Landi: 35

2.3K 36 20
                                    

Good Evening! Thank you sa 15k reads! Salamat sa mga taong patuloy na nagbabasa :">

Dedicated to her. I love you Admin! :">

Please, Read. Vote. && Comment!

Thankies! :*

xxxxxxxxxx

AKANE's POV

"Hija, nagpunta ang Mommy mo sa Japan to marry your father." Simula ng kwento ni Lola.

Andito siya sa kwarto ko kasama si Tita Jean pare-pareho kaming namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak.

Sabi nga nila, Mahirap maglibing ng anak. Kaya alam ko kung gano nasasaktan si Lola sa pagkawala ni Mommy at ni Daddy.

Yung mga kamag-anak ni Daddy sa Japan ay umuwi ng Pinas nung libing.

Kinukuha rin nila ako upang sa Japan na tumira pero tumanggi ako. Mababait naman sila pero sadyang ayokong manirahan sa Japan.

"After 3 years umuwi ng Pinas ang Mommy mo kasama ang Daddy mo dahil nalaman namin na sa loob ng tatlong taon ay di pa rin sila nagka-kaanak."

Patuloy lang kaming nakikinig ni Tita Jean sa sinasabi ni Lola.

"Natatakot ang Mommy mo na magpacheck up kasi ayaw niyang malaman na isa sakanila ay hindi pwedeng magka-anak pero di lumaon ay napilit ko rin silang magpacheck up." Patuloy na kwento ni Lola na namumuo na naman yung luha sa mga mata.

"Nung nakuha nila yung resulta ay nalaman nilang hindi na magka-kaanak ang Mommy mo. nagkaron ng damage yung ovary niya kaya hindi na siya capable of giving birth." Naiiyak na ko.

mahirap tanggapin pero wala tayong magagawa eh.

"Para makaiwas sa kahihiyan ay pumunta sila Sa Santa Clara orphanage. Nung pumunta sila dun ay five years old ka lamang at may pagka haponesa ang itsura mo eh dahil half-japanese ang Daddy mo ay ikaw ang pinaka magandang choice na pinili nila." Tuluyan ng tumulo ang luha ni Lola.

"Agad nilang inasikaso yung mga documents mo. Yung araw ng birthday mo ay ang araw kung kelan ka nila kinuha sa ampunan. Pinangalanan ka nilang Akane kasi favorite rin ng Mommy mo ang kulay pula na ang Ibig sabihin ng salitang 'Akane' sa Japan ay Deep Red. Masyadong malalim ang mga magaganda mong mata parang laging nanghihigop o laging may gustong sabihin kaya ayun ang ipinangalan sayo."

hindi ko na napigilan pa ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko patunay na nasasaktan ako sa mga naririnig ko.

"Apo, mahal na mahal ka ng mga magulang mo. Wag ka sanang magalit sakanila kung bakit hindi nila sinabi sayo. Ayaw ka lang nilang masaktan at ayaw lang nila na iwan mo sila pag nalaman mo ang totoo" Umiiyak na yinakap ako ni Lola.

"Pero lola, hindi po ba ako mahal ng mga tunay kong magulang? Ayaw po ba nila sakin kaya iniwan nila ako?" Tanong ko sakanila

"Anak, wag mong isipin yan. Kung hindi ka nila mahal edi sana hindi ka nila hinayaan na mabuhay dapat nuon pa lang pinalaglag ka na ng biological parents mo." Sabi sakin ni Tita Jean

"Eh bakit po nila ako pinaampon? Siguro po di ako mabait na bata nun." Naiiyak na sabi ko.

"Hindi Hija, mabait ka. Lumaki kang responsable at mapagmahal na bata kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Mabuti pa magbakasyon ka tutal sa susunod na linggo pa naman ang klase mo." Suggestion ni Lola sakin.

"Lola, gusto ko na pong magpahinga." Sabi ko sakanila.

"Osige hija, magpahinga ka na at lalabas na kami. Jean tara na" sabi niya sakin at niyaya na si Tita Jean na lumabas. Ako naman ay humiga na.

When Landi Meets Hinhin (Published)Where stories live. Discover now