Landi: 6

3.4K 55 3
                                    

Marin Grace Elizarde

HELLO, guys!

Ako nga pala si Marian Grace Elizarde. Isa ako sa mga bestfriends ni AkanengBaliw. Hahaha! Oo, baliw 'yun. Minsan may sapi, minsan lakas tama. Sa kasamaang palad isa akong nursing student. Arrrruuuuuy!'Yung parents ko? Hmmm... Ayun okay naman sila. Nasa bahay masaya sila, eh. Si Papa nagtatrabaho bilang Project Manager sa isang architectural firm then si Mama naman ay housewife lang. Ayos lang naman 'yun. Lima kaming magkakapatid. Deeeebuuuh? Lakas makalahi ng ama ko? Hahaha! May kapatid ako, si Mary Rose Ann, Maria Rochella, Marie Nicole at si Mark Angelo. Oo, mahilig sa letter M 'yung otor-este 'yung parents namin. Pangalawa ako sa aming magkakapatid. Pero anyway, hindi naman sila kasali sa kwento so back to track. Isa akong scholar!

Scholar ng nanay at tatay ko! Hahaha!

Anywho, anong oras na ba? Hmmm...7 PM palang at ngayon pa lang ako nakauwi galing sa bahay nila Akane? Okay lang.

Dere-diretso ako sa kwarto ko at umupo agad sa harap ng PC ko. Binuksan ko agad 'yung twitter at FB ko. Langya 'tong si Joshua! Uupakan ko na 'to pigilan niyo ko. Puro tweets at puro pang-aasar lang ginagawa nito sa fb ko, eh.

At dahil sa inis ko, I blocked him! Hehehe.

Ayoko.sa.makulit.intiendes?

♫Maybe I need some rehab
Or maybe just need some sleep
I got a sick obsession
I'm seeing it in my dreams
I'm looking down every alley
I'm making us desperate 'cause
I'm staying up all night hoping
Hitting my head against the wall

MikeeBels Calling...

"Bading?" pambungad niya.

"Ka?"

"Tado."

"YOU?"

"Pakers. The reason why I called 'coz you need to see me NOW!"

"Why would I?"

"Kasi maganda ako.""

"Mukha mo." Pinagtitripan na naman ako ng babaeng 'to.

"Maganda nga."'

Ayun! Ganyan 'yan nagsasayang ng load. Psh!

End call.

Pinatay ko na. Mambubulabog lang 'yun sa mapayapa kong gabi, eh.

"Meow, meow..."

Ay pusang galang kinalbo!

Leshe 'yung alarm clock ko. Oo, ganitong oras po tumutunog ang alarm ko. 7:25PM. May inaantay kasi akong mag-online, eh,'yung crush ko. Hahaha!Jokeness!

Ang landi ko.

May inaabangan kasi akong palabas. 'Yung sa cartoon network. Paborito namin ni Akane.

MAYA-MAYA pa ay may kumatok.

"Tuloy," sabi ko sa kumakatok.

"Hoy, bruha. I told you, you need to see me NOW," sabi ni Mikee.

Kakababa ko lang ng phone andito agad?

"Bakit nga?" iritadong tanong ko.

"Kasi aayusan mo ko ng buhok," sagot niya.

Naku! Hula ko may lakad na naman 'tong bruha na 'to. Psh!

HABANG inaayusan ko siya ng buhok ay text siya nang text. Naku 'tong babaeng 'to talaga, eh.

When Landi Meets Hinhin (Published)Where stories live. Discover now