Landi: 27

2.4K 31 4
  • Dedicated to Christine Cervantes
                                    

Sana basahin nyo rin yung ibang story ko.

Please READ, VOTE && COMMENT!

follow me on twitter: @StraberryBlends

I love you guys!

COMMENT LANG GUSTONG MAGPADEDIC

xxxxxxxxxx

AKANE's POV

"Hi Dear cousin! Good to see you." Bati sakin ni Sev pagbukas ko ng pinto.

Ano naman ginagawa neto dito?

Hindi naman to nagpupunta dito unless may kailangan siya eh.

"Pasok ka." Sabi ko sakanya at nilakihan yung bukas ng pinto.

"Oh may bisita ka pala dito" Sabi niya nung nakita niya si Miggy sa sala

"Oo. Siya nga pala si Miggy. Kaibigan ko." pagpapakilala ko

"Miggy si Sev pinsan ko" Baling ko kay Miggy na nakatayo lang.

Tumango lang siya at binalik na yung atensyon sa pagpili ng kanta sa song list.

Remember? Nagvivideoke kami.

umupo naman si Sev sa sofa at tinaas pa yung paa sa center table.

MANNERS PLEASE!

"Anong kailangan mo, Sev?" Tanong ko sakanya

19 na si Sev tapos si Clarine naman ay 18 at ako naman ay turning 18 in less than two weeks time.

Nagtataka kayo kung bakit mas matanda si Sev sakin no eh yung Mom ko ang panganay sa magkakapatid? Hahaha. Kasi matagal daw bago ako pinagbuntis ni Mommy sabi nila at sa Japan na daw ako pinanganak.

"Pag ba pumunta ako dito kaylangan may dahilan agad? Di ba pwedeng Gusto ko munang kamustahin ang napakaganda kong pinsan?" Sabi niya pa sakin at tinignan ako

Tumaas naman yung balahibo ko sa tingin niya. parang may kakaiba

nakakapanibago kasi

"As far as I know, never kang pumunta dito para kamustahin ako." at pumunta ako sa kusina para kumuha ng merienda.

"Oh, okay ka lang bading?" Tanong ko kay Miggy pagbalik ko sa sala.

Di na naman kasi maipinta yung muka niya eh.

"Oo ayos lang ako." Tumayo siya at kinuha yung dala kong tray.

"Salamat." Simpleng sabi ko.

Si Sev naman ay nakamasid lang samin

"Alam ko na!" Biglang bulalas ni Sev.

Nagulat naman ako kasi with matching tayo pa yung ginawa niya eh na parang nakasolve ng napakalaking misteryo.

"Huh?!" Kunot noo kong tingin sakanya

"Naalala ko na kung sino siya." Sabay turo niya kay Miggy

"Si Miggy nga yan kaibigan ko." paliwanag ko sakanya

"Hindi. Siya yung kasama mo sa picture yung kumalat sa internet kasi nandun din yung picture ng syota mong hilaw sa Mall" sabi niya at nilagay pa yung kamay sa baba na tila nag-iisip

Di bagay Sev -___-

"Oh tapos? Yun lang ang ipinagparito mo?" Sarkastikong tanong ko sakanya

"Bakit ba parang ayaw mong nandito ako? Nakakistorbo ba ko?" Tanong niya pang nakataas ang kilay

When Landi Meets Hinhin (Published)Where stories live. Discover now