Define awkward

118 6 0
                                    

Part 19
Erin

"Look at her and how she smiles
As we go driving for a while
In the open window of my car and,
As we go the traffic lights" ♪♪♪

Are you kidding me?
Passenger Seat pa talaga ang music ha.

I was distracting myself by scrolling through the newsfeed of my facebook, but hindi sya effective. Pramis.

Ikaw ba naman ang may kasamang artista sa loob ng sasakyan? And to think that she knows maybe 3/4 of my secrets.

"So...." sabi niya na ikinagawi ko sa kanya.
"Ano nga pala ang bibilhin mo?" She said to cut-off the long silence na namamayani samin mula pa kanina sa condo.

"Uhm. The usual, ingredients para sa mga lulutuin and basic necessities. He-he" sagot ko sa kanya.

Tumango-tango lang siya. Hay nako. Ang hirap naman nito.

"Ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. Ice cream. I made a deal with my sis and I have to buy her an ice cream to compensate" sagot naman niya sabay smile at hindi inaalis ang mata sa unahan.

Syempre, baka mabangga kayo Erin! Utak naman.

Awkward silence.

Nagpark siya at sabay kaming pumasok sa mall.

May mga matang tumitingin at alam na alam ko kung bakit. And we are really catching their attention.

I should have said no. Tss.

I stayed away from her to make the people see that we're not acquaintances but nagulat ako ng hinila niya ako.

I was stunned.

"Hey, wag ka masyadong lumayo. Sabi ni Sophie ingatan kita eh" sabi niya at binitawan na ang kamay ko na kanina lang ay hinawakan niya.

What? What? Whattttttt?!

"I'm not a kid for goodness sake. Haha." Natawa na lang ako sa isang to, siniseryoso na lahat ng bagay.

"I'm just doing my responsibility" Sabay kibit balikat na sabi niya.

Papunta na kami ng grocery nang may mahagip ang mata ko sa may cashier. Dali-dali akong naglakad at iniwan si Kaye.

"Dame?" Yan ang tawag ko sa kanya noon.
Mukhang nagulat naman siya ng nakita niya ako at napabitaw sa kasama niya ngayon.

Yung Karen ata? I don't care who she is.

"Siya ba?" Tanong ko sa kanya.
Guilt evident in his eyes. Her girlfriend was about to say something but he stopped her.

"Let's not talk here" sabi niya.

Galit na galit ako. At anytime soon ay tutulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Lecheng luha oh, hindi ka ba nauubos?

Naramdaman ko naman na tumabi sa akin sa Kaye na mukhang nagtataka na naman sa mga pangyayari.

Nung nabalot na ang pinamili nila, we headed towards the parking lot.

Wow. Ako pa talaga ang nag-adjust? Clap your hands everybody. Ako na ang isang malaking tanga.

I just want to hear every word he says to explain why, why the hell did he leave me hanging?

He told her girlfriend to wait in the car. Pumasok siya sa driver's seat. Wow. He NEVER EVER let me drive when we were together. Tapos ngayon?

And Kaye was patiently waiting sa kabilang lane in her car too.

"Now, explain" Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Erin..." Malumanay na sabi niya sakin at napabuntung hininga.

"I'm sorry. It's not you-" I cut him off.

"Putangina! Wag mo akong daanin sa gasgas na linya na yan Damon! It's not you, It's me? Ganun ba? Ano to telenobela? Parang awa mo naman Damon oh, ibalato mo nalang to sa tagal ng pinagsamahan natin..."
Hindi ko na talaga kaya at sumabog na ako. Ang sakit sakit na. Gusto ko siyang tadyakan, suntukin, sampalin ngayon ngunit hindi ko kaya. Mahal ko parin ang gagong to. Mahal na mahal.
I'm having thoughts of begging him to come back to me. Pwede bang ako na lang? Hindi ko talaga kaya.

"I'm sorry Rinrin......" Narinig ko ang paghugot ng hininga nito.
"Sasabihin ko naman sayo eh. I was looking for a chance to say it but.."

"So, niloko mo ako? Ganun ba? Ganun na lang ba yun Damon?!" Parang may libo-libong karayom na tumusok sa dibdib ko na hindi ako makahinga.
Parang pinipiga ang ang kaluluwa ko na para akong pinapatay. I badly miss him. And its hurting me, down to the core.

Matagal bago siya nagsalita. Napapikit siya.
"I'm sorry Erin. I loved you. Hindi ko ginustong masaktan ka, I swear-"
Nahinto sya sa pagsasalita ng dumating si Kaye at hinawakan ang kamay ko.

Ghad. I want to hug this person. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya.

"Alis na tayo Erin. I'm hungry" sabi niya sabay hila sa akin.

Naguguluhan ang tingin ni Damon sa kamay na hawak ako ngayon.

Medyo kumalma ako.

I thank this person na hawak ngayon ang kamay ko. At parang ayoko nang bitiwan niya ito.

Hinila niya ako paalis sa parking lot. Hindi ko binitawan ang kamay niya.

Nang pinakawalan niya ang kamay ko ay napasandal ako sa pader at biglang bumalik ang sakit na kanina ko pa iniinda. Ang nakamamatay na sakit.
Napahagulgol nalang ako.
She hugged me.

Napaangat ang tingin ko sa kanya na wari'y nagtatanong.

"I don't care kung mabasa man ang damit ko. Cry all you want" sabi niya na ikinalakas naman ng iyak ko.

Damn it. She have seen another side of me. My vulnerable side.

A TABLE FOR TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon