Forget and forget and forget

239 5 0
                                    


Part 7

Erin

I woke up with puffy eyes. Ako na ba ang susunod na Gollum sa Lord of the Rings? Geh. Tumawa naman kayo.

Well, what a beautiful day to forget---


Wait. Parang may nasusunog...


Forget what I said. Binabawi ko na. Goodness gracious.

Napabalikwas ako sa kama at tumakbo papuntang kusina.

Naabutan ko si Theresa na tinatapunan ng isang baldeng tubig ang umuusok na pan.

Oh my gosh!

"What the hell are you doing?!" agad kong kinuha ang balde kay Theresa at tiningnan kung ano ang niluluto niya para gawin niyang swimming pool ang kusina nila.

"I was trying to cook pancakes." Nang dahil sa pancake? Freaking pancake? Sana ginising niya na lang ako para hindi na siya nahirapan. Jusko.

Biglang pumasok ang nakapajama pang 3 na may hawak na rin na tubig. Si Sophie at Si Angela na may tig-isang balde. At si Sabrina na may isang basong dala. At handa na rin sanang ibuhos ang tubig na dala nila kung hindi pa nila ako nakita.


Napasampal ako mentally sa sarili ko. Phew.

"Okay na guys. I got it. Napatay ko na ang apoy. He-he-he?" sabi ni Theresa na naka-peace sign.

Mababaliw ako pag sila ang kasama ko araw-araw. Kayo rin naman siguro. Trust me.

"Linisin na natin to. At hayaan nalang si Erin na magluto. DON'T EVER COME NEAR THE KITCHEN AGAIN FOR GOODNESS SAKE THERESA! AT SAYO NA RIN SABRINA. Maaga akong mamamatay dahil sa inyo eh" Okay. Princess Sophia has spoken. Lol. Siya kasi ang pinakamatanda sa amin eh. Kumbaga siya ang mommy.

Tumango na lang si Theresa at Sab.

"Guys. I don't wanna die in a fire okay?" dagdag naman ni Angela sabay tulong kay Sophie sa pagmamop ng sahig.

Pagkatapos naming linisin ang buong kitchen ay nagluto na ako ng almusal namin. Pancakes at coffee solve na kaming lima sa hindi rin naman kami natagalan. Habang kumakain ay sinusulyapan ako ni Sab. Lol.

"Sab. I'm freaking okay. Stop oggling at me. Trust me. Naiyak ko na lahat kagabi." Sabi ko sa kanya.

"Bakit? What happened? Grabe kayo ha. Share naman diyan." Sabi naman ni Sophie.

I eyed Sab and hoping na magegets niya ang ibig kong sabihin na wag na lang niya sabihin sa kanila.

"She cried again" Yan lang ang isinagot niya sa kanila. Thank God at nagets niya!

"Ang gago rin kasi ni Damon no? Sarap upakan yun eh. Ba't di mo nalang kasi ijudo yun friend?"

"Abno ka ba? Hindi pwede. Sayang lang ang lakas ko" sagot ko naman kay Angela.

"OMG! You seriously agreed right? I mean, noon if naiinis kami kay Damon at minumura siya eh todo depensa ka. Anyare?" tanong sakin ni Sophie na may halong pagtataka. They are eyeing me suspiciously. Lol.

"I had a change of heart. And mind of course. Ano ba kayo. Grabe lang talaga siya. Hahaha. " Nagising ako sa katotohanan na may mga bagay na dapat kalimutan at ibaon na lang sa limot. Di talaga bagay sa akin ang pag-eemote. Omg. Haha.

"Good! We'll enjoy our stay here! So eto ang itinerary natin ngayong araw. 1st, pupunta muna tayo sa Crocodile Park. Malapit lang siya so hindi tayo mahihirapan." sabi samin ni Theresa.

A TABLE FOR TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon