okay. Hintayin muna natin after 15 minutes. Kung walang dadating after nun ay tumawag na tayo ng pulis, okay?" I managed to calm down and think properly. I pray and I hope that what that guy  said was true.
Kapag ginalaw niya kahit hibla lang ng buhok ni Erin, mapapatay ko siya.

Tumango naman silang lahat. Aligaga kaming naghihintay na may magdoorbell.

"What if sa labas na lang tayo maghintay?"  suggestion ni Angela.
Hindi na kami naghintayan at agad na lumabas.

After 10 mins...

Palakad-lakad si Sab. Mukhang iiyak na ata to eh.
"Sabrina. Will you sit down please? Hindi yan makakatutulong." Sabi sa kanya ni Theresa.  Which is tama naman. Pag magpabalik-balik ba siya diyan ay bibilis ang pagdating ni Erin?
Hindi naman. Sasakit lang ulo niya. Pati na rin kami.

After 5 mins...

Wala paring Erin na dumadating.

I was about to call my Dad's number when we saw a guy carrying her in a piggy backride.

What shocked me is that, siya yun. Yung vocalist kanina sa bistro. Hindi pala guy. -______-

How did they meet?

Agad namin siyang nilapitan...

Kitang-kita ang gabutil na pawis sa kanya. At basang-basa na ang gray niyang shirt ng pawis.

Goodness. Erin, ano bang ginawa mo?

"Omg. Sorry talaga. What happened?" Tanong sa kanya ni Sab.

Halatang nahihirapan na siya sa lagay niya.

Shit! Oo nga pala! Under renovation ang elevator. So inakyat niya yung 3rd floor? Habang sakay si Erin? Goodness.

"Wait. Ipasok mo muna siya. Kami na ang bahala sa kanya" Sabi ko sa kanya.

Binuksan ko ang pinto at pumasok na kaming lahat.

A TABLE FOR TWOWhere stories live. Discover now