Brand

22.3K 475 76
                                    

A/N: This is a work of fiction. Some names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. For more details, please refer to this story's provided description. Thank you.

"Dj, anong oras na. Matulog na kayo. Maaga pa call time mo bukas. May ilang araw ka pang taping." paalala ng nanay ni Daniel.

Nandoon nanaman nakatambay ang ilang mga kaibigan ni Daniel dahil wala siyang trabaho buong araw, rest day of the week niya at di siya lumabas ng bahay. Pagkauwi niya kaninang umaga mga alas 9 galing sa bahay nila Kathryn ay hindi na siya lumabas ng bahay.

Pinatawag lang niya ang mga barkada niya saka sila naglaro ng online video games. Ok na siya sa ganun, pahinga na yun para sa kanya. Ganyan lang kasimple ang lifestyle ni Daniel. Kung hindi video games, basketball at si Kathryn lang ayos na, masaya na siya.

"Yes Ma..matutulog na." sagot niya kay Karla habang busy pa rin niyang kinakalikot ang cellphone niya. Online na naman siya sa Instagram at kung ano ano ang mga nililike. Pagkatapos niyang tignan ang mga litrato ng girlfriend, kung saan saan na siya napapadpad sa ig. Gising na gising na naman si Supremo_dp.

"Bro! Bro!" tawag niya kay Mycko, kaibigan niya.

Tuwing may makita si Daniel na kakaiba o nakakatawa lagi niya pinapakita sa mga kaibigan niya para sabay sabay silang tatawa. Tapos magkanya kanya na uli sila ng tingin sa cellphone.

"What bro?" tumingin ito sa kanya.

Hinarap ni Daniel ang cellphone niya, the screen displays a shoe. It seems like Daniel have been browsing an online shop.

"Astig. Maganda design, what brand bro?" his friend asked.

"Fendi. Alam mo ba yun?" Daniel read.

"Oo maganda yan. Tyaka mahal. Pero pambabae eh..." sabi ni Mycko saka binalik kay Daniel ang cellphone.

"Eh bakit, si Kath naman susuot." sabi ni Daniel inabot ang cellphone galing sa kaibigan niya.

"Valentines gift mo? Kala ko ba may iba siyang gusto di ba yung inorder na niya na bag." tanong uli ng tropa niya.

"Hindi. Wala lang. Gusto ko lang bilhan siya." Daniel said resting his back on his bed, tinaas niya pa ang paa niya sa may headboard still with the phone on his hand.

"O, eh di ikaw na romantiko." pamumuna sa kanya ng kaibigan at sabay sabay sila tumawa.

Napangiti lang si Daniel at sumagot sa mapangasar na kaibigan "Kaya nga ako kumakayod para ispoil ang girlfriend ko,wala kang pake." saka tumawa ng malakas.

"Hulog na hulog bro.." hirit ni Jc na tinapunan siya ng unan sa mukha.

"Nagsalita hindi corny sa girlfriend." sagot niya sa kapatid.

Pinasa niya kay Mycko ang cellphone niya na parang alam na nito ang gagawin. Siya ang taga order ni Daniel kung may magustuhan ito online, siya nag nagoorder para sa kanya. Babayaran na lang ni Daniel.

"Size 37 eto tapos eto 40.." turo niya kay Mycko, may isa pa siyang gustong ipabili, same brand pero pang lalake para sa kanya. Para couple shoes sila ni Kath.

Sabi nila when you see something beautiful and you can't wait to purchase it for someone,it's called love. It's like seeing beautiful places and wish that someone is there to see it with you. Ganun ang pakiramdam ni Daniel kay Kathryn. Lahat ng mga gusto niyang marating at mapuntahan, lahat ng gusto niyang makuha at magkaroon gusto niya kasama at mayroon din si Kathryn.

The 525 Files. Where stories live. Discover now