Landi: Epilogue

2.1K 33 31
                                    

FOLLOW ME ON TWITTER: @STRABERRYBLENDS

ENJOY READING!!!

Kindly leave a comment and click vote thank you!

Play the song fly to your heart ni Selena Gomez.

XXXXXXXXXX

AKANE's POV

iIang araw na yung lumipas.

ilang araw na rin akong di pumapasok.

nung nalaman nila na umuwi ako mag-isa ay nagtext sila. Si Marian at Mikee ay naiwan pa dun dahil yun ang gusto ko. ayaw ko naman maspoil yung bakasyon nila dahil sakin.

Pag uwi nila ng Manila ay ako agad ang pinuntahan nila. Si Shannia dito sa bahay ko natutulog. dinadalaw naman ako ni Clarine. Si Mikee at Marian naman ay pumunta sa bahay at inaabutan ako ng mga notes para hindi ako mahuli sa class dahil ilang linggo na lang finals na.

nilagnat ako dahil nagpaulan ako nun.

hanggang ngayon walang humpay ang mga mata ko sa pag iyak. namamaga na ito.

naaawa ako sa mata ko dahil walang ibang ginawa kundi maglabas ng mga luha.

Nanjan yung tulala ako, maayos sa umaga pero pagdaating sa gabi hindi ko maiwasang hindi umiyak. Kung hindi kaya ako kinausap ni Candy magagawa ko kayang iwan si Miggy? matututunan ko kayang maging selfish at sarili ko lang ang iniisip?

nabalitaan kong umalis na rin si Candy papuntang Australia.

Si Miggy naman ay wala akong balita.

as much as possible hindi nila binabanggit si Miggy.

hindi pa ko nagkukwento sakanila dahil di pa ko handa. Sariwang sariwa pa rin yung sakit. doble dobleng sakit ang nararamdaman ko.

isang araw na sobrang hindi ko nakayang magkulong sa bahay ko ay lumabas ako at umalis.

"My, Dy, bakit ganon? ako na *sniff* naman ang kailangn *sniff* magsakripisyo. ang *sniff* hirap po palang magmahal ng walang hinihinging kapalit. dapat alam mo kung saan ilulugar ang sarili mo." para akong tanga na umiiyak habang kinakausap ko ang puntod ng mga magulang ko.

"bakit po kasi kailangan natin masaktan? di ba pwedeng magmahal ng hindi nasasaktan? sukong suko na po ako hirap na hirap na ko, My, Dy. Miss na miss ko na rin po kayo" pumatak ang luha ko sa lapida nila.

Akala ko tapos na ang pagiging miserable ko. hindi pa pala masakit masyado sa puso. tagos hanggang kaluluwa eh. parang paulit-ulit akong sinaksak ng punyal.

pagkauwi ko ay naabutan ko si Mikee at Marian sa kwarto ko.

Nakita nila yung mga nagkalat na pictures namin ni Miggy sa kama ko.

"Ano 'to ukelele? akala ba namin okay ka na? sinasaktan mo lang ang sarili mo eh." galit na turan ni Mikee.

"Alam mo nakakainis ka na! Nasasaktan ka na pero ano? mas sinasaktan mo sarili mo. iiyak ka, maggdadrama ka pero ginusto mo naman di ba? ikaw ang nagdesisyon na lumayo." naiinis na sabi ni Marian.

nakatungo lang ako.

"okay na eh. tanggap na namin si Miggy kasi nakita namin sa mga mata niya kung gano ka niya kamahal. isa kang malaking TANGA. STUPID. ENGOT. ENG-ENG. BALIW. Lahaaaaat naaaa! ikaw na teh! Dapat sayo may MASOKISTA OF THE YEAR AWARD. Sinagad mo eh. alam mong masasaktan ka naman." niyakap ako ni Mikee.

alam ko kahit naiinis sila nangingibabaw pa rin yung pag aalala nila sakin.

"isa kang dakila. DAKILANG TANGA. Ni hindi mo manlang sya pinaglaban. Eh mahal ka naman nya. ang mali kasi sayo pinangunahan mo sya" para akong sinampal sa mga salita nila.

When Landi Meets Hinhin (Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora