Chapter 14

113K 2K 56
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Naalala ko ang mga nangyari kagabi. I surrender myself to him. I still have doubts though. Tama ng aba ang ginawa ko?

But I really did give myself to him.

Napatingin ako sa gilid nang kama. Wala na sya sa tabi ko. Ang nakikita ko nalang ay ang pulang mantsa na nasa bedsheet. The evidence of whay we did last night. That hot night. Para akong nahihiyang isipin uli iyon.

Ni wala akong maramdamang hiya kagabi. Ngayon lang nag si sink in sa akin ang mga pangyayari.

Nasan ba sya?

Sinabihan nya ako nang 'I love you' at 'I miss you' kagabi. What does that mean? Ang I love you parang kaya ko e defend. Pero ang 'I miss you', bakit?

Bumangon ako papuntang banyo. I feel sore below pero tiniis ko nalang. I have to clean up myself.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Mga damit na comfortable akong suotin. Pagkatapos non lumabas na ako nang kwarto. Napatingin ako sa may pinto ng kwarto ni Astaroth. Pagkatapos nang nangyari kagabi, ganun-ganun nalang? Gigising nalang ako na wala sya sa tabi ko. An daya naman non.

Lumapit ako dun para kumatok. Nakatatlong beses na akong katok sa kanya walang sumasagot. Medyo nakakainis isipin na ganun nalang sya.

He took me and just like that, gigising nalang ako na wala sya? Ano yun? Sex and run?

Humakbang na ako palayo sa kwarto nya at bumaba. Pagkababa ko naabutan ko si kuya Vic na nanonood nang tv.

"Kuya." Lumingon naman sya pagkarinig nya sa tawag ko.

"Oh, Yva."

Lumapit ako sa kanya.

"Na-nasan si Astaroth?" tanong ko. Bagaman nahihiya. Naisip o baka alam ni kuya ang nangyari sa amin ni Astaroth kagabi.

"Lumabas. Hindi ko alam kong saan pumunta." Sagot nya. "Kumain kana. May inihanda na kong pagkain dun sa mesa." Dagdag pa nya.

"Mamaya nalang siguro. Wala pa akong gana."

"Sige. Ikaw." Sagot nito sabay balik ang toon sa tv.

"Kuya, lalabas na po muna ako." Paalam ko.

"Bakit? San ka pupunta?"

"Punta lang akong simbahan. Bibisitahin ko si father Arthur."

Tumango lang ito kaya lumabas na ako.

Ang totoo, gusto ko lang may makausap. Pakiramdam ko kasi punong puno ako nang kasalanan. I give myself to someone.

I sigh and walk my way to the church.

Pagkadating ko sa simbahan wala doon si Father Arthur kaya nagtanong ako sa isa sa mga nagsisilbi doon. Sinabi nito na nasa kumbento lang si Father. Pumasok ako sa loob.

Pagkapasok ko papunta sana sa kinaroroonan ni Father, may mga nakasalubong akong mga pari rin. Nakasuot sila nang itim na damit na pangpari at may hawak hawak na bible. Tinitingnan nila ako na parang isang criminal. Hindi ko alam kong ano ang ginawa ba't ganun sila makatitig. Binalewala ko nalang hanggang sa makarating ako kay father.

I knock before entering. Nang makapasok ako, naabutan ko si father na may binabasang libro bago sya tumingin sa gawi ko. Bahagya pa syang nagulat sa pagdating ko.

"Good morning po, Father." Bati ko saka lumapit sa kanya para makapagmano. Iniabot naman nya ang kamay nya sa akin.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o totoong nakita kong parang bigla umiwas at nag-iba ang pakikitungo nya sa akin.

Taken by a DEMON (PUBLISHED UNDER RISINGSTAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon