Landi: 34

2.2K 29 8
                                    

Thank you sa 14k na reads! I love you guys!

Dedicated to her. salamat po :">

Follow me on twitter! @straberryblends salamat!

Read, vote and comment! Loves you :*

xxxxxxxxx

AKANE's POV

Akala ko tapos na.

akala ko yun na lahat pero nagkamali ako.

May mas malala pa pala. ngayon ko nyo na talaga ako bigyan ng magandang rason upang hindi talikuran ang dyos.

"Akane, tara na sa bahay." Inakay na nila ako paalis sa puntod nila Mommy. kakalibing lang sakanila.

Tahimik lang akong sumunod. Hindi ko na magawang umiyak. Wala na tuyong tuyo na ang mata ko sa rami ng iniyak ko. walang araw at gabi na hini ako umiiyak sa mga nangyayari sa buhay ko. Ganito ba talaga? Pag nag 18 ang isang tao lahat ng masasakit mangyayari sakanya?

Ako lang ba ang nakakranas ng ganito o marami kami?

kanina pa nagpaalam sila Mikee.

Alam ko naman na may mga pamilya rin sila naiintindihan ko yun. di naman ako selfish para kunin sila sa pamilya nila.

Alam din nila na kailangan mag-usap ng family members namin. di ko alam kung tungkol saan pero malalaman ko rin mamaya.

pagkarating sa bahay ay naadatnan kong nasa sala si Atty. Reyes. yung family lawyer namin.

"Sumunod kayong lahat sa library" sabi samin ni Lola.

Lahat kami ay pumasok sa loob ng library.

Si Clarine, Tito Henry, Tita Thelma, Tita Mark, Tita Jean & Tito Dex syempre kasama ako at si Atty. Reyes

Si Sev naman ay ipinasok na sa rehab.

"Clarine, lumabas ka muna." Sabi ni Lola

"Pero bakit?" Tanong ni Tita Thelma.

"I said go out NOW!" pinagdiinan ni Lola yung salitang NOW kaya napilitang lumabas si Clarine.

"Sige Atty. Simulan na po naten." Sabi ni Lola pagkalabas na pagkalabas ni Clarine

"Eto ay ang katibayan ng last will and testament ng mag-asawang Sachiko." At binuklat ni Atty yung isang folder.

Binasa ni Atty yung mga article na hindi ko naman masyadong inintindi. I'm still mourning dahil sa pagkamatay ng parents ko.

pero may naka-agaw ng pansin ko.

"Lahat ng kanilang negosyo sa Japan at dito sa Pinas ay ipinamamana nila sa kanilang kaisa-isang anak na si Akane Marie Sachiko. Yung kanilang lupain sa Marinduque ay binibigay nila kay Thelma at kay Henry. Yung naman lupain sa batangas ay ibinibigay kay Mark at Jean. Ang mansion ng mga Sachiko sa Okinawa ay ipinangalan rin nila kay Akane. Ito ay nasa pangangalaga ng inyong ina na si Ginang Luisa Marquez. Ito ay makukuha lamang ni Akane pag siya ay tumuntong na sa edad na bente uno (21)" Paliwanag ni Atty. Reyes.

"ANO?! Bakit sakanya mapupunta ang lahat? Hindi maari to." Protesta ni Tita Thelma.

"Anong hindi? Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng mga Sachiko!" Sabi pa ni Atty.

"Pero AMPON siya! Isa lang siyang sampid sa pamilyang to!" Ipinagdiinan pa ni tita Thelma yung salitang AMPON na ikinagulat ng lahat.

At waring natauhan din siya dahil parang kahti siya ay nagulat din sa lumabas sa bibig niya.

When Landi Meets Hinhin (Published)Where stories live. Discover now