Landi: 45

1.7K 36 1
  • Dedicated to Mikee Antonette
                                    

follow me on twitter: @StraberryBlends

you can easily approach me. Need ko ng mga names for my new story wala akong maisip eh hahahah tweet nyo lang ako dun. Malapit na kasi matapos tong WLMH eh hahahaha.

dedicated kay Kylebeybs. yo bebe ayan naaaa~ hahaha Y(^_^)Y

Thank you for 39K reads! ang astig nyo guys pinapasaya nyo ko hahaha.

Read, Vote and Comment! Salamat!
xxxxxxxxx

AKANE's POV

"Again!!! isang pasada pa!" sigaw nung choreographer na nag -aasemble samin para sa blocking na gagawin sa Search for Miss A.S University at ang nakakainis dun, napilitan lang ako na sumali dahil baka ibagsak ako ni Miss Olifermo

"Pero Tricia, water break naman muna tayo. " sabi ni Arriane yung assistant ni Tricia.

"Nah. isang rampa na lang then break. okay c'mon! chop-chop everyone. go" sabi ni Tricia at lahat kami ay bumalik sa may backstage para mag umpisa ulit.

Nang matapos ang huling pasada ay nakita ko sa may pinto ng gym si Miggy at mataman akong tinitignan.

ngumiti ako at lumapit sakanya. napangiti siya at itinaas ang dalang plastic na hula ko ay may lamang pagkain at tubig.

Halos araw-araw na may practice kami ay parati niya kong dinadalhan ng snacks na pwede naming pagsaluhan.

"for you. food machine." natatawang sabi niya sakin.
sumimangot ako kasi magsisimula na naman siyang mang-asar.

"joke lang sweetie." bulong niya sa tenga ko.

HOLY MOTHER OF STRAWBERRIES!!!

Naakit ako kay Miggy twing bumubulong siya sakin using his husky voice.

tinulak ko siya.

ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Namumula ka na sweetie. pinagpapawisan pa. ganyan ba talaga ang epekto ko sayo? " tanong niya sakin.

automatikong napahawak ako sa mga pisngi ko. nakakainis lagi na lang akong ganito.

Lord, bakit naman po ganyan kayo? bakit ganito ang napili niyong mahalin ko? teka, anong sabi ko? mahalin? alam ko na sa sarili ko na mahal ko siya pero alam ko mali. half of me wants to love him back but half says its wrong. wrong dahil parang lumalabas na kabit ako. kahit hindi naman kami.

"wala kang practice?" tanong ko sakanya . malapit na rin ang finals ng inter-branch at pasok ang varsity team ng school sa finals.

"actually, meron pero dahil mahal kita pinagdala muna kita neto." Kung hindi sana ako nanggaling sa isang relasyong gumuho or kundi ko alam na may Candilyn siyang minamahal baka kiligin ako .

"kulang ka lang sa kain." sabi ko sabay subo ko ng piraso ng sandwhich sakanya.

"ang sweet talaga ng mahal ko. Sige sweetie alis na ko. kain ka muna ah." sabi niya at niyakap ako.

nakita kong halos mahulog ang panga ng mga tao sa gym sa ginawa niya. May mga nagbubulungan pero di ko na lang pinansin. Gwapo si Miggy at isa talaga siya sa mga lalaking tinitilian at hinahangaan sa school lalo na pag naglalaro ng basketball at sumasayaw. Yes. sumasayaw siya at ilang school event ko na rin siyang nakitang sumayaw ang syeeeet ang hot niya.

kumalas na siya sa yakap at nag lakad palayo. napailing na lang ako sa ginawa niya. Maya-maya tumigil siya at lumingon sabay sumigaw "Babe! I love you date tayo mamaya!" halos lumubog ako sa kinatatayuan ko sa ginawa niya. narinig ko yung mga panunukso ng mga tao pero may mga iba rin akong narinig na di maganda.

When Landi Meets Hinhin (Published)Where stories live. Discover now