Landi: 3

4K 61 2
  • Dedicated to Mikee Antonette
                                    

Akane Marie Sachiko

Monday na naman.

Full load na naman ang sched ko huhubelsss.

Anong oras na? Imbis na vacant ko ngayon at kumakain ng lunch, eto ako ngayon, sa SC room at inaayos 'yung aming mga upcoming events for the month.

'Di ko alam kung saan ko ipaglalalagay na date 'tong mga event na 'to. Baliw kasi 'yung President namin. Kung ano-anong event ang isinuggest sa faculty na in-approved naman nu'ng mga admins. Tss!Ako tuloy pinakanahihirapan.

Sino ba kasi ang mga bumoto sa'kin? Alam niyo bang isang sapilitang pagtakbo lang ang ginawako dito sa student council? AYOKO TALAGA NITO! I want a peaceful life! Huhuhu! Asan ang hustisiyaaaaaa? Asaaaaan?!

CHARAAAARAAAAT! Hehehehe.

Hmmmm. Eto ang event this month: BUWAN NG WIKA

Hala sigeee.

Mahina ako sa Filipino tapos eto pa 'yung natapat event sa'kin. Haaaay buhaaaay...hirap maging mabait.

Nagii-scan ako nang nakita kong may appointment nga pala ako sa editor nu'ng school paper naming. Nyemas! Ngayon ko lang naalala.

Ba't kasi nasa baba nu'ng listahan 'yung mga updated na appointment, eh.

From Mikee:

Hey, Can't come. Got classes see you na lang after school.

Ay, teka?

Oo nga pala. Si Mikee naman ang editor so bakit ako magmamadali?

Ibig sabihin we can discuss naman 'to sa bahay mamaya.

NAGLALAKAD ako nang bigla akong may nakabungguan dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Ouch!" Enebe! Masakit'yun, ah!

"Miss, nasaktan ka ba?"

Nagsalita ako habang pinupulot ko ang mga gamit ko at ang mga laman ng bag kong nagkalat sa sahig. "Ay, hindi. Hindi ako nasaktan. Masarap matumba. Gusto mo? Try mo rin?"

Hmmmm pero imperbyu mabangooo. Sarap amuyin.

"Excuse me? Kung okay ka lang sige mauna na ko," aniya.

Ay, bastos? Ni hindi nga niya ko tinutulungang mag-ayos ng gamit ko.

"Oh, sure mauna ka na basta 'pag may nakasalubong ka matututo kang mag excuse and if 'pag may nabangga ka sabihin mo sorry kasi nag-e-exist 'yung mga word na 'yun. Okay? Adios!" sarcastic kong sabi habang pinapagpag ko 'yung pwetan ko. Sakit kaya. Puti pa naman uniform ko. Hindi ko na siya tinignan, tinalikuran ko na agad siya para sana maglakad na palayo kasi nagugutom na talaga ako pero napahinto ako nang bigla siyang nagsalita

"Sorry, Akane, nagmamadali kasi ako. Bawi na lang ako sa susunod sige bye! Text na lang kita."

E? Tinignan ko siya pero wala, eh, nakaalis na siya. Pero bago siya lumayo lumingon pa siyasa'kin at kumaway.

Pakinteyp!

Si MIGGY!

Buset! 'Di niya alam 'yung salitang sorry kung hindi ko pa sinabi.

Naglakad na lang ulit ako. This time nakatingin na talaga ako sa dinadaanan ko, baka kasi mamaya may bumangga na naman sa'kin kawawa naman 'yung katawan ko.

Narinig kong tumunog 'yung phone ko.Halaaaa! Tumatawag si Nico Babeee.

'Pag kasi 'Thousand years' ang tumutunog sa phone ko meaning siya'yung tumatawag kasi siya lang 'yung iba 'yung ringtone 'pag tumatawag kasi 'yung isa kong ringtone for regular caller is 'Since You've been gone' ng Pitch Perfect.

When Landi Meets Hinhin (Published)Where stories live. Discover now