Ohana

151 9 0
                                    

Part 13
Kaye

"Ba't ngayon ka lang?" Yan ang bungad sakin pagdating ko sa bahay.

"Aba. Tumabi ka nga dyan. Daig mo pa si Mommy eh" sabi ko sa nakababata kong kapatid at ginulo ang buhok niya.

"Langhya. ATE!" sigaw naman niya.

"Maaa! Andito na ko!" binaba ko ang mga gamit ko sa sofa at pumunta sa kusina.

Nangangamoy kasi ang pancit malabon na niluluto ni Mama. Alam na alam niya talaga ang gusto ko.

At tama nga ako. Hinug ko siya sa likod at nagulat siya.

"Susmaryusep Kaye. Wag ka namang manggulat!" Pinalo niya ang kamay ko at humarap sa akin.

"Miss you Ma!" sabi ko kanya at hug ulit.
Hinawakan niya ang mukha ko at niyakap din.
Hay. Namiss ko talaga to.

"Ba't parang pumayat ka ha? Hindi ka ba nila pinapakain ng maayos dun?" Tanong niya sakin habang nilalagay sa pinggan ang pancit malabon.

"Ayaw mo ba nun ma? Gumagwapo na nga ako ngayon eh" natatawang sagot ko sa kanya.

"Ikaw parin naman ang pinakamaganda dito sa bahay" sabi naman niya at nilagyan ko ng pancit sa pinggan ko.

"Ganun? So kinalimutan na ako? Ma, paano naman ako?" Hahahaha.
Pagdadrama ng kapatid ko na kakapasok lang at inagaw ang pinggan ko.
Sinita siya ni Mama at binigyan ng sarili niyang pinggan.

"Kumain ka muna. At magpahinga na, tatawagin ko lang ang Papa mo. Tulog pa siguro yun" sabi niya at inalis ang apron niyang suot.

Tumango lang ako.
Ang sarap talaga ng pancit malabon ni Mama! Ay nako, kung may makapantay sa luto ni Mama, papakasalan ko na. Hahahaha.

"Oh, ba't hindi ka nakauwi kagabi?" Tanong sa akin ni Kamila.
Naks kamila. She's currently a third year student, Architecture ang major niya at varsity player sa volleyball sa NU. She's boyish kaya hindi bagay ang Kamila.

"May inasikaso lang" sagot ko sa kanya habang sinisimot ang panghuling subo ko ng pancit.

Tinaasan niya lang ako ng kilay niya.

"Ako pa talaga ha? Sabihin mo mamaya" sabi niya at tumayo para ilagay sa sink ang pinggan naming dalawa at bumalik sa kwarto niya.

Bumalik si Mama at kasama niya na si Papa. Tinapik niya ako sa balikat.

"Oh kamusta? Kelan ka babalik?" Tanong niya at umupo sa harap ko.

"Grabe ka Pa. Kararating lang nga eh" sagot ko naman sa kanya.

"Ba't di mo kasama si Rochelle?"tanong niya sa akin.

"Doon na muna siya sa hotel. Babalik rin naman ako bukas dun. kakanta ako bukas sa Jack Ridge's Pa" sabi ko sa kanya.

"Ah ganun ba. Sige.Magpahinga ka naman Karen, mukhang nangayayat ka na ah" sabi niya at tumayo para magtimpla ng kape.

Si Mama naman. Ayun she's just listening and shooting me daggers from her look. What? At least umuwi ako ha. Hahaha.

"Kamusta si Vanessa?" Oh. Wrong question Mom.

Hindi agad ako nakasagot sa kanya. They liked her. Vanessa, the girl whom I love for almost three years already.
We're not in a relationship. But, its kinda like we're together. MU ba tawag dun?
She accepted me. My family accepted her. But. It all ends. Everything ends.
Sabi nga nila pag may katwiran, ipaglaban.
Well, I fought for her. But, I guess its still not enough. She left me. Hanging.
I now see that love is not for everybody.
Hahaha. I'm talking nonsense right?

"Okay naman siya Ma. She's currently studying law" sabi ko na lang sa kanya. I just can't blurt it out na hindi na kami nagkikita.
"Oh I see, what a nice girl. So, ano? Pinakilala ka na ba sa parents niya? Sabi niya sakin nung bumisita kayo last month ah" dagdag pa niya. Kung alam mo lang ma. She never even gave me a chance.

"Hindi ma. She ended things between me last month" ugh. I hate lying to her. Mas mabuti nang sabihin ko na ng maaga kaysa naman umasa pa siya. Edi dalawa na kaming umasa nun? Hahaha. Hindi ako bitter ples.

Nasamid siya sa iniinom niya. Sorry Mom.

"Ano? Ulitin mo nga? Tama ba ang narinig ko?" Pag-uulit niya.

Tumango lang ako.

"Ganun ba. Hindi ko alam kung bakit pero if she's not worth it then pakawalan mo na. Sayang pa din." Sabi niya sakin. Si Papa naman ay nakatingin lang. He must have understood what I feel right now at hindi na nagcomment pa.

"Sige ma. Akyat muna ako. Namiss ko na ang kwarto ko eh haha" Ayokong pag-usapan yun. Nagkiss ako sa kanya at umalis na papunta sa taas. Nasa 2nd floor ang kwarto namin ni Kamuy/Kamila, dinala ko na rin yung bag ko.

Naabutan ko siyang nakahilata sa kama ko. Tinapon ko sa kanya ang bag ko.

"Oh ba't nandito ka? Alam ko naman na namiss mo ko pero pwede naman kitang puntahan sa room mo eh. Hahaha. " sabi ko sa kanya.
She acted to throw up at umayos ng upo.
"Ew. Wag ka ng umasa please Ate. Asan na yung pinabili ko?" Sagot niya sa akin.
Yun naman pala. I know her so well.

"Oh eto na. Makakaalis ka na. Walang hiya! Hahaha." Binato ko sa kanya ang beats na pinabili niya pa sa akin sa Dubai last month nung nagconcert ako dun.

"Thank you tol!" Ngumisi siya.
"Ano pang hinihintay mo? May kailangan ka pa?" Tanong ko sa kanya. Parang ayaw pa ata niyang umalis eh.
"Spill. Anyare?" Tanong niya rin sakin.
I pretended not to hear it.
Binato niya sa akin ang unan ko.
"What?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Sasabihin mo ba o ipopost ko ang picture mong nakahubad ng baby ka?" Gosh. Ba't may kapatid akong ganito?

"Okay. Pwedeng magbihis muna?" sabi ko sa kanya.

After 5 mins...
Inaasahan ko na wala na siya paglabas ko ng banyo pero ayun sya, prenteng nakaupo at kinakain ang bibingka na binili ko kanina lang.

"Angduga mo talaga Kamila ha!Ang baboy mo na" sabi ko sa kanya at inagaw ang isang pirasong bibingka na kinakain niya.

"Oh tapos? Ano na? Ba't hindi ka nakauwi kagabi?" Nakataas ang kilay at bored niyang tanong sa akin.

I have no choice then. I told her everything.

A TABLE FOR TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon