Landi: 8

3.1K 44 0
                                    

Miguel Angelo Castro

PAGKATAPOS namin manuod ng movie ni Candy ay naglakad-lakad kami. Since hindi pa naman kami nagugutom,pumunta kami sa quantum para mag-videoke at maglaro.Nakakita ako nung improvised WII sa quantum-'yung dance crazy na ginagamitan ng censor na pinaka-latest ngayon sa mga play area ng mall.

At dahil may nakita akong mga chiks sa gilid ay bumili agad kami ni Candy ng token tutal naman mahilig akong sumaway at marunong akong sumayaw lalo na gwapo pa ko.Dalawa kami ni Candy na sumayaw. Una naming sinayaw ay'yung 'What Makes You Beautiful' ng One Direction. Fanatic kasi si Candy ng 1D, eh, mas pogi naman ako sa mga 'yun.

"Ang cute nila,'no?"

"Teh, ang gwapo ni Koooyaaa!"

"Shet! Ang hot niya."

"Swerte ni girl,'no?"

"'Di naman sila bagay, eh"

"Mas bagay kami"

"Ang galing ni Kuya sumayaw."

"Sana ako na lang 'yung girl."

'Yan 'yung mga naririnig kong comment nu'ng mga babae sa paligid namin ni Candy habang sumasayaw kami.

Sige lang mga babes, mabighani lang kayo sa kagwapuhan ko.

MGA 10 minutes din kaming sumayaw ni Candy. Pagkatapos nu'n ay pumunta naman kami sa 'Shoot the Balloon'.

Gusto ko kasing makuha 'yung stuffed toy na Patrick Star Fish. Favorite kasi ni Candy 'yun.

Bago ako mag-umpisa ay nakita ko pang nakangiti si Candy, gusto niya talagang makuha ko 'yung si Patrick Star. Kaya mas nag-focus ako sa gagawin kong game, pero bago ako nagsimula ay kiniss ko muna siya. Syempre pampabwenas.

"Ang sweet naman nila."

"Ginayuma lang nu'ng babae'yung lalaki."

"'Wag ka nga diyan! Tss."

"Kita mo 'pag nakita ako ni Kuya, iiwan niya'yang babaeng 'yan at sa'kin sasama 'yan kasi mas maganda pa ko du'n."

Tinignan ko 'yung nag-uusap sa gilid ko. Grabe, bulong ba 'yun? Ba't parang rinig ko ata? Pero, takte! Ang sexy nu'ng babae pero mukang retokada. Eto ba 'yung tinatawag na babaeng katawan convincing, pero mukang conjuring? Hahaha! 'Wag na lang pala. Nakita niya kong nakatingin sa kanya kaya ngumiti siya nang malapad ako naman ay nag-smirk lang.

Asa!

Ayoko ng ganung klaseng babae.

Bumalik na ko sa focus ko sa paglalaro.Naka-apat na set pa ko ng laro bago ko nakuha 'yung si Patrick Star na 'yun. Tangna hirap, ah! Pero at least nakuha ko.

NANG palabas na kami ay nagpaalam si Candy na mag si-CR muna siya.

Habang nag-aantay ako sa labas ay may lumapit sa'king sexy na babae. Si Conjuring, 'yung babaeng parang retokada

"Hi," bati niya.

"Hello," sagot ko naman sabay ngumiti nang malapad.

Maganda naman pala talaga, mukha lang talagang conjuring sa malayo. Sobrang tangos kasi ng ilong kaya nagmukang retokada pero mukang may lahi siya kaya ganun katangos ilong niya.

"I'm Krei. I saw you earlier," aniya.

"I'm Miggy," sabi ko sabay lahad ng kamay ko for shake hands.

Inabot naman niya at may naramdaman akong parang papel sa kamay ko.

"Uhm, hey. Here's my number. It's written there on the paper sooo, text me maybe?" sabi niya sabay alis na.

When Landi Meets Hinhin (Published)Where stories live. Discover now