Part 31

129 2 0
                                        

Part 31

Kaye

Napakasakit ng ulo ko ngayon. At ang bigat ng pakiramdam ko.

Anong oras na ba?

I checked my phone.
12:15 p.m.

At may 5 unread messages.

I mentally cursed. My appointment ako ngayon. Hindi ko pwedeng ipagpaliban to.
Its not the right time para magkalagnat ako.
I helped myself out of bed and pumunta sa kusina.
Nagluto kaya sya?
Mukhang hindi kasi hindi nakakalat ang mga gamit.
Nagbukas na lamang ako ng fresh milk at uminom.

Tinext ko muna si Erin.

"Hey, pasensya hindi kita nagising kanina. I had a fever. Kumain ka na ba?" And hit send.

Ang sakit talaga ng ulo ko.
Binuksan ko na rin ang ibang messages at nagtext kay Manager.

Where's the thermometer?
Hinanap ko na sa lahat ng lalagyan pero hindi ko pa rin makita.

Tinext ko si Erin ulit.

"Kumain ka ba? San mo nilagay ang first aid kit? I need the thermometer."

I waited for five minutes at hindi parin siya nagrereply.

Itutulog ko nalang siguro muna ito.

-
I woke up an hour later feeling even worse. Parang tumaas ang lagnat ko kasi hindi na ako makatayo kasi sobrang lamig. Nakapatay naman ang aircon ah?

I managed to get my phone at tinawagan ang taong nasa recent calls ko.

"Hello?" Si Erin.

Sinubukan kung magsalita ngunit namamalat ang lalamunan ko.

"U-hh hello?" Bungad ko sa kanya.

"Anong nangyari sa boses mo? Asan ka ba?"

"Sa bahay, may----

Narinig ko sa background na may pumasok sa office niya at binati niya ito ng Good Afternoon.

May kausap ka ata?

Ahh, wala naman po. May kailangan po kayo?

Yung papers na pinadala ko kanina para ireview mo, have you finished it already?

Uhh, hindi pa po. Ipapadala ko nalang po sa office niyo.

Okay, ipapakuha nalang dito kay Kim para hindi ka na pumunta doon.

Ah okay po Ma'am.

Narinig ko na umalis ito at kinuha na ulit ni Erin ang phone niya sa pagkakatago.

"Sorry ha, bawal phonecalls during office time. Anyare sayo?"

"Ugh, masakit lang ulo ko. San mo ba nilagay ang medical kit?"

"Ano bang ginawa mo kagabi? Nasa drawer sa kusina, second to the right"

"Ahh, wala naman. Sige, kaya ko na. Magconcentrate ka na dyan"

"Ahh, okay. Sige, bye. Ingat"
*end call*

Sinungaling ka talaga Kaye, wala ka dyan.

Lumabas ako kagabi kasi nagkecrave siya ng ice cream. Ewan ko ba, every time na may ginagawa siya, ice cream ng ice cream.
Pag ito talaga tumaba. Bahala sya! Hahaha.

Ayun, puyat ako kagabi tapos umaambon ng konti.

Dumiretso na ako sa kusina at kinuha ang kit. Nilabas ko ang thermometer at bumalik ulit sa kama ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A TABLE FOR TWOWhere stories live. Discover now