Landi: 31

2.3K 30 5
  • Đã dành riêng cho Jonalyn Danday
                                    

Maraming salamat po sa 13k na reads :) I love you po :)))

Bebe! I miss you :*

please Read, vote and comment! salamaaat! <3

xxxxxxxxxx

"Ano ba ate? Pag-aawayan na naman ba naten to? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na hindi niyo na ipapasok sa rehab ang anak ko?" Boses ni Tita Jean

"Oo napag-usapan na naten yan pero yung mga pag-uusap naten hindi rin ako pumayag na hayaan lang siya na hindi magbayad sa ginawa niya sa anak ko." Boses ni Mommy

"Ate naman, Sino ba mas matimbang sayo? Mas matimbang ba sayo ang babaeng yun kesa sa sarili mong kamag-anak?!" Tita Jean

Ha? Sinong babae?

"Kahit anong sabihin mo. Ipapasok naten siya sa rehab." Mommy

"No ate! Hindi ako makakapapayag!" Tita Jean

"MAGSITIGIL KAYO! Hindi na kayo naawa sa kalagayan ng mga bata?! Anong tingin nyo sa pamilya naten? Para kayong hindi magkakapatid. Hindi niyo na ko nirespeto na nandito ako sa harapan nyo. Jean, Kaylangan naten na ipasok sa rehab si Sev upang maagapan ang pagpapagamot sakanya." Boses ni Lola

Naramdaman kong galit na si Lola kaya nagtaas na ito ng boses. Ano ba talaga nangyayari?

"Pero Ma, walang sakit ang anak ko." Pagtatanggol ni Tita Jean

"Wala nga siyang sakit pero adik naman ang anak mo!" Sabat naman ng boses ni Tita Thelma (nanay ni Clarine)

"Magtigil ka Thelma! Hindi ka kinakausap!" Saway dito ni Mommy

"Sinabi ko ng tumigil kayong lahat!" Talagang mataas na ang boses ni lola

"Ipapasok natin si Sev sa rehab and that's final!" pahabol niya pa at wala na ni isa sakanila ang nagsalita at narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto

Dumilat na ako.

Nag-aaway sila kanina sa kwarto ko. Its been almost a week and still, di pa rin sila tapos sakanilang diskusyon kung anong gagawin nila kay Sev.

Nung una ang gusto ni Mommy ay sampahan ng kaso si Sev but Lola disagreed.

Ang suggestion nila Tita Jean ay dalhin na lang sa ibang bansa si Sev pero ang gusto ni Lola ay ipasok sa rehab si Sev dahil nadetect na gumagamit ito ng drugs.

Tumayo na ko at nag-ayos ng sarili. Andito rin pala ako sa Ancestral house namin dahil ayaw muna nila Mommy na mag-isa ako sa bahay.

Dinadalaw naman ako ng mga kaibigan ko. actually araw-araw silang andito.

Sadly, I'm now SINGLE.

Sa nangyari sakin na-realized ko na dumating na ko sa boiling point ko at kahit anong gawin ko hindi ko na maiintindihan ang mga paliwanag ni Nico. MAsyado na kong nagpakatanga eh.

kung tatanungin nyo kung nakapag usap na kami, OO nakapag usap na kami.

**FLASHBACK

"Bading, bakit di ako pinupuntahan ni Nico?" Malungkot na tanong ko kay Miggy.

Di siya nagsalita at tumayo siya upang tignan yung dextros ko. Diba nursing student sila ni Marian.

"Di ko alam." Simpleng sagot niya sakin at kumuha ng strawberries sa mesa.

tinignan ko sila Marian sa isang sulok na parang nagtatanong yung mata ko kung bakit di ako dinadalaw ni Nico.

umiwas siya ng tingin. Si Mikee naman ay wala dun kasi tinawagan ng mommy niya at may kailangan ayusin sakanila.

When Landi Meets Hinhin (Published)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ