Landi: 30

2.3K 32 0
                                    

Please READ, VOTE && COMMENT!

follow me on twitter: @StraberryBlends

I love you guys!

COMMENT LANG GUSTONG MAGPADEDIC

Dedicated to Bebe MeyAnn :"> Miss na kita teh!. Lovelove! <3

xxxxxxxxxxxxxxx

MIGGY's POV

"Tol dalian mo naman late na tayo." Pagmamadali sakin ni Josh

"Saglit lang wag kang excited" sabi ko sakanya kasi naghahanap pa ko ng bagay na tie para sa suit ko.

Pauso naman kasi si Marian at Mikee kaylangan daw yung una eh kulay cream tapos binigyan pa kami ng costume ni Josh mukang dwende kami -__-

"Tara na." Sabi ko. Chineck ko rin muna kung nasa kotse na ba yung regalo ko kay Tibo.

Pupunta kami ngayon sa Surprise Birthday party para kay AkaneBabes. Pati yung mga taga Bubble's Cafe binigyan na ng invitation ayun yung inabot ko kay Tita Yuri kahapon.

Kasali kami ni Josh na nagprepare para sa debut ni Akane. Yung akala niyang nasa probinsya yung mga kaibigan niya pero hindi naman kasi busy sila sa pag-aayos sa birthday niya.

"Daanan na naten yung cake or ipadeliver na lang?" Tanong sakin ni Josh

"Ipadeliver na lang para kung masira sa daan sila may kasalanan." Tama naman ako diba?

Birthday ngayon ni Sweetie at kasali ako sa 18 roses. Kami na rin ni Josh yung may sagot sa cake niya.

Makikita ko pala ngayon yung syota niyang shokoy. Tsk

nakarating kami sa event place at nakita kong sinasalubong na ng parents ni Akane yung mga guest.

"Hi tita" bati ko pagkalapit namin sakanila.

"Miguel Hijo kasama mo pala si Josh. Hello Josh" Bati samin ni Tita Beth yung mommy ni Akane

"Hello din po tita" Bati ni Josh.

"Uy Andito na kayo. Asan na yung cake?" Sabi ni Marian nung lumapit kasam si Mikee

"Hi Babes!" Ngiting ngiti na bati ni Josh. Tangna talaga neto patay na patay kay Marian.

Pumunta na kami sa hall at inabot yung gift sa nagaayos dun para kay Akane.

"Tara sa photobooth!" Biglang hila samin ni Mikee at Marian.

Ang dami ding kuha nun. lalong dumadami yung tao. Nakita ko rin yung mga taga Bubble's Cafe kumpleto sila sa isang table.

Namatay na yung ilaw at magsisimula na yung party. Nagplay na rin yung ibang clips ng random pictures ni Akane sa projectors and LED.

pumalakpak na yung Aiji na kababata ni Akane at bumukas yung ilaw.

Ang ganda niya sa suot niyang Red and Black na ballgown. Muka talaga siyang isang prinsesa.

Dahan dahan siyang bumababa sa hagdan. Lumuluha siya pero aninag pa rin yung saya sa mga mata niya.

Nakapulupot yung kamay niya sa braso ng syota niyang shokoy -__-

habang bumababa siya ay di ko maiwasang hindi humanga sa natural na ganda niya bonus pa yung magandang kalooban niya.

simple lang yung make-up niya pero mas lumabas yung tunay niyang ganda.

"Pre, She's really beautiful." Sabi ni Josh

"Oo nga eh. That guy is so lucky." Comment ko pa.

Ang tanga na lang ng lalaking yan pag iniwan pa si Akane.

When Landi Meets Hinhin (Published)Where stories live. Discover now